Aya's POV :"Elyse‚ tignan mo oh!" turo ko sa lalaking nag bebenta ng ice cream.
"Gusto mo?" sagot ni Elyse.
"Oo‚ bakit? bibilhan mo ba ako?" sagot ko habang nakangiti ng malawak‚ pero bigla itong sumimangot.
"Ano na naman ba 'yang ka-dramahan mo Elisya?!" dagdag kong sabi‚ pero 'tila hindi ako nito narinig at nakatitig lang sa bakanteng upuan.
"Aya." tawag nito sa akin‚ kaya nilingon ko ito agad bago mag salita.
"Oh? may problema ka ba?" tanong ko‚ pero hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.
"Naniniwala ka ba sa Rewind?" tanong ng kaibigan kong si Elyse.
"Hindi‚ 'di ko pa naman nararanasan e" sagot ko habang tumatawa-tawa.
"Ah‚ sige bili na tayo ng ice cream" sabi niya at sabay ngumiti. Nakaramdam ako ng alala sa kaibigan ko‚ what if nag paramdam na naman si Calix sa kaniya?
Si Calix ay ang unang minahal ni Elyse‚ pero nakalaunan ay niloko siya nito at ang masasabi ko ay what the f*ck. Kahit anong katarant*duhan ang gawin ni Calix sa kaniya ay pinapatawad niya pa rin 'to‚ kaya naaawa ako sa kaibigan ko na gusto niya lang namang magmahal bakit kailangan pang lokohin ng paulit-ulit?
Bakit kaya ganon? Naloloko 'yung mga gusto lang magmahal pero 'yung mga taong hindi naman deserve ng pagmamahal‚ ayun pa nabibiyayaan ng tamang tao? UNFAIR LANG?!?!
-
"whole numbers, operations on whole numbers, fractions, decimals, ratios, rates, and proportions-" tutok na tutok ako sa pakikinig sa prof namin nang may maramdaman akong may kumakalabit sa akin sa aking likuran.
"Ano na naman ba lalakeng nag lalangis?!" pasigaw kong sabi na pabulong kay Kyo‚ as expected ayan na naman siya.
"I miss you‚ baby" sabi nito na uma-acting pang nasasabik.
"Kadiri ka‚ tigilan mo nga ako!" hindi ko namalayan na masyadong napalakas na pala 'yung sigaw ko kaya lahat ng mga tao sa room ay napatingin sa akin‚ pati na rin ang prof kong mukhang sasabog na sa galit.
"WHAT'S THE COMMOTION AT THE BACK?!" sabi ng prof ko. Napatitig lang ako rito at hindi alam kung paano sisimulang mag explain. "MIND TO EXPLAIN TO ME‚ AYHANA CRUZ?!" at sa pag kakataong 'yon mas lumakas 'yung tono niya.
"Ma'am si Kiro po kasi" pag dadahilan ko at tumingin ako ng masama sa lalaking nag a-ad*k.
"BOTH OF YOU‚ LABAS!" hindi na ako nag hintay ng pasko sa loob at lumabas na ako‚ dumaretso ako sa library na walang tao dahil lahat ng sections ngayon ay may classes.
Tumingin ako ng masama kay Kyo‚ "alam mo bang first time kong mapalabas ng room dahil sayo?!?!" pag duduro ko pa rito.
"Ayaw mo no'n? may remembrance pa tayong dalawa?" sabi niya at tumatawa tawa pa.
"Argh! I hate you! p'wede bang lubayan mo ako?!" naiirita kong sabi at umupo sa bakanteng upuan.
"Never‚ i will never think of leaving you Aya." sagot niya sa akin at tumingin ito ng daretso sa mga mata ko.
"Leave me alone Kyo‚ wala kang mapapala sa akin. Aasa at aasa ka lang‚ kaya iwan mo na ako!" sigaw ko rito.
"Do you really hate me that much?" tanong nito na napatigil ako‚ i never expect na sasabihin niya 'yon sa 'kin.
YOU ARE READING
" Exception "
RomanceThe 17-year-old boy who likes his classmate but she always rejected by him‚ so he came up with idea to set a "fake dating" rumor between them.