Prologue

66 3 0
                                    

MUST READ!!


—This story is inspired by a 1998 classic film

—There will be scenes that you can see in the movie that will also be written here.

—The plot will be nearly same, but I will write it in my own style, with multiple scenes created entirely by myself.

—There will be numerous differences from the film because it will be written as a woman loving woman story or a GxG story.

—Story will be written in Tagalog/English.

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Again, this is a gxg/wlw story, so if you're uncomfortable with this kind of genre, you are free to leave. Thank you so much! Votes and comments are much appreciated! :) Kindly follow this account for more gxg contents! Thank you.








This is a story about life, family, love, and death.



"Puwede ba akong magbakasyon?"

"Nahihibang ka na ba? Alam mong malaki ang responsibilidad mo sa mundo. Hindi mo maari iwanan na lamang ito ng basta basta."

Ilang taon na ba siyang nakatali sa kanyang responsibilidad? Hindi lamang iilang taon kung tutuusin, kundi milyong taon? Bilyon? Hindi niya mabilang pa. Isang araw nakaramdam na lamang siya ng pagod. Gusto niyang huminga, gusto niyang maramdaman ulit ang pakiramdam na mapabilang sa lupa, bilang isang tao.

"Kahit sandali lamang?"

"Mabuti pa na ang kataas taasan ang kausapin mo tungkol sa gusto mong gawin."

Hindi niya mahagilap kung nasaan ang kanyang amo, ilang araw, linggo at buwan na ang lumipas ngunit parehas pa rin ang kanyang nararamdaman, pagod at pagkabagot.

"Kailangan ko na talaga ng bakasyon." Bulong niya habang abala pa rin sa librong ngayo'y kanyang hawak hawak. Iniisip niya ng umalis ngunit mayroong mga bagay na kailangan niyang gawin dahil matagal na na panahon ang huling tapak niya sa mundong ibabaw. Hindi niya na kabisado ang mga pasikot sikot nito, napakatagal na rin na panahon na sinubok niyang pasukin ang isang katawan ng buhay na tao.

Kailangan niya ng isang tao. Isang tao na magsisilbing gabay niya sa mga panahong mananatili siya sa lupa.

Habang patuloy siya sa paglipat ng pahina ng libro, isang pangalan ang pumukaw sa kanyang atensyon.

Perez, William S.

"Hmm, nalalapit na ang iyong panahon. Tamang tama. Ikaw nga, William. Ikaw ang magiging gabay ko."

🪽💀

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 08, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Holiday with Azrael Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon