Kabanata 20

5K 169 26
                                    

Warning: Sexual content

TUMINGIN si Mona kay Sophia nang marinig na nahulog ang mga hawak nito. Isa-isa niyang pinulot ang mga nalaglag na gulay at rekados para sa lulutuin nila. Si Sophia naman ay nanatili pa ring tulala habang nakatingin sa eskinita.

"Ma'am Sophia, ayos lang po ba kayo?" tanong ni Mona matapos pulutin ang mga nahulog ni Sophia.

Nang marinig ang boses ni Mona ay doon lang natauhan si Sophia at bumalik sa ulirat. Hindi niya namalayang nahulog na pala ang mga dala niya kaya kaagad siyang humingi ng tawad sa batang katulong.

"Nako! I'm sorry, Mona. Hindi ko napansin na nabitawan ko ang hawak ko." aniya.

"Ayos lang po, Ma'am. Bakit kayo parang natulala at may tinitingnan sa bandang iyon?" ani Mona at itinuro ang eskinitang tinitingnan kanina ni Sophia.

"A-Ah, wala 'yon. May nakita kasi akong pamilyar na kakilala ko pero baka guni-guni ko lang 'yon," saad ni Sophia at ngumiti ng alanganin.

"Gano'n po ba? Baka nga, Ma'am. Umuwi na po tayo sa mansyon para maturuan ko na kayong magluto ng sinigang na bangus. Na-eexcite talaga ako kapag ikaw ang tinuturuan ko!" nakangiting sabi ni Mona na nagpangiti kay Sophia. Para na niya itong nakababatang kapatid at magaan ang loob niya rito.

"Then let's go home na!"

Pagkauwi nila sa mansyon ni Stefan ay inumpisahan na nilang magluto ng sinigang na bangus. Nakatingin lang si Sophia sa bawat hakbang na ginagawa ni Mona, at si Mona naman ay matiyagang tinuturuan si Sophia ng step by step para sa pagluluto. Inosenteng-inosente talaga siya bilang asawa ni Stefan at pati ang pagluluto ng ibat-ibang putahe ay hindi niya alam.

"Mona, may tanong nga pala ako," banggit ni Sophia habang nilalagyan ng sinigang mix ang sabaw sa kaserola.

"Ano 'yon, Ma'am?" tanong ni Mona.

"Si Sasha, may gusto ba siya kay Stefan?"

Natigilan si Mona sa tanong ni Sophia, pero hindi kalaunan ay napahawak ito sa batok. "Ang alam ko ay may gusto siya kay Sir Stefan pero hanggang pagkakaibigan lang ang kayang maibigay sa kanya ni Sir. Mabait naman si Ma'am Sasha at sa nakikita ko ay nirerespeto niya ang kasal ninyong dalawa ni Sir." sagot ni Mona habang hinahalo ang nilulutong sinigang na bangus sa kaserola.

Tumango si Sophia dahil nakikita niya iyon kay Sasha. Hindi siya nito pinapansin, pero hindi rin naman niya maramdaman na ayaw siya nito para kay Stefan.

Mukhang mabait si Sasha, at katulad ng ibang nagmamahal na one-sided ay nagpaparaya na lang ito para sa taong nagugustuhan. Nahahalata niya kasi na may gusto si Sasha kay Stefan dahil sa mga tingin sa lalaki at sa paraan ng pakikipag-usap nito.

"I can see naman." tanging nasabi ni Sophia.

"Ikaw lang ang mahal ni Sir Stefan, kaya huwag kang mag-alala." nakangiting sabi ni Mona kaya napanatag na ang loob ni Sophia.

Nang matapos sa niluluto nilang sinigang na bangus ay nagpaalam muna si Sophia kay Mona na maliligo sa itaas ng kuwarto niya, at saka na siya bababa ulit para kumain pagkatapos maligo.

Pagkatapos maligo ay muntik na siyang mapatalon sa gulat dahil nasa loob ng kuwarto niya si Stefan at titig na titig ito sa kanya pababa hanggang sa katawan niya. Nakatapis lang ng towel ang buong katawan niya at wala siyang underwear na suot panloob.

"W-What are you doing here?" nautal na tanong ni Sophia kay Stefan na hindi maialis ang tingin sa kanya.

Bigla siyang kinabahan nang lumapit si Stefan at hinapit ang kaniyang baywang. Naaamoy niya ang mabangong amoy nito at nakikita ang magagandang kulay ng mata.

The Devil's Innocent BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon