Muling Pagsibol ng Buwan

1 0 0
                                    

Muling Pagsibol ng Buwan
Kolaborasyon nina: Cristonette Bernaldez at Maloucuh

—💛
Nasanay man sa sulok ng dilim na bumabalot,
Susubukang humakbang panaog sa pagkalugmok
Natuyong luha’y gagawing punla sa muling pagsubok—
Pag-ibig muling itataas, ’di na bubulusok.

—💕
Gagabay ang ilaw ng buwan para makabangon,
Sa hirap ng nangyari sa bawat nagdaan
Mga bagay ay kailangan nang harapin,
At 'di susuko kahit galing man sa kahapong madilim.

—💛
Lalaya mula sa pait, poot at pasakit na kinuyom sa puso
Aalpas sa bangungot nitong nakalipas at pag-asa’y matatanaw sa dulo.
Ang dating duguan at wasak ay unti-unting mabubuo,
Iiwan na ang dagtum at sarili’y palalayain— ika’y isinusuko.

—💕
Sa ngayon ay may malaking natutuhan,
Galing sa pusong iyong sinugatan
Waring ngayo’y nabuo nang puso’t naging malaya,
Dahil sukdulang sakit niring damdamin ay naghilom na.

—💛
Pinatawad na kita sa pananakit mong nagawa
Pinatawad na rin ang sarili sa pagkukulang ko’t wala nang awa.
Sa susunod na pagdungaw ng buwan ay namumutawi na ang saya,
Isang mahigpit na yakap sa sarili’y ihahandog nang walang sawa.

—💕
Umaasang hindi na muling maulit ito—
'Yong magmahal ng ganito.
Maging masaya sana tayo sa pinili nating samahan sa dulo,
At nawa’y may ilaw ng saya ang bawat mga puso.

Poem Collab Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon