At dahil sa wala naman akong magawa ngayon, naisipan kong iupdate na lang rin itong story na to. Hahaha. Trip-trip lang rin. Imbes na gumawa ng schoolwork (El Fili ehem ehem) magdadagdag na lang rin ako ng isang part dito. Matagal-tagal na rin kase eh.
Anyways, eto na nga pala ang Chapter Three. Happy reading! :D
==================================================
Lesson learned ngayong araw: Huwag hahawak ng libro. Malamang sa malamang ay mapapahiya ka dahil dito.
Si Jacelyn kase may kasalanan nito eh. Kung binalik niya sana yung libro ng maayos, eh di sana di ako nagmukhang ewan. Sa bwisit na GioVANNI pa na yun talaga. Alaskador yun eh. Buti pa tong si Francis, nag-act lang ng parang walang nangyari. Pero halata pa rin naman na pinipigilan lang niya na di tumawa. Well, atleast gentleman.
"Gusto mo pa rin bang hiramin yung libro?" tanong sakin ni Francis, amused ang expression.
So much for a gentleman. "Depende kung ipapahiram mo pa."
"Kung gusto mo ba eh."
Hm. Gusto ko nga ba? Di naman ako masyadong mahilig magbasa kase reading isn't my thing. Well, atleast reading Harry Potter books. Masyadong kaseng nakaka-nosebleed ang mga salita dun. Mas gusto ko na lang na iba na lang ang basahin. Tulad ng Noli Me Tangere. Ayun ang masterpiece.
Okay, TMI alert. Back to the scenario.
Maganda ring hiramin ko tong libro kase kapag ginawa ko yun, mas magkakasundo kami nitong katabi ko. I mean, di kami close eh. Di kase siya yung tipo ng tao na madaldal at sociable. Di rin naman siya loner pero tahimik lang talaga siya. Matalino rin pero not the super-weird-im-a-genius-like-einstein- type na matalino. Normal student lang. May alam. Marunong.
Magaling din siya sa english. I think nakuha niya yun sa sobrang pagmamahal niya sa mga libro. Naimprove ng bongang bongga ang vocabulary niya.
So, hihiramin ko nga ba ang libro?
Big deal lang, Candice?
"Sure, Francis. Para naman makapasok ako sa mundo ng mga witches."
He gave me a small smile. "Mas maganda pakinggan kung wizards pero witches will do. I mean, they're almost the same thing naman eh."
"Ah..." sabi ko na lang. Wala naman akong iba pang masabi eh.
"So, you're planning na makapasok sa mundo ng mga witches? Bakit pa? Witch ka naman na ah."
Intruder alert! May nakikiepal sa usapan namin ni Francis!
I turned around and glared at Giovanni. Kayabangan? Check. Feelingero? Check. Insulto master? Isang malaking check. "Ano na naman bang problema mo, ha? Mang-inis ka na nga lang ng ibang tao, G-I-O."
"How many times do I have to tell na it's GIOVANNI. Vanni na lang kung gusto mo. O kaya Vega. Whatever works."
"Gio works for me." I said, grinning like a menace.
"I freaking hate that name. Stop calling me that!"
"Well stop being such a jerk!"
"Nilalanggam ka na naman!" sabi niya out of nowhere.
"Uh? Hello? Earth to GioVANNI? Nadisconnect ka ata bigla!"
"Candy, candy, candy." sabi niya sabay smile.
Oh c'mon. Don't smile. Yan na yung dimples mo eh. Baka iba lang yung masabi ko.
Kaya naman para maiwasan ang iba pang mga pagtatalo, hinarap ko na lang si Francis. Imbes na nakaharap siya sa libro niya, nakatingin siya sakin. Wew. Kung pwedeng makatunaw tong lalaking to, kanina pa ako naging melted popsicle dito. I mean, kung makatingin kase akala mo wala ng bukas! Nakaka... um, what's the word? Yun. Intimidate. Nakaka-intimidate yung tingin niya.
"May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko.
"Wala. Napansin ko lang, bagay sayo yung gupit mo." sabi niya, giving me a small smile.
Ehem. Di pwedeng mamula, Candice. Di talaga pwede. Wag. Wag. WAG NA WAG kang mag-bablush diyan!
Bagay daw yung gupit ko sakin? Eh ang tagal ko ng gupit to, ngayon lang napansin. Ang igsi nga eh. Eh. Ewan ko dito sa lalaking to.
"Salamat?"
"Wala yun."
Pumasok bigla yung teacher namin. Nag-goodmorning tapos nagsimulang maglagay ng mga manila paper sa board.
"Today, magkakaroon kayo ng bagong activity. You should make a profile essay ng seatmate niyo. Siguro naman alam niyo na kung ano yung profile essay... blah...blah...blah.."
Teka. Profile essay?
Ibig sabihin kikilalanin ko pa tong si Francis ng husto?
I smiled. Mukhang magiging interesting to ah.
=======================================
End of Chapter Three.
^Thank you, Captain Obvious.
Hahaha. AAAND naupdate ko na rin tong chapter na to. WOW. Sinipag ata ako ngayon.
AAND so, babye na! Out na muna ako. Next time na lang ulit. (Kung sipagin ulit)
Sasagutan na ang El Filibusterismo *BOO*
Banana and Potato,
Minions.
Wait.
Nicki pala. Hehe.