•
-Welcome back to Circle of Death!
~•~•~•~
19/20 players
•100 cameras
Fiorisce's Pov.
What the!? Parang kahapon lang nag iinuman pa kami ni Xalvien tapos pag gising ko nandito na kami sa isang bahay. Nalaman ko pang pinatay nila si Jake na parang kapatid ko na din. Pag nahanap ko talaga kung sino ang may pasimuno nito, malalagot siya sa akin.
Habang nagiiyakan sila ay biglang nakarinig kami ng tunog ng napaka lakas. Halos mabingi na kaming lahat sa ingay na yon. Nang huminto na ay biglang may nagsalita mula sa speaker.
"Good morning players, you may now eat in the dining area. The bunnies are gonna lead you to that place. Don't worry, tomorrow we will have a 2nd game! Good luck players!" Masayang sambit ng nasa speaker.
Agad kong pinakyuhan ang nakitang screen at sumigaw.
"Tarantado kang putangina ka! Saan mo kami dinala?! At sino ka!?" Galit na sigaw ko.
"I will not tell my name for NOW, but I have a clue for you. All of you knows me, and i know your dirty little secret:D" aniya ng nasa speaker na ikinagulat ko.
Tumigil sa pag iyak si Jane pati ang iba kong kaibigan at napatingin sa gawi ko. Nangunot ang noo ni Yvonne at pumunta sa pwesto ko.
"Ano ang sikreto mo?! Bakit Hindi mo sinasabi sa amin na may tinatago ka?! Ang daya niyo naman, pag ako may problema sinasabi ko sainyo, pero pag kayo nililihim niyo! Magkakaibigan ba talaga tayo?!" Galit na tanong ni Yvonne.
Kita ko sa mga mata niya at boses niya na nahihirapan siya, na nasasaktan siya pero nanatili padin siyang matatag. Kilala ko si Yvonne na isa sa mga matatag sa aming magkakaibigan na babae. Kahit kailan ay Hindi namin siya nakitang umiyak. Pero sa nakikita ko ngayon ay malapit na siyang bumigay.
"I-im sorry I can't tell you.." Sagot ko.
"Ewan ko sayo!" Galit niyang saad at nauna ng umalis sa kwarto. Sumunod naman si Kurt pati si Reiko at ang iba pa. Tanging kami nalang ni Jane ang natitira habang siya ay patuloy padin sa pagiyak.
"Jane.. T-tara na.." Saad ko.
Lalapit na sana ako ng tabigin at tinulak niya ako. Masama niya akong tinignan at dinuro duro.
"Siguro ikaw yung nagdala samin dito no?! Kaya ayaw mo sabihin sa amin ang sikreto mo?!" Sigaw niya.
Umiling ako ng umiling pero patuloy padin siya sa pagsigaw ng masasakit na salita.
BINABASA MO ANG
Circle Of Death
Mystery / Thriller"Be careful who you trust, the Devil was once an angel.." One game, 20 players, and a KILLER. A group of friends are invited in an anonymous game, they have to PLAY it and SURVIVE. Does this game will lose their friendship? Are they willing to sac...