Chapter 79

341 11 6
                                    

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗘𝗩𝗘𝗡𝗧𝗬-𝗡𝗜𝗡𝗘

𝗘𝗹𝗶𝘅𝗶𝗿’𝘀 𝗣𝗢𝗩

ELI, may tanong pala ako.”

Natigilan ako nang bigla na lamang nagsalita sa aking utak si Chin habang ako ay humuhuli ng creoses— ito ay isang uri ng pscaut ngunit ito ay nagtataglay ng labis na kapangyarihang liwanag at nang-aatake ng mga demonyo. Nahuli ko na ang apat na paa nito gamit ang Dark Bind  ko na naging dahilan ng pagkasalampak nito sa damuhang lupa.

Inilabas ko ang mga itim kong pakpak at lumipad patungo sa ibabaw ng creoses. “Ano ba iyon, Chin?” tanong ko pabalik at inilabas ang isang malaking excalibur mula sa aking kanang palad at walang prenong pinabulusok ito sa malaking ulo ng nilalang na tumagos hanggang baba nito.

Malakas na umungot ang creoses at gustohin man nitong humiyaw sa sakit pero na-lock na ng excalibur ang bunganga nito. Ilang saglit pang umungot ang nilalang at naririnig ko ring may sinasabi si Chin ngunit hindi ko muna siya pinansin pagkat pinapanood ko pa kung paanong dahan-dahang malagutan ng hininga ang creoses. Hindi rin naman nagtagal ay nangisay ang nilalang at tuluyang namatay.

“ELIXIR, NARIRINIG MO BA AKO!?” malakas na sigaw ni Chin sa isipan ko na nagpasakit ng ulo ko. Halos matumba pa ako sa kinatatayuan ko, buti na lang ay nai-balanse ko kaagad ang katawan ko.

“Ano ba, Chin? Ang sakit,” naiiritang wika ko at lumipad patungong Norte nang mahagip ng paningin ko ang isang diwatang naroroon kaso agaran itong nakapasok sa isang higanteng puno nang mapansin ako. “Sayang…”

“Tinatanong ko kasi kung may namamagitan ba sa inyo ni Ciera? Wala naman, hindi ba?” tanong niya at nagpahabol pa, “Manliligaw niya na ako.”

Napairap na lang ako dahil doon. “Walang namamagitan sa amin…” …kapatid ko ‘yon, e. Pero kung sa‘tin… puwede naman nating lagya— Laruan ka na nga lang pala ni Czian.

“Talaga!? Mabuti naman… Nanliligaw na ako sa kaniya. Unang beses ito, walang katulad ang gandang taglay niya…!” aniya na mahihimigan ang tuwa sa boses.

Napairap na lang uli ako. Kung alam niya lang kung anong pinapasok niya…

Dahil tumigil na siya sa pang-iisturbo sa akin ay nagpatuloy na ako sa panghuhuli ng mga halimaw sa kagubatang ito.

Kung sa Hilaga, ang halimaw nila ay iyong mga nilalang na madalas makita rito sa Timog, kabaliktaran naman sa amin. Kung ano‘ng madalas na naroroon sa Hilaga na mayroon rito ay siyang mga halimaw. Lalo na iyong mga nilalang na may kapangyarihang liwanag. Mga nilalang bukod sa isang tao.

Kanina pa kami naririto at walang humpay sa paghuli ng mga halimaw. Marami na akong nahuli, ngunit kung ikukumpara noon, bago ko ikulong ng ilang dekada ang sarili ko sa palasyo, ay marahil nasa kalahati lang ito. Wala naman na akong interes sa ganito, pinilit lamang ako ni Ama.

Sa hindi ko na mabilang kung pang-ilan, isa na namang malakas na palahaw ang nagawa ng hayop na binaunan ko ng Shadow Blades sa katawan. Isa itong uri ng halimaw na halaman at kay rami ng galamay. Hindi ko alam kung ano ito pagkat tinigil ko na ang pag-aaral sa mga nilalang sa Hilaga. Nakakatamad.

Nagliliwanag ito ng sobra at ang hirap niyang paslangin, buti na lang at naisuot ko ang shades ko.

Bumaling ang tingin ko sa aking kaliwa nang mapansin na sa peripheral vision ko ay may nagliliwanag na kulay kahel. Nanggagaling ito sa bukal na ilang metro lang ang layo sa‘kin. 

Dahan-dahan akong naglakad papalapit habang mariing nakatingin sa bukal. Ang tubig nito ang nagliliwanag at tila may kung ano sa ilalim ng tubig. Marami ring mga bulaklak na yari sa crystal ang nagkalat sa paligid nito na nagliliwanag ng kulay pulang ilaw.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 14 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Reincarnated as an Element Powerless Princess [Volume 2]Where stories live. Discover now