CHAPTER 3: THE RIOT, KALYE GANG BREAKDOWN

344 9 0
                                    

"Bri!" sigaw sa akin ni Matt, nasa mukha niya ang labis na pag-aalala, at may dugo narin ang mga kamay niya, napalapit kami sa kanya at kinuha mula sa palad niya ang isang kutsilyo. Nanginginig rin ang mga palad niya.

"Anong nangyari? Bakit?" tanong ko sa kanya. "Bakit may dugo ka Matt? Anong ginawa mo?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

"Hindi ko sinasadya, hindi talaga." Umiyak siya at napaupo. Kaagad na kumuha ako ng tubig at itinapon ko ang kusilyo at hinugasan ang mga kamay niya. "Makukulong ako." He murmured.

May dumampot sa kanyang mga nakaitim na mga kalalakihan. "Teka sandali, hindi kayo mga pulis! Saan niyo dadalhin ang kaibigan ko?"

"It's okay, kilala ko sila." Si Matt sa akin. Malungkot na napangiti siya sa amin.

"Young Master, tayo na." sabi naman ng isa.

Hinarap ito ni Matt. "Butler Jeng, si Dad?"

"He's waiting inside the car." Sagot ng tinatawag niyang Butler Jeng. Nang mawala si Matt ay nanghihinang napaupo ako sa bench. Kung ganon gaya ko rin si Matt, galing sa isang mayamang pamilya? Bakit kung sino pang pinanganak na mayaman ay siya pang napapariwara ang buhay ngayon?

Napaigik ako ng may humablot sa akin. Kaagad na itinulak nila ako sa gilid. "Ngayong mag-isa ka na lang, wala ka nang kalaban laban sa amin." Sila ang matindi naming kalaban, sila iyong mga gumagawa talaga ng krimen sa kalsada para kumita ng pera. "Pagbabayaran mo ang ginawang kasalanan sa amin ng mga kasamahan mo!"

Marami silang nakapalibot sa akin, nakita ko ring may mga pamalong bakal ang ilan sa kanila. "Kung gusto mo pang mabuhay, umalis kana sa teretoryo namin, gaya nang mga kasamahan mong mahihina. O di kaya ay sumama kana sa amin, sayang ka, mukhang maganda ka naman." Nakangising sabi nito sa akin.

Mula sa pagkakaupo sa lupa ay tumayo ako. "Kailan pa naging sayo ang lugar na ito? Bakit anak kaba ng wala nating kwentang gobyerno? Ah, kung sabagay, wala kanaman palang kwenta."

Nanlisik ang mga mata niya. "Matapang ka ha! Sige na, sugurin niyo na siya!" utos nito sa mga kasamahan. Kumuha ako ng lupa at isinaboy sa kanila, at inagaw ang isang pamalo sa isa sa kanila, at ginamit ko iyong panangga sa mga paghampas nila sa akin.

"Bri!" napatigil ako ng marinig ang boses ni Charles, kasunod niya ang ilan sa mga kasamahan namin. "Ahh!" napaigik ako ng tamaan ako, dahil nawalan ako sa focus nang marinig ang boses ni Charles. Tahimik ang gabi at tanging ang labanan lang ng mga kabataan ang nag-iingay sa isang parke na iyon.

Sunod sunod ang paghugot ko ng malalim na hininga, marami naring natumba sa mga kalaban namin, pero matigas ang isa na siyang pinuno nila. Si Charles naman, ay marami naring pasang natamo mula sa pakikipag suntukan sa kanila.

"Kahit kailan talaga, matatag ka." Sabi ng pinuno. "Pero pasensyahan nalang tayo, dahil kailangan mong mamatay!" may dala siyang baril. Itinutok niya sa akin ang baril, pero bago paman niya iyon mapaputok ay may yumakap na sa kanya.

Si Charles...

Unti-unting nabitawan ng pinuno ang baril na hawak at napaatras ito. Si Charles may hawak na kutsilyo, napaiyak ako habang pinagmamasdan si Charles na tulala lang. Hanggang bumagsak ang pinuno. Nasaksak siya ni Charles at napatay!

Nilapitan ko si Charles. "Charles..." kinuha ko ang kutsilyo sa kamay niya, at niyakap siya habang umiiyak. "It is okay, you just saved me."

"Isa na akong mamamatay-tao Bri, nakapatay ako." napaiyak narin siya.

"Hindi kita iiwan Charles, hinding-hindi, sasamahan kita pinapangako ko sayo yan." Hinawakan ko ang kamay niyang may dugo. "Tayo ang pumatay sa kanya, tayong dalawa." Naiiyak na sabi ko rin. Naririnig na namin ang pag-ingay ng mga serena ng kapulisan. "Kung makukulong ka, makukulong rin ako, sasamahan kita."

BWA#2: My Worth Million Girlfriend (PPV at www.nobelista.com)Where stories live. Discover now