02

7 1 0
                                    

Kakakita ko pa lang sa username wala na agad ako sa mood. Pinagod niya ako buong araw sa dami ng utos niya tapos ngayon il-like niya ang story ko na para bang dapat matuwa ako.



Halata naman inistalk niya ako dahil hindi naman siya naka follow sa akin. Hindi lang din talaga naka private ang account ko.



nishi_riki started following you.


'Yan. Hanggang dito ba naman sa bahay ay susundan niya ko? Kinakabahan ako, sana hindi ko siya makita buong araw bukas. Hindi naman dahil sa takot ako pero baka hindi ko kasi ma enjoy ang event bukas saka hindi rin ako makapili ng club na gusto kong salihan.



Wala namang klase bukas kaya hindi na lang ako papasok sa school at buong araw na lang akong didikit kay Sullyoon.



"Eunchae, bilisan mo riyan. Naghihintay na driver mo!" Pagmamadali sa akin ni Sullyoon habang naka krus ang braso.



Napag-usapan kasi naming dadaanan ko siya para sabay kami pumasok dahil ayaw ko na ring mahirapan siya mag commute. May kotse naman kami. Sa uwian nga lang ay ayaw niya nang magpahatid dahil nahihiya raw siya. Ano kayang nakakahiya? Magkaibigan naman kami.



"Eto na oh, masyado mo kasi sinarapan luto mo ng breakfast." Sagot ko at nagmadali nang lumabas para makaalis na kami. Hindi naman kami maaga papasok ngayon dahil nga may event.



"Sa anong club ka sasali?" Tanong niya.



"'Yun lang. Hindi pa alam e. Hindi pa rin ako sure kung sasali ako, baka hindi na rin. Depende."


"First day pa lang sobrang busy mo na ha. Samantalang kami wala masyadong ginawa." Nagtatakang sabi niya.



Naalala ko na naman tuloy iyang Ni-ki na 'yan. Wala naman talaga akong masiyadong gagawin sana kung hindi lang dahil sa kaniya 'no!


"Ako kasi ang unang nakilala ng prof namin kaya marami ring inutos sa akin kahapon," Pagdadahilan ko. "Sorry pala ulit hindi kita nasamahan."



Naalala ko biglang may kasama nga pala siya!


"Omg! si Jungwon, ipakilala mo agad sa akin ha! as in pag pasok natin, puntahan natin agad siya." Excited na sabi ko.


"Are you that excited na makita siya?"  Tanong niya.


"Oo naman 'no! Para rin makita ko paano mo siya napiling maging friend. I mean, that fast! Kasi nga 'di ba you're not that good at talking to people. Ako nga wala pang friend sa room," Pagpapaliwanag ko. "Enemy lang."


"Enemy?" Tanong niya.


"Ah, wala joke lang!"


Nang makarating kami sa school ay inaya ko agad si Sullyoon na puntahan namin si Jungwon pero kusa na lang siya nagpakita sa amin.



Wala agad akong ibang naisip. Ang pogi niya! Ang kwento ni Yoon ay basketball player siya, mayaman at matalino. Pero hindi ko siya crush ha! Actually bagay sila ni Yoon, like as in. They'd be a powerful couple if it happens na maging sila.


Nagpakilala si Jungwon sa akin at ako rin sa kaniya. Kung basketball player siya... malamang may tropa siyang basketball player!


"Pogi 'te, wala ba 'yang tropa?" bulong ko kay Sullyoon.


"Ano ka ba! Huwag ka maingay." saway niya sa akin. Nagtatanong lang naman ako.


"Do you guys want to meet my friends?" Aya ni Jungwon kaya naman mabilis na lumiwanag ang mga mata ko at nag agree agad sa sinabi niya.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 17 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Once Upon A DaydreamWhere stories live. Discover now