IKADALAWANG KABANATA

25 0 0
                                    

"oy Gwen musta ang klase?Akala ko titigil kana sa pagtatrabaho dito eh"Salubong sakin ni ate Mildred kasamahan ko dito sa grocery store na pinagta trabahuan ko.

"Ayos lang naman ate,alam mo na first day "

Agad kong hinubad ang sout kong bag at uniform sa school ay nagpalit.Maliit lang itong grocery store na pinapasukan ko kaya dalawa lang kaming nagta trabaho rito.

"Kakayanin mo pa kaya kapag nagsimula na talaga ang klase?"

"Opo,para narin po kasi ito sa pagda dialisis ni Nanay "Sagot ko saka pumwesto sa may cashier.

Tinitigan muna ako nito saka marahang ngumiti at nagsabing "ang suwerte ng Nanay mo sayo Gwen"

"Ako ho ang suwerte ate,if not because of her hardwork,Hindi ako makakapagtapos ng highschool at hindi makakapag college"

Naputol lang ang usapan namin nang may customer na dumating.Agad kong e-pinunch ang mga binili ng lalaki.

"589.50 po lahat sir "Nakangiti kong saad sa kaedaran ko lang na lalaki.Naglabas naman ito ng Isang libo at binigay sakin.

"Keep the change nalang miss "Nagulat ako dahil medyo malaki pa ang sukli but then thank him afterwards.

Minsan nalang kasi ang kagaya niyang customer na nagbibigay ng tip kaya napapasalamat talaga ako.

Maaga kaming nagsara ni ate Mildred at siya ang naka toka sa pagdadala ng susi.Napatingin ako sa lumang relo na bigay sakin ni Nanay noong ika labing anim kong kaarawan.Alas dose na ng madaling araw.

Dahan-dahan akong pumasok sa bahay dahil baka magising si Nanay kapag maingay ako.Naka bukas pa ang ilaw rito sa sala kaya naman agad na akong kumilos para makatulog narin.

After I've change my clothes ay pumunta ako sa labas ng kwarto upang puntahan si Nanay at nadatnan kong mahimbing itong natutulog.

May nakahanda naring pagkain sa lamesa kaya hindi na ako nagdalawang isip para kainin lahat ng iyon.

Nagising ako sa lakas ng boses na nanggagaling sa labas.

"Aba Rochelle,hindi naman maaaring hindi kayo magbayad ng kuryente ano"

Agad akong bumangon dahil sa boses na iyon.Sinilip ko kung anong nangyayari at nadatnan si Nanay at Isang babae na nag uusap.

"Babayaran din naman kita kapag nakaluwag luwag na Anjie,maawa ka naman.alam mong nag aaral si Gwen sa kolehiyo at kailangan niya ang kuryente sa pag aaral " rinig kong Sagot ni Nanay kay aling Anjie na siyang may ari ng kuryente kung saan kami naka konekta.

"Hindi nga maaari iyang nais mo Rochelle,hindi mo pwedeng sabihin iyan sa meralco"

"Kung wala kayong pambayad ay pasensyahan tayo! "

"Magkano ho bang utang namin sa kuryente aling Anjie?"Pagsingit ko.Agad kong nilabas ang pitaka ko upang matigil na ang pagbubunganga niya.

"Anak hindi mo naman kailangan...."

"Nay ayos lang "sagot ko saka tumingin kay aling anjie"Magkano ho ulit?"

Umirap pa ito ng palihim na akala niya hindi ko nakita."Tatlong libo dahil dalawang buwan nang hindi kayo nakakabayad"

Agaran ko namang binigay ang bayad sakanya.buti at nasuwelduhan ako noong nakaraang araw kaya may pera pa ako dito.

"Hindi mo naman resposibilidad iyan anak,ako dap--"

"Ma, it's okay.Ang importante gumaling na kayo, diba?"Nakangiti ko paring Sagot.I hate it that she's feeling guilty of our situation.

Wala naman akong reklamo eh,infact masaya ako that nakakatulong ako sakanya.If it wasn't because of my father siguro mas maayos ang buhay namin ngayon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVE BETWEEN LUSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon