Carry.
Hitter.
Pusher.
Support.
Kahit anong role kaya kong gampanan.
Kahit anong hero kaya kong gamitin.
Kahit anong team ko, kaya kong panaluhin.
Ganyan lang talaga ako kagaling kaya madalas na isali ako sa local dota competitions. Kasama sa malaking halaga ng pera na napapanaluhan ay dumarami ang nakakakilala at humahanga sa akin.
Iba talaga ang feeling kapag nagdo-dota.
Yung nararamdaman mo tuwing nakakapakinig ka ng usapan na,
"Grabe halimaw yung SF nung hitter ng DeathReapers"
"Eh,eh kakaawa yung kalaban. Ambobo , pa Invoker pa yung captain nila wala namang binatbat"
"Haha ambubutaw. Napampapatay lamang nung SF. Astig pare, gaganda ng bitaw ng skills. Galing talaga eh eh, Idol ko na ngani"
"Anong pangalan ba nung SF player?"
"Axl"
Di ko ipagkakaila, tumataas ang self-confidence ko kapag nakakapatay ako ng kalabang hero o di kaya lamang na kami sa laban tas chini-cheer pa kami. Yung feeling na ramdam mo yung tiwala at supporta ng ka-team mo pati na rin yung mga supporters mo sa iyong galing.
Corny man sabihin kaso nakakataba ng puso.
Mga hiyawan.
Trashtalkan.
Barkada.
Easy money.
Easy life.
Kinakatakutan na ng karamihang players ang pangalan na Axl.
Siguro nagtataka ka kung bakit nagdo-dota kami ano?
Madaming dahilan.
Iba't ibang rason.
Madalas pampalipas oras.
Minsan takbuhan kapag bigo sa pag-ibig o di kaya para makalimot ng problema.
Yung tipo bang lahat ng galit mo eh binubuhos mo sa laro tas pagpupunitin mo yung mga kalaban mo.
Yung lahat ng gusto mong sabihin na kinikimkim mo ay dinadaan mo nalang sa trashtalk.
Oo , ganyan yung iba.
Maganda kasi itong libangan.
Ako? daw hari ako ituring sa mga comuter shops pero kabaliktaran ako nito pagdating sa school.
Para sa isang simpleng studyante na walang hilig makipagsabayan ng galingan sa academics , sports o kasali sa clubs sa university, binubuhos ko nalang ang oras ko sa mga video games at pakikipagpustahan ng laro.
Gamer eh.
Dun lang naman ako magaling.
Dahil dito kilala ako sa campus-lalo na yung mga lalakeng dota players na pinagiyak ko sa mga laban namin. Durog kasi haha.
Masaya lang na tinitingalaan ka at nirerespeto ng mga kapwa mo gamers, kinakatakutang makalaban at iniiwasang makabanga o makaalitan.
Lahat sila bilib sayo.
Lahat sila gusto kang maging kaibigan.
Halos lahat sila tinatawag kang idol.
Para bang ang angas.
Sino bang ayaw di ba?
Dito ako nakahanap ng kasiyahan na hindi ko naramdaman sa bahay, sa school pati na rin sa aking lovelife.
Kung meron pa.
Umalis na ata yung huli.
Iniwan nanaman ako.
Wala eh.
Hindi niya ako maintindihan.
Isa nanaman siya sa mga babaeng gustong patigilin ako sa aking kasiyahan.
Mga babae nga naman, gusto nalang palagi silang pinage-effortan.
Mga lalaki naman tanga tanga namang nasunod; samahan pagshopping, pakainin, bilhan nito at niyan , bigyan ng flowers at chocolates.
Pero pano naman kami?
Hindi ba kahit konting pagiintindi suklian nila?
School,bahay at babae? Pareparehos lang naman sila na hindi ako naiintindihan.
Pareparehas lang sila na demanding.
Dapat ganito ka.
Dapat ganito gawin mo.
Dapat-
Puro nalang dapat.
Puro nalang ganito at ganyan.
Palagi nalang dapat sundin yung maganda sa kanilang paningin.
Yung pinipilit kang gawin ang mga bagay na sa tingin nila ay TAMA.
Pero masaya ka ba?
Asan yung pagkatao mo?
Ikaw ba yan?
Di ba hindi?
Ano yan cookbook, na pag di sinunod eh masama na ang resulta?
Tanga ba sila?
Ako eto eh.
Bakit di matangap nila kung sino si AXL?
Walang naman akong bisyo, gamer lang.
Oo sabihin na natin na madaming mali sa akin.
Oo may mga pagkukulang ako.
Pero isang lang na kamalian ang pinanghihinayangan ko.
Yung araw na nakilala ko siya.
Yung araw na pinapasok ko siya sa aking magulong buhay.
Yung araw na rin na iyon ang naging dahilan kung bakit nadudurog ang puso ko ngayon.
Dahil minsan sa aking palpak na mundo may isang tamang dumating sa aking buhay.
Nasakanya na ata lahat.
Napakaperfect niya.
Nagiisang taong nakaunawa at tinangap ako bilang ako.
Hindi ko alam kung bakit minahal niya ang isang hamak na katulad ko.Alam naman ng lahat na walang future sa dota.
Di ko maibibigay ang buong oras sa kanya pero nagpumilit siya na magstay at hinayaan ko.
Naging masaya ako sa piling niya.
Natutunan kong umibig ng tunay.
Nung araw na nakilala ko siya ay yun din pala ang araw na mawawala siya sa aking buhay.
Yung araw na sinayang ko ang pagmamahal ng isang taong kinayang talikuran ang lahat para lang sa akin.
Yung araw na nakilala ko si Mei.
© 2015. Kristine Sore. All Rights Reserved.
--------------------------------------------------------
AN: Sooo hello! Thanks for the time reading my story :D This is my first tagalog book I made with a theme like this so I hope I did ok *cross fingers* . I am publishing this here in my other account -for now- since I'm quite experimenting on the story. I must say its quite a challenge since I don't want the story to revolve around mainly on the characters but also in the game DOTA 2. I wanted the readers, YOU, to understand what it feels like to be a dota player and what things they undergo through. Stuffs about family problems and school. Yep.Definately need to discuss those things. Also please note that this is a fiction story and some DETAILS are just CREATIVE IDEAS of the author. If you're quite interested , please click the star button below so that I will know :) Thanks!
BINABASA MO ANG
A Gamer's Mistake
FanficKwento ng buhay ng isang dota player. © 2015 Kristine Sore. All Rights Reserved.