Napakaraming alaala na nais kong ibalik sa dating kapanahunan, kung saan ang bawat pangyayari ay maaaring baliktarin at ibalik sa dati. Ang mga sandaling iyon na puno ng kasiyahan at pagkakasunduan ay nagbibigay sa akin ng pag-asa na maaaring mabalik ang mga ito. Subalit, sa kasalukuyan, hindi ko kayang ibalik ang mga panahong iyon sa dati. Ang mga alaala na ito ay mananatiling bahagi ng aking nakaraan, at kahit gaano ko man subukan, hindi na maaaring mabalik ang mga ito. Sa kabila ng lahat ng hirap, kinakailangan kong tanggapin na ito'y mga panahon na dapat kong bitawan at magsimula muli. Hindi ko alam kung kaya ko bang bitawan ang mga alaalang iyon na napakahirap bitawan, sukuan, at kalimutan, ngunit sa paglipas ng panahon, umaasa ako na makakahanap ako ng lakas upang harapin ang hinaharap nang walang pag-aalinlangan.Balang araw, umaasa ako na magiging handa na akong magsimula muli, kahit na wala na siya sa aking tabi.
Sa bawat araw na lumilipas, unti-unti kong natututunan na tanggapin ang katotohanang hindi lahat ng bagay ay mananatili. Kahit na malungkot at mahirap, naniniwala ako na may magandang bagay na naghihintay sa akin sa hinaharap.
Hanggang kailan ako aasa na hindi na mauulit ang pagkakamaling palagi niyang pinapangako na hindi na niya uulitin? Hanggang kailan ko kakayanin ang lahat? Hanggang kailan darating ang araw na magbabago siya?
Mga araw, linggo, buwan, o taon ang lumipas, parang mas lalong bumagal ang lahat, kung saan ay hindi pa rin dumating ang pagbabago na inaasam-asam ko.
Paulit-ulit na lang ang lahat, walang pagbabago. Kaya kung magtitiis pero hanggang saan ang aking kakayanin sa lahat ng ito?
Minsan naririnig ko ang mga salitang, "Hindi ba ako napapagod sa pagmamahal ko sa kanya?" Ngunit sa kabila ng kanilang mga tanong, ako'y napapagod na rin sa pagmamahal na ibinigay niya sa akin. Hindi ko alam kung may natitirang pagmamahal pa ba siya para sa akin. Baka wala na talagang natitirang pagmamahal para sa akin. Mukhang pinipilit na lamang niya ang kanyang sarili na manatili sa akin.
Kada gabi, ang pag-iyak ko ay hindi maiwasan dahil sa kanya. Sa bawat pagtulo ng luha, tinatanong ko sa sarili kung mayroon pa bang pag-asa para sa aming dalawa o kaya ko pa bang ipaglaban ang pag-ibig namin kahit na mayroong sakit at paghihirap.
"Gusto ko lang magmahal, ngunit bakit ganito?" Mag-isa akong umiiyak sa aking silid, hindi matiis ang bigat na aking nadarama sa aking dibdib.
Sa bawat luha na dumadaloy, tila sumasabay ang hinaing ng puso na puno ng lungkot at sakit.
Ang pag-ibig na inaasam ko'y tila malayo, ngunit patuloy akong nagtitiwala na darating ang tamang panahon para sa akin. Hanggang dumating ang araw na mababawasan ang sakit at muling mabubuo ang aking pag-asa, patuloy akong lalaban. Hindi ako susuko hanggang sa maubos ang aking lakas.
Sa gitna ng pighati, patuloy akong nagtitiwala at umaasa na babalik ang lahat sa dati. Noong una, puno pa ng mga ala-alang masasaya, walang lungkot at sakit. Nais kong muling maranasan ang mga sandaling puno ng ligaya at pagmamahalan. Iniisip ko ang mga masasayang alaala na nagbibigay sigla sa puso ko, at umaasang maaaring mabalik ang mga ito. Sa bawat araw na lumilipas, hindi ko mapigilang isipin ang mga sandaling puno ng tawa at pagmamahalan. Nais ko lang ibalik ang dating saya at kaligayahan na minsan naming pinagsaluhan. Ang lungkot at sakit na nararamdaman ngayon ay nagpapaalala sa akin na mahirap nang maibalik ang dating kaligayahan.
Patuloy akong naghihintay at umaasa na ang lahat ng paghihirap ay magiging bahagi ng isang maligayang pagtatapos, kahit na walang kasiguraduhan. Mga kasiguradohan na aking hinahawakan.
"Ibinigay ko na ang lahat ng pagmamahal ko para sa iyo, hanggang sa naubos na ang pagmamahal na natira para sa sarili ko. Ngunit bakit ganito ang iyong isinukli sa akin?" Sa harap niya, ako'y naghihinagpis habang umiiyak, ngunit hindi niya ako tinitingnan ng harapan na puno ng puot, sakit, at lungkot ang aking mga mata.
BINABASA MO ANG
Paubaya
Short StoryHindi lahat ng pag-ibig magtatapos sa mga magagandang alaala. May mga pag-ibig na nagdudulot ng sakit at pighati, mga ala-alang nais nating ibaon sa limot. Hindi lahat ng kuwento ng pag-ibig ay nagtatapos sa mga masasayang sandali. May mga pag-ibig...