Secrets are poisonous in every aspect of relationships. Whether our reasons are good or not, there are always consequences we must face, and no matter what we do, there are no secrets that remain hidden.
On the other hand, lack of communication is also another type of poison. It weakens our trust in each other, leading to unsolvable misunderstandings.
It's difficult to live honestly in this world. It's incredibly hard to be happy. Everything comes with its accompanying pain.
All we need to do is deal with life and survive.
Naramdaman ko ang pagdampi ng bibig ni Beau sa aking noo. Kasalukuyan kaming nasa sala. Nakaunan ako sa kaniyang hita habang nagbabasa ng newspaper habang siya naman ay may nire-review na misyon sa kaniyang laptop.
"Good morning, guys!" masiglang bati ni Xell sabay takbo papunta sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Tumatawa pa itong pumasok ng kusina dahil sa malutong na mura sa kaniya ni Beau.
"He's a pervert, be careful with him," paalala pa sa akin ng isa.
Natawa naman ako. "I know that," tugon ko.
Narinig ko ang mga yapak pababa at sigurado akong si Zef iyon. Kaagad akong nagpanggap na nagbabasa habang pinapakiramdaman siya.
"Hey, good morning," bati pa ni Beau.
"What's good in the morning?" pabalang naman nitong sagot at dumiretso na sa kusina.
"Tara, mag-breakfast muna tayo, Key," yaya sa akin ni Beau kaya bumango na rin ako. Magkahawak-kamay kaming pumasok ng kusina.
Napataas-kilay pa ako nang makitang shirtless na naman si Xell habang may pini-pritong hotdog. May nakahanda ring scramble eggs at ham. His cooking skill is improving. I mean, at least, marunong na siyang magprito kumpara noong unang dating ko rito na umaasa pa sa video tutorials silang tatlo.
Kung dati ay nagtuturuan pa sila kung sino ang magluluto, ngayon ay may kusa na rin silang kumilos. Iba pa rin talaga kapag may babae sa pamamahay.
"Why are you staring at me like that again, Key?" nang-aasar pang sabi ng loko. "You want to touch my abs?" nang-aakit nitong dagdag sabi.
Marahan naman akong lumapit sa kinaroroonan ng refrigerator at kinuha ang tumbler ko. Naghugas din ako ng kamay sa lababo at nang matapat ako sa kinatatayuan nito ay inilapat ko ang malamig na malamig kong tumbler sa kaniyang anim na pandesal sa tiyan.
"Aww!" hiyaw niya pa dahil sa gulat.
"Sa 'yong-sa 'yo na ang abs mo," bulong ko pa.
"Ouch! Pasalamat ka at mahal kita."
Natawa lang ako at pumunta sa kinaroroonan ni Beau at naupo sa tabi nito.
"Na miss ko ang coffee na gawa ni Zef," sabi ko pa habang nasa nakahaing hotdog ang aking paningin. Sinabi ko rin iyon sa paraang parang wala siya rito.
"Okay, let's eat, mga mukhang pancit!" malakas na sabi ni Xell.
"Freak!" asik naman ni Beau at nilagyan na ng pagkain ang aking plato.
"What? Ipinaghain ko na nga kayo ng agahan tapos sasabihan mo pa ako ng ganiyan? Wala ka talagang utang na panlabas, Beau Ramsey."
"Thanks for the food," rinig kong malamyang sabi ni Zef.
"Uy, in fairness, Zef. May character development ka na. Marunong ka ng mag-thank you. Hotdog at itlog lang pala ang kailangan kong prituhin para magpasalamat ka sa akin..."
"Freak," pamumutol ni Zef sa kadaldalan ng isa.
Natawa na lang ako dahil pag-angat ko ng tingin ay nakabusangot na mukha ni Xell ang aking nakita.
BINABASA MO ANG
Room For Four (Poly Novel)
Romantik⚠️R18+ ⚠️Polyamory ⚠️Action-romance Agent Keyza finds herself in a dangerous situation fueled by jealousy from her fellow agents. When she meets the mysterious trio - Zef Caldwell, Beau Ramsey, and Xell Monroe - Keyza becomes entangled in a complex...