Nang matapos ang klase ay nasipat na agad niya si Keith na nakasandal sa pintuan ng kanilang classroom. Pinagtitinginan ito ng kanilang mga kaklase habang kinikilig. Isinilid niya sa loob ng bag ang ilang gamit niya.
"Bilisan mo naman!" mahinang untag sa kaniya ng kaibigang si Joy. Para itong bulating inasinan kasi hindi mapakali. Hindi na nga ata nito naintindihan ang lecture nila.
Naglakad sila palabas. Agad naman kumaway si Kael sa kanila.
"Hi, Aking Ligaya," kinindatan pa ni Kael si Joy. Ngumiwi naman ang isa saka nilapitan si Caius.
Hinawakan ni Keith ang kaniyang sling bag na para bang kinukuha iyon.
"Bakit?" aniya habang nagtataka.
"Ako na magdadala," suhestiyon naman nito.
Pinalis niya ang kamay ni Keith saka naunang maglakad. Ano bang pinagsasasabi nito? Mabilis naman siyang sinundan nito habang hawak pa rin ang strap ng bag niya.
"Ako na," ulit nito.
Hinarap niya naman ito. "Kaya ko naman." wika niya.
"Loverboy, rawr!" pang-aasar naman ni Kael saka sila nilampasan.
Umiling na lang siya saka naglakad na rin. Sa huli at hindi na siya kinulit pa ni Keith. Umupo sila sa usual na lamesa ng barkada nila Keith.
"Kami na ang kukuha ng pagkain. Umupo ka na lang diyan," utos sa kaniya ng binata.
Inilabas naman niya ang wallet saka nag-abot ng pera pero agad itinikom ni Keith ang palad niya saka ibinaba. "Sagot ko na 'to." bumaling siya kay Kael, "Tara na kumuha,"
Naiwan sila ni Joy at Caius. Nakapamulsa si Caius habang seryoso ang mukha na tila naghihintay.
Tumikhim si Joy saka lumipat sa bakanteng upuan sa tabi nito.
"H--Hi," nahihiyang bati ng kaibigan niya. Palihim naman siyang natawa.
Tiningnan siya ni Caius na para bang hinihintay ang sasabihin nito.
"Ako nga pala si Joy," pakilala niya.
Nanatiling walang imik si Caius.
"Birthday ko na sa isang araw. P'wede ka bang pumunta?"
Nabuga niya ang iniinom na tubig. Napatingin tuloy ang dalawa sa kaniya. Ang lakas naman kasi ng loob ng kaibigan niyang imbitahan ito!
"Saan ang inyo banda?" baritonong boses na tanong nito.
Tumingin sa kaniya si Joy habang malaki ang pagkakabukas ng bibig na parang hindi makapaniwala. Ni hindi pa nga pumapayag si Caius at nagtatanong pa lamang ng address niya ay parang hihimatayin na ang kaibigan niya.
"Sa sentro ang amin, malapit sa plaza. Kung pupunta ka pupuwede tayong magtagpo sa plaza."
Tumango naman si Caius saka inilabas ang libro nito at nagsimulang magbasa. Hinawakan ni Joy ang balikat nito kaya naman napatingin muli si Caius sa kaniya.
"Pupunta ka talaga?" umaasang tanong ng kaibigan.
Marahang tumango si Caius.
"Promise?" paninigurado ni Joy.
Inilahad ni Caius ang hinliliit nito. Tiningnan naman iyon ni Joy na mukhang nakuha nito ang ibig sabihin ng kausap. "Pinky promise," ani Caius.
"Oy, oy, ano 'yan?" usisa ni Kael.
Ibinaba nito ang tray na naglalaman ng mga pagkain.
"Birthday ko sa Sabado, punta kayo, ha?"
"Okay," ani Keith saka umupo sa katabi niyang upuan.
BINABASA MO ANG
Tierra del Sol Series: Zion Keith
RomanceZion Keith Montemayor stands the epitome of wealth, charm, and recklessness. With a heart as guarded as his family's fortune, he's notorious for his wild antics and relentless pursuit of pleasure. But when fate intertwines his path with that of Kali...