*Zandria's Pov*
—Huminto ang sasakyan niya sa isang mamahaling hotel dito dito sa Baguio. Nauna siyang lumabas at pinagbuksan niya ako, parang sa mga movies ko na lang mapapanood ang ganito eh.
"Anong pong gagawin natin dito Uncle Mariano?" Tanong ko sa kanya, mabuti na yung nakakasiguro ako noh! Baka mamaya patayin at isinilid ako sa maleta, edi wala na.
"May ibibigay ako sa'yong pasalubong, hindi naman kita nakalimutang bilhan." Seryoso niyang sagot sa akin, weh hindi niya ako nakalimutan? Kahit five years na hindi kami nagkita?
"Ano pong pasalubong yan Uncle Mariano?" Muling tanong ko habang nakasunod sa kanya.
"Mariano na lang ang itawag mo sa akin, huwag ng Uncle Mariano." Sabi niya bago pumasok sa elevator sumunod naman agad ako.
"Eh bakit po? Uncle Mariano naman po kita, nasanay na ako." Nakakahiya naman kung Mariano lang para akong walang kagalang-galang.
"Baka may makarinig sabihin sobrang tanda ko na." Malamig niya sagot, napakamot naman ako ng batok.
"Sige po Unc- Mariano." Ang baduy, bakit kasi pang matanda pangalan niya.
Pagbukas ng elevator ay lumabas na siya sumunod naman ako. Tumigil kami sa tapat ng isang room, pinindot niya yung password at kusang bumukas ang pinto.
"Hintayin mo ako dyan sa sala kukunin ko lang yung para sayong pasalubong." Umupo na ako sa sofa siya naman ay umakyat ng hagdan. Iginala ko ang aking paningin, parang hindi lalaki yung nakatira rito dahil sobrang linis. Nahiya naman ang kwarto ko nuh, parang dinaanan ng bagyo sa sobrang kalat.
Maya-maya pa ay pababa na siya ng hagdan, may dala itong dalawang paper bag ng Louis Vuitton at Prada. Nananaginip ba ako? Pinapangarap kong bag ang LV dahil may gusto akong bibilhin na bag yung Alma BB, nagandahan kasi ako doon pati yung Onthego MM masarap ‘to ihampas sa mga mosang na kapitbahay, chor!
“Here, sana magustuhan mo.” Inabot niya sa akin yung paper bags.
“Seryoso po kayo sa akin ito, walang halong joke?” Paninigurado na tanong ko mahirap na baka ma-paasa ako, masakit!
“Yes, 'yan kasi ang sabi ng daddy mo sa akin. Wishlist mo raw iyan.” Nakangiti niyang sabi, wait ngumiti siya? Napatulala ako dahil lalo siyang mas gumwapo.
"Buksan muna, I hope napili ko yung gusto mong bags." Utos niya, nag-aalangan akong buksan dahil mahal yung nasa wishlist ko.
Ma-ingat kong binuksan yung paper bag para hindi masira. Nanlaki ang aking mga mata nang makitang Alma BB nga yung binili niya.
"Totoo po akin to? Hindi ka talaga nagbibiro Uncle Mariano?" Muling tanong ko habang nakatingin sa binigay niya, ang dream bag ko.
"Oo sayo talaga yan, limang taon tayong hindi nagkita 'di ba? Nangako pa naman ako sayo noon na lagi kang may gift sa akin. Kaya yan ang napili kong regalo sayo." Naiiyak na ako OA na kung OA pero Potaenà,
Hindi ako maiiyak ng ganito, dahil alam ko if magkano itong bag. Talagang kayod malala talaga ako para lang mabili ito, baka nga next life nalang dahil mas uunahin ko ang aking mga pangangailangan.
Nasa one hundred thousands plus ang price nito, nanginginig yung kamay kong hinawakan 'to hindi ko pa inalis sa kanyang cover baka magasgasan.
"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya sunod-sunod akong tumango sino bang hindi? LV kaya 'to. Maingat kong ibinalik sa loob paper.
"Maraming salamat po dito Uncle Mariano, dapat yung mga mumurahin bags na lang po ang binili nyo. Nakakahiya." Nahihiya kong sabi sa kanya, nagulat ako dahil bigla niyang ginulo yung buhok ko.
BINABASA MO ANG
SISID MARINO (Spg)
RomanceHOT MARINO'S SERIES 1 ---- "Ilang pera ang kailangan mo para layuan si Mariano?" Tanong ng nanay ng asawa ko habang nasa hapag-kainan. "Alam kong pera lang ang gusto mo sa anak ko, kaya sabihin mo sa akin kung magkano at ibibigay ko sa iyo para iwan...