CHAPTER 09

550 17 0
                                        

ACARIEL POV 

Nakakunot ang noo ko habang naglalakad papunta sa School, hindi nako sumabay kay Terifina baka may magawa pako pag kasama ko siya.

Poink *

"problema?" tiningnan ko ng masama si Kaden.

"Wala..bakit ka nandito " tanong ko, nag kibit balikat lang siya at sinabayan ako sa paglalakad.

"Wala din " tiningnan ko nalang siya na naka pokerface.

" Acariel..I have a question" tumango lang ako sa kaniya pahiwatig na magsalita  siya.

"Do you believe in ability?" Natigilan ako at tiningnan siya.

"We're not in Immortal world .. are we" umiwas ako ng tingin sa kaniya at nagpatuloy sa paglalakad.

"I'm serious "  napa buntong hininga ako bago siya hinarap.

"Yes... " I have one.

Ano bang nakain ng lalaking to.

"Really? let me show you something" nakangiting aniya. Hinila niya ko papunta sa isang medyo walang taong lugar.

"It's almost 8 am  Kaden , malalate na tayo"

"Just a minute" nilahad niya ang palad niya sa harap ko, tinaasan ko lang siya ng kilay pero nakangiti parin siya.

Di nagtagal nagulat ako ng may lumabas na isang bulaklak doon.

"Woah, how can you do that" Nakangiting tanong ko habang nakatingin parin sa untiunting pag tubo ng puting bulaklak sa kamay niya.

"  This is my special ability, it needs focus and Qi " Tanging tango lang ang sagot ko sa kaniya pero ng may naisip ako inangat ko ang tingin ko sa mukha niya.

"Why you're telling me about your secret"  ngumiti siya at inakbayan ako.

"It's not my secret .. but I trust you " Napa kurap kurap ako, he trust me....

"Eh tika tika kahapon lang tayo nagkita hah" tinitigan niya ko ng ilang sandali bago ngumiti at ginulo ang buhok ko.

" Ano ba !" Inis kong hinawi ang kamay niya.

"Tara na late na tayo"  inismiran ko siya bago naglakad at iniwan siya, kasalanan naman niya .




Pagdating ko sa room, katulad kahapon grabe sila kung tumitig sakin , may iba na tinataasan ako ng kilay may iba na inaasikan ako, hindi ko nalang sila pinansin at umupo nalang sa upuan ko.

Sinuot ko ang headphone ko at tumingin sa bintana.

Ilang menuto ang lumipas pero wala parin si Sir , hindi yata  siya papasok ngayun.

"Hoy !"

Huh , tiningnan ko ang babaeng naka tayo sa harap ko.

"Bakit ?" walang ganang tanong ko, away  na naman siguro to.

"Tayo! " Deriktang nagsalubong ang kilay ko.Sino bato?

"Sabi ko tayo!" binaba ko ang headphone ko at tiningnan siya.

"Kung may sasabihin ka sabihin mo nalang " no need for me to stand, sumama ang tingin  niya sakin.

"Ang landi mo eh noh! pagkatapos kay Zheno kay Kaden naman! higad ka talaga kahit kailan" Akmang hahablotin niya ko ng pina atras ko ang upuan ko gamit ang kaliwang paa ko.

Tumayo ako at hinarap siya

"Unang una miss, hindi kita kilala at pangala.. ka ano ano kaba nila? " sugod ng sugod wala naman sa lugar.

"Paki mo bang malandi ka! alam mong may girlfriend aakitin mo pa!" Hahablotin niya na sana ang  damit ko ng umilag ako, sinipa ko ang isang upuan at hinarang sa pagitan naming dalawa.

"Ayaw ko ng gulo miss. " malamig na usal ko.

Tiningnan niya ko ng masama at binato ang hawak niyang parang ballpen , walang kahirap hirap ko itong sinalo, bagot ko siyang tiningnan.

Pero nagtaka ako ng ngumisi siya sakin, tiningnan ko ang palad ko kung saan ko sinalo ang ballpen may kung anong amoy doon na hindi ko alam kung ano.

"Poison.." bulong ko at tiningnan siya , she's not an ordinary human..

The Lady of Xin [ Edited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon