Malaya ang Magpag-isa

3 0 0
                                    

Malaya ang Magpag-isa
Kolaborasyon nina: Cristonette Bernaldez at Eiramoj Makata

“Mahal kita” “hindi kita iiwan”,
Ilan lamang sa mga salitang kay sarap pakinggan,
Sa ganda nang pangako kahit hindi mo na s'ya titigan,
At ikaw lang talaga kahit hindi mo na s'ya piringan.

Yung tipong aasa ka na may pag-asa pa na kayong dalawa,
Na makakasama ka sa pangarap n'ya at kayo lang talaga,
At sa bawat salita ay madadala ka,
Ngunit sa huli ikaw lang ang maiiwang mag-isa.

Iiwanan kang mag-isa sapagkat may mahal siyang iba,
Kaya mas piliin mong ika'y maging malaya at mag-isa,
Kesa naman magpatuloy kayo, pero ikaw lang nasasaktan sa inyong dalawa,
Kaya mas mabuting mapaglayo at  gumala sa lugar na nagpapasaya sa'yo na hindi s'ya kasama.

Malaya ka sa lugar na malinaw at magandang kapaligiran—
Magpapagaan sa loob mo at dito may kapahingahan,
Ipahinga ang isip sa mga pasakit sa damdamin at kaisipan—
Sa nakaraang nakalipas na mga oras na kinahantungan.

Lumaya ka pagkat pinaparaya ka nang mandaraya,
Lumuha ka sapagkat pinaluha ka ng inaakala mong tama,
Ngunit pagkatapos ng pagluha alam kong babangon ka,
Ipagaspas mo ang pakpak at sasamahan na umahon ka.

Ngayon, madarama mo na ang tunay na kalayaan,
Mula sa taong nagpasakit sayo at nagawa kang pabayaan
Nandito ako, sila at ang iyong mga kaibigan,
Kung pinabayaan ka nya halika at gawin mo akong sandigan.

Ika'y sasaya sa taong magpapasaya sa'yo,
Hindi ka lulungkot at magiging malaya rito,
Sa pagtagal, makakalimutan mo rin siya ng husto,
Saka liligaya ka na kasama ang mga taong totoong nagmamahal sa'yo.

Mabuhay kang walang pasakit sa taong 'di karapat-dapat ibigin,
Subukan mong maging masaya sa sarili mo,
Hindi na lungkot at lumbay ang dadanasin mo-
Kundi ang maging masaya sapagkat nakalaya ka sa taong ginawa kang alipin.

Poem Collab Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon