"Bye, Yoon!" Bati ko bago kami maghiwalay ng daan papuntang classroom ng bestfriend kong si Sullyoon.
Nag-aalala ako para sa kaniya, sobrang introverted kasi ng babaeng 'yon e, ako lang ang kaibigan niya. Hindi rin siya marunong kumausap ng mga tao kaya nag aalala akong baka wala siyang maging kaibigan o isipin ng iba na weird siya.
Noong senior high, ganoon na talaga siya. Kinakausap ko lang siya palagi para maging komportable siya sa akin. Madami ngang gustong manligaw do'n pero hindi na sila nagtangka dahil hindi rin naman nila makausap at hindi rin madaling magkagusto sa lalaki ang taong 'yon.
Hindi na 'to ang dati kong school noong senior high. This is Hanlim University, the school of my dream. Sana may pogi, hindi ako masiyadong nakalandi noong grade 12 kasi busy akong mag entrance exam at super abala na talaga ng lahat pero ngayon hindi muna Books before Boys ang motto ko kundi,
New school, new boyfriend.
Masaya akong pumasok sa loob ng classroom pero nakasimangot naman akong tinignan ng isang lalaki roon.
"You're late." Sabi niya.
Tumingin ako sa paligid naguguluhan saka tinuro ako ang sarili ko para siguraduhing ako ang kausap niya.
"May iba pa bang nakaharang sa pinto?" Pagsusungit niya.
Aba! Siraulo 'to ha.
"Hindi naman po ako late, wala pa naman si prof." Mahinahong sagot ko.
"Kailangan pa bang dumating muna siya bago ka pumasok?" Sagot naman niya pabalik.
Talagang sinusubukan ng lalaki na 'to ang pasensiya ko e. Sama ng ugali. Alam kong pogi hanap ko rito sa Hanlim pero iyong poging mabait sana. Maldito tong isang 'to! pogi pa man din.
Hindi ko na siya pinansin at umupo na lang ako sa vacant seat. Pero bigla rin siyang umupo sa tabi ko. Lakas lakas mag pagalit kanina e siya nga nakatayo. Lista ko sa standing 'to eh.
Hindi ko na lang siya pinansin at nagsimula nang makinig sa prof namin.
"Okay class, Do you have any idea what are we going to tackle today?" Tanong ng professor namin.
Tinaas ko ang kamay ko at sumagot. "Sir, I think our lesson for today will be..." pagpapaliwanag ko.
"Yes! Very good, Miss Hong." nginitian niya ako saka sinenyasang umupo.
"You're good huh." Biglang sabi nitong katabi ko, si Riki.
Namangha ba siya sa akin? Hindi ko naman siya masisisi, magaling naman kasi talaga ako. Gaganyanin niya ako matapos akong sungitan kanina!
"I know right," Sagot ko saka ngumisi.
Noong magbreak time ay excited na akong lumabas para puntahan si Yoon at mag kwento sa kaniya pero hinarang ako ng isang babae.
"Hey, Pres told me na pumunta ka raw sa Student Council Office right away. Don't make him wait. Ayaw niyang pinaghihintay." Masungit na sabi niya.
Hindi na ako nakapagtanong dahil nagmadali na siyang maglakad. Ano bang ginawa ko? Sinong president ng student council? Ay bahala na nga.
Nakarating na ako sa loob ng student council at sinalubong ako ng masamang tingin nitong babae kanina. Nakita ko ang name tag niya. 'Lee Hyunseo'. Bakit ganito mga tao rito? pogi at magaganda pero masama ugali. Hindi rin naman uubra sa akin iyang mga 'yan.
YOU ARE READING
Once Upon A Daydream
RomanceENHA X SHIPS SERIES #6 Nishimura Riki, a naughty guy who is also the president of the student council, loves to tease Hong Eunchae, the class valedictorian and his seatmate. He never misses a day without teasing her, which is why for Eunchae, they a...