Chapter 4

2 0 0
                                    


November's POV

"Mia, gising kana nga" Masayang bati saakin nung isang babae nakakapasok palang sa loob ng kwarto ko dito sa ospital, teka sino ba to?.

Yinakap naman nya ako, tipid naman akong ngumiti sakanya tapos humiwalay na sya ng pagkayayakap saakin. Bakas pa din sa mukha ko ang pagtataka kung sino ba ang tao na nasa harapan ko.

"H-hindi mo ako nakikilala?" Tanong nya saakin at umiling ako.

"D-doc what happened to my sister?, bakit di nya ako maalala?" Tanong nya sa doctor na nasa tabi ko.

"Well, in this case your sister is dealing with amnesia, it can be temporary or permanent but in depends on the patient" sabi nung doktor sakanya.

"Ok doc, ako na ang bahala mag sabi kay mom and dad pati na din sa boyfriend nya"

Teka ako may boyfriend?, pano nangyari yun?.

Lumabas naman na si doc ng kwarto ko bale kaming dalawa nalang ang naiwan ng kapatid ko daw?.

" Mia, I'm your sister Veronica but you can call me ate Veron" Sabi nya saakin tapos ngumiti sya, ang ganda naman nya pano ko naging kapatid yung ganito kaganda.

Napatingin naman kaming dalawa sa pintuan nang may biglang kumatok.

"Mia" sabi nung isang lalaki tapos yinakap nya ako. Teka sino naman to?, pero infareness ang bango nya, amoy mayaman tapos pogi pa. Sige yakapin mo lang ako kahit 1 month pa di ako aayaw.

Humiwalay naman na sya sa pagkakayakap saakin, ay grabe napaka gwapo naman neto, lalo na kapag naka smile.

" Mia, sya si Oliver your boyfriend"

Teka boyfriend ko to?, nako diko na papakawalan to, napaka gwapo.

"Mia, kakausapin ko lang si Oliver saglit about your condition" sabi ni ate Veron saakin tapos lumabas na sila ni Oliver ng kwarto ko.

Ewan ko ba, bakit feeling ko may something sakanilang dalawa?, hay ewan ko ano namang paki ko don as if naman na ako talaga si  Mia.

Tumayo naman ako sa pagkakaupo ko sa kama ko at nag tungo ako sa isang salamin, grabe napaka ganda pala ni Mia, no wonder kaya ang ganda ng ate nya at ang gwapo ng boyfriend nya kasi napaka ganda nya pala. Sayang lang at namatay sya ng maaga hayy.

"Tatlong buwan"

"Ay kabayo!" Gulat kong sabi dahil may biglang nag salita sa likuran ko. Pagkakita ko yung lalaki pala na sumundo saakin.

"Bakit ba bigla ka nalang sulpot ng sulpot?" Tanong ko sakanya

" Tulad ng sabi ko, hindi ka maaring mag tagal sa katawan na yan November" sabi nya saakin

" Oo na, alis na baka mamaya isipin nila nag tataksil ako sa napaka gwapo kong boyfriend" sabi ko sakanya

Napangisi naman sya sa sinabi ko kaya nag taka ako dahil sa ginawa nya. Ano naman kasing nakaka ngisi sa sinabi ko hindi ba?.

" November, wag kang magpapaniwala sa nakikita ng mga mata, hindi lahat ng ating nakikita ay totoo at isa pa kung makita man nila ako na kausap ka iisipin lang nila na nasisiraan kana ng ulo dahil ikaw lamang ang maaring makakita saakin" sabi nya  tapos nag laho na sya.

"Mia?" napatingin naman ako sa likod ko dahil may tumawag saakin.

" Ok ka lang ba?, may kausap ka?" tanong saakin ni ate Veron

" W- wala po ate" sagot ko sakanya at ngumit ng tipid.

" Sige, if you need anything just tell me ok. Lalabas lang ako saglit" sabi nya saakin tapos lumabas na sya ulit ng kwarto ko.

Bakit ganon, feeling ko may something kay ate Veron?, but anyway wala naman na akong pakialam dun, kailangan ko lang maenjoy ang buhay ko yun lang.

Sabi nga ni kamatayan ( yung lalaki na sumundo saakin) 3 months lang daw ang pwede kong itagal sa katawan na to. Mukhang mayaman naman sila kaya sure ako na magagawa ko lahat ng pangarap ko nung si November pa ako.

Kaya ngayon, wala na akong sasayangin na pahanon, this time magiging masaya na ako para wala na akong pag sisihan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

See you on November 1stWhere stories live. Discover now