CHAPTER THREE

7 1 0
                                    

ZELENIA POV

It's been two weeks simula ng malaman ko ang tungkol sa pangloloko ni Lance. Pero kahit anino man lang nito ay hindi nagpakita sa akin. Gano'n nalang ba talaga kadali sa kanya na bitawan ang lahat? Sa loob ng tatlong taon, I try to save our relationship. Binigay ko ang oras ko sa kanya na ay dapat sa trabaho ko, pero simula ng maging engineer siya ay parang nakalimutan niyang may girlfriend siya. You're such a jerk Lance Matthew.

I was busy typing on my phone, nang biglang tumawag si mama.

" Zelenia, come in my house now! Ano naman bang pinagagawa mo ha!?" sigaw nito

" What? Ano nanaman ang kasalanan ko ngayon ma? As far as I remember, wala akong ginawang masama." sagot ko sa kanya

" Ah talaga ba!? Well come to my house right now, para malaman mo" si mama

I end the call, and I go to their house. At pagpasok ko palang ng bahay ay bumungad agad sakin ang maingay na bunganga na aking ina.

" Good you're here, did you know that Lance called me last night? At sinabi niyang inaway mo naman siya. Ano ba, Zelenia hindi kana bata para awayin at e block ang boyfriend. C'mon Zel grow up!" paninisi niya sa akin

Oh wow buti pa sainyo tumawag, at binaliktad niya pa talaga ang estorya ha. Ako pa ang nang away, eh siya 'tong mangloloko. Story maker kana pala ngayon, Lance HAHA.

" Seriously ma? Mas kakampihan mo pa ang lokong 'yon? Alam mo ba kung ano ang ginawa niya, ha ma!?. She cheated on me, ma!?" naiinis kong sagot sa kanya

" Ayan kananaman sa ka immaturan mong bata ka, sabi niya sa akin ay nagtatrabaho lang sila ni Aira. At ikaw 'tong nagiging praning at inaway mo raw siya, blinock mo pa. Umayos ka nga Zel, ayusin mo yan ha." si mama

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Ang sakit na ang sarili mong ina mismo ang hindi naniniwala sayo. Ano ba ang meron kay Lance, bakit mas kinakampihan ito ng ina niya kaysa sa kanya. Ako ang anak niya, pero mas pinapaburan niya si Lance!?

" Praning na kung praning ma, you don't know the whole story. ' Di mo alam kung ano ang totoo. Ma, bakit ba akong nalang ang nakikita niyong may mali sa relasyong meron kami ni Lance!? Ma, he cheated on me! He kissed Aira, ma! So stop saying that I'm immature! I'm your anak, ma. So please kahit ngayon man lang paniwalaan mo ako." sagot ko sa kanya sabay alis ng bahay

Bakit ba hirap siyang paniwalaan ako? Simula pagkabata ako lagi ang sinisisi niya sa mga kasalanang hindi ko naman ginawa. I remember during my elementary days, napatawag sila ni daddy sa school kasi nang away daw ako ng ka klase ko. Which is not true, ipinagtanggol ko lang naman ang sarili ko ' cause they always bullied me. But at the end ako parin ang mali, bawasan ko daw ang pagiging maldita ko. Since I was a kid, sa mata nila puro nalang ako mali. What a fuck up life, right HAHA!

Nang malapit na ako sa bahay ay nakita kong nakatayo sa labas nito si Lance. Ano naman ang ginagawa ng gagong to dito. Kapal naman ng mukha nito para magpakita pa. Well, mabuti na rin para masapak ko 'to.

" Anong ginagawa mo dito? Hindi kana welcome dito." malamig kung tanong sa kanya

" Look, it's not like what you think love. It's just a dare okay? Let me explain, please?" nagmamakaawang sabi nito

Tsh. Hindi bagay sayo tol!

" Shut up, Lance! Hindi ako tanga para maniwala pa sa mga rason mo. Dare!? Talaga lang ha? Mukhang nag enjoy ka nga sa dare na 'yon eh. Magsama kayo ng hitad na 'yon! Tapos na tayo, Lance!" galit kong sabi sa kanya

" No z-zel please, let's talk about it. L-let me explain love. Magkaibigan lang kami ni Aira, c'mon Zelenia don't be immature katuwaan lang iyon."

Ay, wow ako pa ang immature. Kaibigan ha, ayos.

" Kaibigan!? Naghahalikan!? Grabe naman ang friendship niyo Lance! Naka premium lang!? The fuck, no Lance I'm breaking up with you! We're done! At huwag na huwag kanang magpapakita sa akin!"

" Come on, Zel. We both know na hindi mo kaya na wala ako! Wala ng ibang magtitiis diyan sa ugali mo! Ako lang Zel, tandaan mo yan! Nasasabi mo lang 'yan ngayon kasi galit ka, I know bukas magiging okay rin tayo. Always remember this Zelenia, no one can replace me in your heart! Kung may darating man na lalaki sa buhay mo hindi niya mahihigitan ang tatlong taong meron tayo. Dahil hindi siya katulad ko, wala ng pwedeng mag mahal sayo kundi ako lang Zelenia!" mayabang na salita nito

" Leave! Just leave me alone Lance! At please lang 'wag kanang magpapakita sa akin. Kung sa tingin mo hindi ako makaka move on sayo, well tandaan mo rin 'to — gagawin ko ang lahat makalimutan kalang. Kung ang pag-akyat sa Mt. Everest ang isa sa mga paraan para makalimutan ka, pwes aakyatin ko 'yon mawala kalang sa buhay ko! At 'yong tatlong taon na 'yon? makakahanap din ako ng lalaking mas hihigitan 'yon Lance. Makakahanap ako ng mas higit sayo. Eh sino kaba? Isa kalang namang certified cheater na engineer diba!? So ' wag kang mahangin. Excuse me." deretsong sabi at pagtataboy ko sa kanya.

Ang kapal naman ng mukha niya para sabihin sa akin na walang ibang magmamahal sa akin, dahil sa ugali ko. Edi wala pake ko sa inyo! Totoo nga walang forever sa mundong ito! Magsama kayong lahat mga mangloloko!

Hindi ko alam kung kaya ko na wala na si Lance sa buhay ko, but I need to be strong and prove to him that I can live without him. Mahirap man kalimutan ang tatlong taong pinagsamahan namin, kakayanin kong kalimutan ito. I will start my life without him. For now, I will love my self and focus on my career first. Love can wait.


Author's Note:

When I'm scrolling on Facebook I saw this post, just wanna share it hehehe.

i can't stand seeing people being cheated on. i don't get why people can cheat while someone is being loyal to them. i don't get the point of hurting someone who did nothing but to love them wholeheartedly. no one deserves to be cheated on. i wish someday cheaters experience how it hurts to be cheated on. to all the cheaters out there, i hope you get caught. karma, do your thing. (ctto)

MY LOVELY WRITER Where stories live. Discover now