Chapter 6

1.5K 41 4
                                    


Hindi mapawi sa ang ngiti sa labi ko dahil maganda na naman ang tulog ko kagabi!

Hindi ako natulog sa condo nya gaya nang gusto ko, hindi naman sya umangal at hinatid ako kagabi samin

Buti na lang sinabi ko kay Nanay na may group project kami kaya 8pm na ako nakauwi samin

Grabe! Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na kami na!!

Boyfriend ko na sya! At girlfriend na ako ni Zavian Aki Santillan!



Inayos ko ang dala dala kong banner dahil ngayong araw ay intrams sa school

Syempre bilang supportive girlfriend- kyaahhhh!!  Ay kailangan ko syang icheer nuh!

Oo nga pala, sinabi ko sa kanya na kung pwede ba low-key muna ang aming relasyon

Grade 12 pa lang kasi ako at tiyak pag nakarating ito kay Nanay ay baka masabunutan ako

Sabi kasi ni Nanay pag college lang daw ako saka pwedeng mag boyfriend



Anyway! Wala syang sinabi ngunit di din sya tumanggi

I guess oks lang sa kanya ang Secret relationship namin??



Napangisi ako dahil sa sariling naisip, kung dati ichcheer ko sya bilang die-hard fan nya ngayon ay bilang Girlfriend na!!!



"Hoy! Tara na mag start na yung game!" Aya ko sa kanilang dalawa

Hindi ko nakita si Dustin, palagi kasi namin kasama iyon at ngayon ay hindi ko manlang nakita

Nag kibit balikat ako at di na inisip iyon

"Wait lang! Hindi pa ako nakakapag lip tint!"

"OMG! Look at me, maganda na ba ako?"

Nag uusap na turan nila Jazzy at Kate at panay ang paganda

Ako kasi naunang matapos dahil hindi na naman ako nag aayos sa sarili, I mean nag bibihis ako ng maayos na damit ngunit wala na akong nilalagay na kolorete sa mukha ko dahil hindi ako sanay

"Antagal nyong dalawa! Kapag di ko naabutan ang Zaki ko, kayo ang idi-dribble ko doon!" Naiinip kong turan

"Kalma ka lang! Sus, kahit naman di mo maabutan wala naman paki sayo yun." at nag tawanan sila

Oo nga pala at hindi nila alam ang tungkol samin, natahimik na lang ako dahil hindi pwede nila malaman.

Walang pwede makaalam na may boyfriend na ako, lalo pa at si Zaki yun! Hindi sya basta bastang studyante saamin!

Famous kaya yung poging yun!














Madami nang tao nung dumating kami, agad kaming pumwesto at agad na hinanap ng mata ko sya

Nakita kong nakatayo sila buong team at ang mata nya ay nag lilibot na para bang may pakay na makita



Nang magtama ang aming mata ay ngumiti ako sa kanya at kumaway

At as usual hindi manlang sya ngumiti, o nag pakita ng kahit anong emosyon. Mapungay lamang syang naka titig sakin na para bang ako ang kanina pa nyang hinahamon.

hmp! pasalamat sya at pogi sya

Suplado!



"Ohmygosh! Tumingin sakin si Zaki! Tinitigan nya ako!" Narinig kong turan nang naka likod kong nakaupo




Umirap ako sa kawalan dahil hindi ko sya pwedeng sawayin dahil walang nakakaalam na mag jowa na kami ni Zaki


Nag start yung game, at katulad ng mga nag daang taon. Todo cheer ako sa kanya hanggang sa mapaos ako

The Demon's Favorite (SANTILLAN 3RD GENERATION #1)Where stories live. Discover now