Kabanata 28

3.4K 224 33
                                    


Isang malakas na ihip ang pinakawalan ko sa pito na hawak ko.

"Out." Wika ko sabay turo sa kanang court.

"Wait, what? That's inside." Reklamo ni Chiara at pinuntahan pa ang kabilang court para makita ang bakas kung saan tumama ang bola.

"It's out Chiara, it's too obvious duh." Alessia said sabay pulot sa bola.

"What's the score?" Tanong naman ni Miss Walton.

"6 and 4, lamang ang team niyo." Wika ko sakanila.

Kasalukuyan akong referee sakanilang apat, dahil napag pasyahan nilang maglaro ng Beach volleyball. Ang magkakampi ay sina Miss Walton at Alessia, habang sa kabilang team naman ay sina Chiara at Ygritte.

Wala pa kaming kalahating oras pero ang iinit na agad ng ulo nila, mas mainit pa sa sikat ng araw.

Nagtataka rin ako kung saan galing ang net rito dahil sa pagkakaalala ko ay nung dumaan ako rito kahapon ng madaling araw ay wala naman ito.

Kaunti nalang ay iisipin kong hindi lang kami ang nandito, marahil ay magaling lang silang magtago.

It's been a day na pala simula nung paghaharap harap namin sa kitchen kung saan gusto nilang pakasalan ko silang lahat.

Hindi ako sumagot ng oras na iyon dahil hindi ko naman alam ang dapat kong isagot, pero tila tahimik silang nagkasundo lahat dahil matapos iyon ay tahimik lamang silang nagsi-kain na parang walang nangyari.

Para bang nagkasundo na silang apat sa isang bagay kahit wala pa akong nagiging sagot. Sa totoo lang ay iyon na ata ang pinakamahabang oras sa buong buhay ko sobrang intense ng atmosphere habang kumakain sila kaya nga nung tanghali nun ay hindi na ako sumabay sakanila kumain kahit pa mukang okay naman na sila.

Balak ko sana ulit hindi sumabay sakanila kinagabihan ngunit mukhang nakaramdam na sila na umiiwas ako kaya hindi na nila ito pinalagpas at kinaladkad ako palabas sa aking kwarto.

Oo, sapilitan ang ginawa nilang pagpapalabas sakin sa kwarto ko kagabi. Syempre nag iinarte pa ako kunware baka kasi ma open up nanaman iyong kasal.

Pero mukang wala naman na silang balak iopen up iyon. Sa tingin ko ay kinalimutan na nila or hindi naman sila seryoso roon. But I doubt it, dahil sa tuwing magkakasama kaming lima para bang tahimik silang nakikipag kumpetensya sa isa't isa.

Kaya minsan ay natatakot ako na baka biglang magkaroon nalang ng gyera kaya puro opo nalang ako sakanila.

Katulad ngayon, gusto ko sanang matulog pero sabi nila ako raw ang maging referee dahil gusto nila maglaro ng volleyball.

Sino ba naman ako para tumangi hindi ba? Isa lang naman akong poganda na pinag aagawan ng apat. Mainggit kayo.

But on a serious note ang hirap pala. Lalo na ngayon, mainit na ang ulo ng team nila Chiara dahil puro out sila tapos ako ang sinisisi dinadaya ko raw.

Paanong dinadaya eh sobrang out nga iyon? Wala pa sa kalahati ang scores nila pero parang maiiyak na ako sa stress dahil parang kaunti nalang ay gusto na akong sabunutan ni Chiara tapos yung tingin pa ni Ygritte nakamamatay.

Bakit akong sinisisi niyo? Eh kung sana marunong kayo maglaro, lakas ng mga topak ng mga ito. Idagdag pa ang mapang asar na si Alessia kaya talaga namang inis na inis na si Chiara. Si Miss Walton lang ata yung matino rito eh, chill lang siya mukang nag eenjoy pa.

Ako rin naman nag eenjoy dahil ang daming cocomelons na tumatalbog pero hindi ko talaga magawang mag enjoy ng lubusan lalo pa't alam kong ilang minuto pa ay mag kakapisikalan na ang mga ito. Lalo pa at di talaga tumitigil si Alessia sa pang aalaska tapos si Chiara naman na patola.

Sweet Vengeance Where stories live. Discover now