Chapter one

10 1 0
                                    

“Kailan kaba maghahanap ng matinong trabaho?”

Kung may isang tanong man na ayokong marinig, ay ito. Palagi nalang tinatanong ito sa ‘kin ni mommy na para bang hindi matino ang trabaho ko.

“Wala pa ba kayong plano na mag pakasal ni Lance?”

At if  there's another question that I don't want to hear, that's it. I'm not yet ready to answer that question.

“Ma, hayaan mo na kami ni Lance sa bagay na yan.”

My parents 42nd anniversary was yesterday, and nandito ako ngayon sa bahay nila para e abot ang binili kung regalo. They asked bakit hindi ko raw kasama si Lance. Na ngako kasi ito na sasamahan ako sa pagbisita sa kanila, kaso wala siyang isang salita. Kaya mag isa ako ngayon, sinabi ko nalang na busy ito sa trabaho. Napailing naman si dad, at sinabing mabuti pa si Lance ay may matino at stable ma trabaho.

Nainis naman ako dahil nadamay nanaman ang trabaho ko. Bakit naman kasi botong boto sila sa Lance na ‘yon. Kung alam lang nilang isang linggo nang walang paramdam ang mokong na ‘yon.

Sa totoo lang hindi maganda ang status ng love life ko ngayon. Actually, one year ng hindi maganda ang relasyon namin ni Lance. At sinasabi nilang lahat na kasalanan ko ‘yon, dahil ang tigas daw ng ulo ko at sobra na ang pride. Kasi naman kung kailan ko naman inilaan ang lahat ng oras kay Lance, ay siya naman itong walang oras sa akin. Like what the hell? Hindi naman lahat kasalanan ko. Tapos ngayon tatanungin nila ako kung may plano na kaming magpakasal? Eh kahit mag message man lang ay ‘di magawa nito, magpakasal pa kaya?

Hindi naman sa nagpapaka- bitter ako. Totoo naman talagang, walang forever. It may sounds stupid, pero totoo naman. At ‘yan ang linyang hindi ko mabitawan sa harap ng parents ko, ‘cause they'd been together for 42 years.

Mom always said, na ang babaw daw ng issue ng henerasyon na ito when it comes to love.

Hindi lang nakapag chat or text, hiwalay agad.

Eh sino namang hindi maiinis one week ng walang paramdam.

“ Hindi mo kasi maiintindihan ma, one week na siyang walang paramdam.” naiinis kung sabi sa kanya

“ Sus, kami nga ng dad mo dati ilang buwan pa ang hinihintay bago mabasa ‘yong mga sulat namin sa isa't isa.” panindigan ng ina niya

Gusto ko sanang sabihin sa kanya na, iba ang henerasyon nila sa henerasyon ngayon. Ngunit mas pinili ko nalang tumahimik, dahil alam kung ako naman ang magiging mali.

“ Ikaw na rin nagsabi diba na busy ‘yong boyfriend mo, kaya intindihin mo nalang” si dad

“ Naiintindihan ko naman ‘yon dad, pero one week? Seriously, huh?” naiinis kong sagot sa kanya

“ Hoy, Zelenia magtigil ka ha! Buti nga ‘yong boyfriend mo may matinong trabaho at may plano sa buhay. Eh, ikaw? Palagi nalang naka kulong sa bahay mo!” bulyaw ni mommy sa akin

“Ewan ko sainyo, bye na nga uuwi na ako” paalam ko sa kanila

Sana hindi nalang akong bumisita kung puro sermon lang naman pala ang aabutin ko. At ano ba ang alam nila sa trabaho ko, kung makapag salita sila ay parang alam na alam nila.

Umuwi na ako sa sariling bahay ko, na katabi lang naman ng bahay nila. Sinadya ko talagang, dito nalang din magpatayo ng bahay para mas madali ko silang mabantayan kung may mangyayari man, huwag naman sana. Sa ilang taon kong pagsusulat ay nakapagpundar din ako ng mga sariling gamit ko, at isa na rito ang bahay na tinutuluyan ko ngayon. Kaya para sa akin, matino ang trabahong mayroon ako ngayon.

Sisimulan ko na sana ang panibagong kabanata ng nobelang aking sinusulat ng mag ring ang cellphone ko.

Lance Matthew is calling….

Wow. Buhay pa pala siya, sa loob ng isang linggo ngayon lang naisipang mag paramdam. Kapal naman nito!

“Hello love, how are you? Sorry ‘di kita na samahan kanina, busy kasi kami eh” paliwanag nito sa kabilang linya

Paliwanag nga ba ang tawag dun? Eh hindi nga nito nabanggit kung bakit hindi ito nagparamdam ng isang linggo.

“ Buhay kapa pala? Buti naman, naisipan mong tumawag. At saka ‘wag kanang mag- alala alam mo namang botong boto sayo ang mga ‘yon, mas nagalit pa nga sila sa akin kesa sa'yo eh.” mahaba at walang emosyong sagot niya rito

“ Ah buti naman kung ganon, sige love bye muna ha. Nandito na kasi si Aira ‘yong kaibigan ko, kilala mo naman siya diba? Tatapusin lang namin ‘yong trabaho namin.” paalam nito

Naiinis kong tinapon ang cellphone ko sa gilid ng kama ko. Seriously? Tatawag siya para ipaalam lang na kasama naman nito, ang babaeng kinakainisan ko. Yes, I know Aira. Isa ito sa mga katrabaho ng boyfriend ko, na daig pa ang linta kung maka kapit  kay Lance. At kahit anong sabihin niya kay Lance na layuan ito, isa lang ang isinasagot ng binata sa kanya — kaibigan niya lang ito. Magsama kayo bwesit!

Don't worry love, magkaibigan lang kami ni Aira. I love you.

Sana nga, Lance Matthew. Sana.

MY LOVELY WRITER Where stories live. Discover now