Part 1

7 4 2
                                    

Sa pagkukubli ng nadarama ang puso'y labis na nagdurusa
Sa pagpapangap na walang pakialam sa kanya
Kalauna'y magdudusa
Mayroon nga bang pag-asa?

Ang umibig sa katulad nya
Ay parang pagabot sa mga bituwin na sa gabi'y nasisilayan ng aking mga mata
Na kahit sa panagip ay imposible kong makuha
Hangang pangarap na lamang ba sya?

Sa tuwing sya'y nasisilayan
Nagiiba ang aking pakiramdam
Na para bang may sariling isip ang aking katawan para sya'y lapitan
Ngunit akin namang ito'y pinipigilan

Nais ko syang makasama
Kahit san man magpunta basta kasama ko sya
Sabihin na nilang ako'y baliw kung ako nama'y sasaya kapiling sya
Ngunit imposibleng magkatotoo dahil ako lang naman ang may nadarama



A poem for himWhere stories live. Discover now