CHAPTER 1

5 1 0
                                    

LAKE'S POV

"Lake! Lake! Lake! London Kendrix Villafuerte! Anong oras na nakahilata ka pa rin diyan? Tanggalin mo nga 'yang ear buds, ear phone, o ano mang nakasuksok diyan sa tainga mo mala-late ka na sa school!" Sigaw sa akin ni mama habang tanaw ko ang likuran niya na binubuksan ang kurtina na katapat lang ng aking kama.


Wala akong ganang pumasok, wala naman talaga akong gana sa araw-araw. Kung hindi nila ako pipilitin pumasok ay magkukulong lang ako sa kwarto at bente kwatro oras na makikinig ng musika.


Dumapa ako at tinalukbong ang kumot nang matamaan ng mainit na sinag ng araw ang mukha ko dahil nakahawi na ang kurtina at libreng-libre na pumasok ang mainit na ilaw.


Naramdaman ko na lumubog ang tabi ng kama ko, ramdam ko ang pagdampi ng kamay ni mama sa aking buhok tsaka ito ginulo. "Anak, bumangon ka na diyan hinihintay ka ng papa mo sa baba. Sabayan mo naman kami mag-almusal, please." Pagmamakaawa niya sa akin, ayaw ko na ng drama kaya bago niya pa ako mahagkan ay bumangon na ako at kumaripas ng takbo papunta sa banyo upang gumayak.


Bago ako bumaba ay isinuot ko ang headphones ko at pinatugtog ang  An Art Could Never Be As Unique As You by MRLD at isinukbit ang bag na walang laman kundi isang notebook at isang ballpen na hindi ko naman madalas gamitin dahil kung hindi ako nakatitig sa kawalan ay nakatulog naman ako sa klase.


Habang kumakain ay hinawi ni daddy ang headphone ko. "Respeto sa pagkain Lake, hindi ko alam kung saan mo nakuha 'yang ugali na 'yan. Pinalaki ka naman namin ng mommy mo ng maayos, binihisan ka namin, binibigay namin lahat ng gusto mo, pinapapasok ka namin sa magandang eskwelahan, ano pa bang gusto mo anak? Gusto mo bang lumuhod pa kami ng mommy mo para ayus-ayusin mo 'yang buhay mo?" mahigpit kong hinawakan ang tinidor pinipigilan ang mga luha na pilit kumawala.


If only they knew if only they felt how to be me. Maybe, they'll understand.


Pero okay lang, sanay naman na ako. 


Sino ba naman ako? I don't have the voice. I don't have the courage. Kasi magulang ko sila.


Dumiretso ako sa upuan sa likuran nang makarating ako sa maliit naming klasrum. Sinuot ko ang headphones at inilagay ang dalawa kong braso sa upuan upang magsilbi itong aking unan. Bago ko pa man makuha ang aking antok ay may kumuha ng aking headphones dahilan upang mapabangon ako.


Kumunot ang aking noo, kahit gusto ko magreklamo, gusto ko sumigaw ay hindi ko ito magawa. Stupid!


"What's your name? I'm new here," ani ng babae habang suot na ang kinuha niya sa akin.


Tinitigan niya lang ako. "You like LANY? I love them too, may concert sila dito next month. Pupunta ka ba? Wala akong kasama kaya ayaw ako payagan nila mommy," walang tigil nitong pagkwe-kwento.


"I'm Isla, I like drawing, I can sing too pero wala sa tono, I can dance pero 'yung basics lang kasi hindi ako biniyayaan ni Lord, siguro nung nagpaulan siya nang talent sa pagkanta at pagsayaw nasa underground ako nagtatago sa aliens." naningkit ang mata ko.


Napansin niya siguro ang pagsingkit ng mata ko kaya iniba niya ang topic namin. "Hellow kuya, umambag ka naman ako lang nagbubuhat sa conversation natin oh. Tinanong kita kung anong name mo hindi mo pa ako sinasagot and I asked you if you liked LANY kasi 'yun 'yung nagpla-play dito pero wala pa akong natatanggap na answer like hellow, kinakausap kita. Ano ako multo? Ayus-ayusin mo kuya ha disney princess ako sa bahay namin tapos ika-" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang putulin siya ng guro namin na kanina pa nakatayo sa pinto at pinagmamasdan kami lalong-lalo na ang non-stop playlist na katabi ko na walang tigil ang bunganga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Art of UsWhere stories live. Discover now