•
-
—
——
———WELCOME BACK TO CIRCLE OF DEATH!
Day 04:
Cameras in the Rooms activated..
~•~•~•~
Khrizelle's Pov.
No! No! No! Hindi pwede! Ayokong may mamatay sa amin at mas lalong ayoko pang mamatay!
Paano na kami nito?! Paano na kami makakaligtas kung wala ng daan palabas?!
Gusto kong umiyak.. Sinagot ko naman ng tama ang mga tanong ah?! Bakit kami nagkamali?! Tangina!
"Hoy! Ikaw ang nagsinungaling sa ating dalawa! Bakit mo yon ginagawa?! Tignan mo oh! Wala na! Mamamatay na tayo oh!" Sigaw ko sa kanya.
Nandito Pa din kami sa kwarto namin at ang iba naman ay nakalabas na sa kani-kaniyang kwarto. Bakit kasi eto pa ang naging ka partner ko?!
Naghihintay lang kami dito sa loob kung anong mangyayari sa amin. Natatakot ako lalo na't buhay ang nakasalalay sa amin dito.
Biglang nagbukas ang screen at may nakalagay dito.
————
Good evening player
#09 and #10!Are you excited to be punished?
Don't worry, its easy!
This room is full of electricity,
and I'm going to fill it with water
and you have to
find a way out of this room.
if you exceed the timer you will be
electrocuted and die!You only have 5 minutes to survive
this game!Good luck players!
———
Napaiyak na lang ako sa narinig. Nilibot ko ang tingin sa paligid at ngayon ko lang napansing puno ng mga elektrisidad sa loob nito at nakasabit. Kapag napuno na ng tubig ang buong kwarto at paniguradong makukuryente kami dito. Napahawak ako sa aking sintido.
Paano na ito?! Saan kami pwedeng makalabas?!
Sinubukang buksan ni John ang pintuan ngunit hindi niya magawa. Sinubukan din niyang sirain ito ngunit matibay ang pintuan. Naghanap na din ako ng pwedeng panira ng upuan ngunit wala talaga.
BINABASA MO ANG
Circle Of Death
Mystery / Thriller"Be careful who you trust, the Devil was once an angel.." One game, 20 players, and a KILLER. A group of friends are invited in an anonymous game, they have to PLAY it and SURVIVE. Does this game will lose their friendship? Are they willing to sac...