==============================================================
"Alam mo, Candice... Try mo kaya tong application na to..." sabi sakin ni Jacelyn sa phone.
"Anu na naman ba yan? Facebook? Adik ka talaga, Jace. La kong planong magbukas ng facebook. Nakakaboring yun.." sabi ko na lang sa kanya habang pinaglalaruan yung buhok ko.
Narinig ko na lang yung quiet giggle niya. "Sus. Di ko naman sinabing magbabad ka eh. Try mo lang to.. Yung phrases..."
Wala naman akong magawa ngayon kaya I followed her command na lang. Napakaboring na Saturday naman kasi nito eh. Bakit kasi tinapos ko yung assignment ko kagabing pagkaaga-aga. Yan tuloy, bored na bored ako.
Binuksan ko yung computer ko and sinubukang makinig kay Jacelyn. Ano ba naman tong babaeng to... Napaka-hyper.
"So.. nandyan ka na?"
"Yep."
"Yan! Open applications!" utos niya.
"Opo..." and I did what I was told.
"Try mong pindutin yung "sino soulmate mo' ."
Wow. Ano ano na naman ba plinaplano nito... So, I did na lang. Para mapatay ko na tong computer at sugurin to si Jacelyn sa bahay nila.
Lagi siyang nasa likod mo, sabi ng screen.
Ang galing naman nitong application na to. Di pa nga ko kilala, alam agad ang destination ng buhay ko.
What a piece of crap.
"So, Candice? Ano na?"
Ayokong ngang sabihin dito kung ano yung nabasa ko. May pagka madaldal kasi tong si Jacelyn eh.
Correction: madaldal pala talaga siya.
"My internet crashed." sabi ko habang pinatay yung computer.
Tumawa siya. "Oo na lang po, Miss Victoria."
"Victoria?"
"Puno ka kasi ng secrets kaya Victoria..."
"Ano connect?"
"Slow mo talaga, Candy..."
"Candice po."
"Whatever. So, ano nga talaga sinabi..?"
Ayoko na ngang pumunta sa bahay nito... Dudugo lang tenga ko dito eh.
"Crashed nga..."
"Sige na nga. See you na lang sa Monday..." sabi niya. "Pero kung may plano kang pumunta samin..."
"No thanks, Jace. I've got a lot of work to do." I lied.
"Like what?"
"Like... Nevermind. See you on Monday."
"Kay, Candice. Bye."
"Bye." and I hung up.
Makapag-aral na nga lang...
Ako si Candice Reyes. I'm a student in high school and I'm trying my hardest na pumasok sa honor roll. Luckily, I was ranked fifth. Okay lang yun sakin. Basta nasa honor.
Gusto kong makapasok sa honor kase.... First, I want to make my parents proud....
Second, I want to have a better future.
Third, gusto kong maabot yung level ni Giovanni Vega. Idol ko yun. Ewan ko nga kung idol lang eh..
I wanna slap myself. Giovanni Vega? Idol ko? Yung mayabang na lalaking yun? Napakaimposible naman ata nun.
Ewan ko ba.. Basta...
Basta ang alam ko kailangan kong mataasan si Giovanni.
Okay.. Mag-aaral na ko ah. Next time na lang ulit tayong magkwentuhan.. Hehe.
- Candice Reyes
================================================================
![](https://img.wattpad.com/cover/287052-288-k23218.jpg)