Oneshot #1

7 0 0
                                    

©2015
written by: Reimalia
'Compilation of Oneshots Stories'

Pagpasensyahan nyo na. Hindi po talaga ako magaling pagdating sa paggawa o pagi-isip ng mga pamagat.

Sana'y inyong magustuhan.

Maraming salamat :)

---------------

Fhudge! Nawawala yung doodle ko! Lagot lang talaga ako kapag may nakakita nun!

Kayo? May nakita ba kayo? Sabihin nyo lang sa'kin kung may nakita kayo ah? Eto lang ang nakasulat:

'ILOVEYOUJAEOS'

'Yan.. Mamaya kayo pala kumuha nun! Lagot kayo sa akin 'pag pinagkalat nyo yun!

Si Jaeos ang SSG President ng school namin. Opo, babae sya at opo ulit, crush ko sya. Since grade 6 classmate ko na sya pero nung first year ko lang sya napansin at nagustuhan.

Ewan ko nga kung ako lang o talagang pumasok sya sa school namin ngayon, kasi sa pagkakaalam ko, malayo ang bahay nun eh.

Ayun, sya lang naman kasi ang babaeng walang ibang ginawa kundi i-busted ang mga manliligaw nya. Pano? Ganito..

"Ayoko, may mahal na akong iba.."

Oh diba? Iyan ang famous line nya. Sakit lang noh? Pero oy!

Di ako torpe, sadyang ayaw ko lang ipaalam sa kanya. Okay na kasi sa akin yung makita sya araw araw. Pero hindi rin ako stalker ah! Ayokong masaktan.

Tsk. Nanay ko lang nananakit sa'kin.

Mula ng magustuhan ko sya, gumawa ako ng doodle para sa kanya kaso nalaman ko nga yung famous line nya, ayun, imbes na ibigay ay tinago ko na lang.

At naalala ko na naman yung doodle! Ugh! Ba't ko nga ba kasi dinala yun?! Ni hindi ko naman na balak ibigay yun eh. Napahawak na lang ako sa ulo ko..

"Guys! Practice po bukas ay 9 a.m sa shed! Bawal ma late! Piso per minute!"

"Hala?!"

"Pakopya, ano daw assignment?"

"Dali! Practice tayo."

"Oy, laban dota ah.."

"Ahahaha!" iyan ang mga naririnig ko sa mga kaklase ko.

Uwian na pala pero marami pang hindi lumalabas.

----------

"Uy! Karl ! Ang likot mo! Ano bang problema mo ha?" sabi ni Aivan habang kumakain.

"Oo nga! Nakakahilo ka!" reklamo ni Rey habang naglalaro sa tab nya.

Nang-aasar ba 'to? =_='

"Eh kasi nandoon lang yun sa ilalim ng table ko tapos nawala!" Bigla kong sigaw.

Napahawak na lang ulit ako sa ulo ko. Alam kong may kumuha nun kaya lagot lang talaga sya sa akin pag nalaman ko kung sino man iyon!

"Eh ano ba hanap mo?" May biglang umakbay sa'kin at nagsalita. Nakakagulat lang! Si Andrian lang pala.

"Basta. Basta. Di ba bumaba ako saglit kanina? Inutusan ako ni Sir. Tapos pag-akyat ko, boom! Wala na!!"

Nagpapanic na ako ditoo!!

"Woah. Chill. Di ba friday ngayon. Si Prez Jae laging nagche-check ng tables diba? Ba't di mo sya tanungin?" Sabi ni.. Gelo? (Short for Angelo)

Oneshots of LoveWhere stories live. Discover now