Kabanata 19

4.8K 142 21
                                    

"NAGSESELOS ka 'no?" nakangising tanong ni Louie kay Migos. Naninigarilyo ang dalawa sa gilid ng mansyon. Nabored manood sa entertainment room kaya nanigarilyo na lang.

Hindi sumagot si Migos at patuloy lang sa pagbuga ng usok. Bakit siya sasagot nang hindi kung nagseselos naman talaga siya kina Stefan at Sophia? Mahal niya pa rin ang babae at hindi naman ganoon kadali mawala ang nararamdaman niya para rito.

"You know what? Just find some girls to help you forget about Sophia. You can easily meet them at the bar." suhestiyon ni Louie.

"Tch! Sa tingin mo ba makakapag-bar pa ako nito kung pinaghahanap pa rin ako hanggang ngayon ni Andres? That moron betrayed me, and I don't know what I did wrong to him." Bumuntonghininga si Migos at nang matapos sa sigarilyo ay itinapon niya ito sa sahig at tinapakan.

"It's just jealousy and insecurity, bro. I can see that you appear more powerful and superior to him. Parang 'yong si Ali na dating best friend ni Stefan. You and Stefan have that leadership aura, and those two scumbags want to be on top. Ayaw ng pumapangalawa." saad ni Louie.

Nanghihinayang din kahit papaano si Migos dahil naging mabuting kaibigan naman sa kanya si Andres. Sumusuporta ito noon sa kanila ni Sophia, at palagi niyang kasama kahit saan man magpunta.

Pero hindi talaga maganda na magtiwala ng buo sa isang tao. Every individual thinks differently and can change as time goes by. Masama ang tingin niya noon kay Stefan dahil sa ginawa nitong pananaksak kay Ali, ngunit hindi niya inaasahan na ito ang magmamalasakit at tutulong sa kanya na makabangon nang dahil sa ginawa ni Andres at ng mga tauhan nito sa kanya.

Sophia is safe in Stefan's hands. He already lost his battle against her, now that he's poor. He genuinely loves Sophia, and it's alright with him if Stefan is the one meant for her.

Maraming nagbago sa prinsipyo niya simula nang lumubog ang negosyo ng pamilya niya nang dahil kay Andres. He learns to appreciate, give sympathy, and love truthfully to his loved ones. He's lucky too because his parents love and support him all the way.

"How about you, Kuya Louie? Si Jacille ang nililigawan noon ng stepbrother mo, right? How do you feel about that?" Si Migos naman ang nang-usisa na ikinangiti ni Louie.

"I don't know. Gustong-gusto kong asarin 'yang Jacille na 'yan dahil ang daling mapikon. I can see why my stepbrother got interested in her. She's beautiful too, but gets easily irritated, pero wala akong magagawa kung natipuhan niya 'yong ex-wife ko." sagot nito na kaswal na lang at nagkibit-balikat.

Bilib si Migos sa tatag ni Louie. Mabuti itong kaibigan sa kanila ni Stefan. Maloko pero seryoso at dedicated sa trabaho nila. Illegal man ang negosyo ng pamilya ay hindi naman basta-bastang pumapatay ng inosenteng tao. Lahat ng napapatay nila ay galing rin sa masama, kailangan nilang dipensahan ang sarili dahil kung hindi ay sila naman ang mamamatay.

"May pagkukulang ka ba sa ex-wife mo kaya ka pinagpalit sa stepbrother mo?" tanong ni Migos.

"Maybe I don't have time for her because I'm too much of a workaholic. Ayos lang dahil bagay naman sila ng stepbro ko. Both are idiot and stupid." ani Louie at tumawa ito kaya natawa rin si Migos.

"We both lost the ones we loved, but maybe there's always a purpose for everything." sabi ni Migos.

"Yeah, right, lil bro."

***

"SAAN ka nanggaling, kuya at inabot ka na ng madaling-araw?" tanong ni Jacille na sinalubong ang kapatid na si Dominic sa garahe ng kanilang bahay. Nagpaparada ito ng motor at tinatanggal ang suot na helmet.

The Devil's Innocent BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon