Oneshot #2

8 0 0
                                    

©2015

---------------

Recess na pala. Hayy. Hindi ko pala namalayan ang oras hindi dahil sa inaantok kundi dahil sa pagod at lungkot.

Ngayon ko lang naisip, nakakapagod din palang maghanap sa taong alam mong imposibleng makita.

Kinuha ko ang i.d ko at tinignan ang isa pang picture na nakaipit sa likod.

It's a picture of him.

Ang lalaking matagal ko ng hinahanap.

I found this picture when I was 8. Naglalaro ako noon sa playground malapit sa'min. Matapos kong makita 'to, imbes na itapon ay tinago ko. Hinanap ko sya hanggang sa naka-graduate na ako ng elementary.

Noong high school na ako, tsaka ko lang sinabi kay mama ang tungkol doon sa litrato. Alam ko imposible pero mukhang nagugustuhan ko na ang lalaki sa picture. Hanggang ngayong fourth year high na ako, di ko pa rin sya nakikita.

Hanap doon, hanap dito.. pero wala talaga. At ngayon.. I feel.. Tired..

Tired of searching him...

Napabuntong hininga na lang ako. Mukhang kailangan ko talaga munang magpahinga, lalo na yung utak ko.

Tumayo ako at lumabas na ng room. Pagkababa ko ng building, agad akong dumiretso sa likod nito. Matagal ko ng tambayan 'to.

I found this place peaceful kasi. Walang ibang dumadaan dito. Walang ibang tumatambay maliban sa akin.

Palapit pa lang ako ng may narinig akong iyak. Sounds a guy.

Pagtingin ko, di ako nagkamali, lalaki nga. Hindi naman ako nagulat pero mukhang sya ang nagulat pagkakita nya sa'kin. Nginitian ko sya at he also smiled in return, but a sad one.

"Ahaha. Nakita mo pa akong umiiyak, nakakabakla." Sabi nya kaya naman kumunot ang noo ko.

"Anong nakakatawa? Hindi naman kabaklaan iyan eh. Lahat tayo may karapatang umiyak." Sabi ko at umupo sa tapat nya.

Nakatingin lang sya sa langit at tanging ingay lang ng mga tao ang nariririnig ko. Nakatingin lang ako sa kanya at parang namumukhaan ko sya..

sa tingin ko.. nakita ko na sya dati,

"Gusto mong malaman kung bakit ako umiiyak?" nagulat na lamang ako ng bigla syang nagsalita pero nakatingin pa rin sa itaas.

"Kung okay lang sa'yo.."

"Nakasakit ako ng isang taong wala namang kasalanan. Ang sakit isipin na nagawa ko iyon sa isang mabuting tulad nya." Ngayon ay yumuko na sya at ako naman ang tumingin sa itaas.

"Ang totoo nyan.. Aalis na ako mamaya.. I mean, we're going to states at doon na kami ng pamilya ko titira. Nakapagpaalam na ako sa lahat ng mga taong mahal ko na iiwanan ko, maliban sa isa." Pagtingin ko, nakatingin na rin pala sya sa akin...

Bakit parang,

..kinabahan ako bigla?

"Mayroong isang babaeng matagal ko ng gusto. Pero hindi nya alam yun. Oo..

duwag ako. Alam ko, pero hindi ko lang talaga alam kung papaano sasabihin sa kanya at kung mamahalin nya ako pabalik. Mula kasi ng malaman kong aalis na kami, gumawa ako ng paraan para, kahit papaano, makalimutan ko sya. Isang paraan,

isang napakatangang paraan. Gumamit ako ng inosenteng tao para lang makalimot pero hindi ko rin naman nagawa. Di ko naman inaasahan na masasaktan ko sya sa puntong mao-ospital sya. Sinabi ko ang lahat at nakipagbreak sa kanya pero mahal na pala nya ako.

Oneshots of LoveWhere stories live. Discover now