Nagngitngit ang mga ngipin ko sa galit habang tinatahak ang daan papasok ng INCAT premises. Galing pa ako sa klase at ako agad ang tinawagan ng guidance dahil hindi ma-contact ang parents ko.
"Good Morning, Ms. Lauzon. You may take a seat."
I sat beside my brother who has bruises on his face!
Nilingon ko ang mga estudyanteng kasama namin sa harapan at sinamaan sila ng tingin kahit pa kasama nila ang kanilang mga magulang.
Mga basagulero.
"Are you okay?" I worriedly asked Eoghan.
Tahimik lang itong tumango. Gulo-gulo ang uniporme at may mantsa na rin.
"Ikaw, Archer Ponferrada? Hindi ba dadating ang parents mo?" the Disciplinarian asked.
"They are out of the country, ma'am. Kung hihintayin pa natin sila, aabutin na tayo ng isang linggo dito."
Napatingin ako sa pangahas na batang lalake na nakuha pang magbiro.
His eyes lingered on me. Mas lumawak ang ngisi nito.
Napakuyom ang aking kamao. I've heard stories about this kid. Katulad ni Eoghan ay grade ten palang din. Naririnig ko sa aking mga magulang na ito halos ang pasimuno sa pagbubully ng aking kapatid.
"Baka naman sanay na silang suki ka ng gulo?" I can't help but say a comment.
Nanggigigil talaga ako dahil hindi na nila tinantanan ang kapatid ko. He is a bright kid, a smart one. Ngunit wala itong kaibigan at hilig lang ang mag-isa.
When I stare at Archer Ponferrada, he looked amused.
"Wait a minute," he chuckled at napaayos ng upo. "Ipinagtanggol ko lang naman ang kapatid mo tapos ako ang pagbubuntungan mo ng galit?"
I was taken aback, nang tingnan ko ang displinarian ay tumango ito.
"Ang totoo niyan Miss Lauzon, nakita nitong si Archer ang grupo nila Bruno na binubugbog ang kapatid mo sa CR malapit sa dulo ng building dahil ayaw nitong pakopyahin sila sa third quarter examination. Buti nalang at nandoon ang batang iyan at umawat."
I felt my cheeks heaten up in embarrassment dahil sa halong kahihiyan at galit ay sa grupo noong Bruno ang pinagsalitaan ko. The parents were sorry and last offense na nila iyon. Expulsion na kapag naulit pa.
"Your glasses are broken. Ipaayos natin?" I softly asked Eoghan nang makalabas kami.
He subtly removed my hold on his arms.
"Bakit pumunta ka pa? I can handle this." He tsked. "Bumalik ka na sa klase mo."
Ramdam ko ang kirot sa aking dibdib habang tinitignan ang pigura nitong papalayo.
He is my half-brother, the only sibling that I have.
Kahit magkaiba kami ng ama ay hindi ko siya tinuring na iba. But I think, Eoghan might not felt the same. He was more close to his cousins on his father's side. He never talks to me at home.
Naglakad ako papalabas patungo sa paradahan ng tricycle.
Papara na sana ako nang may umugong na motor sa aking tabi.
I hastily scowl the asshole who startled me. Halos mag-init ang aking ulo nang makita ang ngisi noong Archer.
"Sa DWCL ka, diba? Sabay ka na saken." Swabeng aniya.
I frowned when I saw him removing his helmet.
"Huwag na! Maghihintay nalang ako dito." pilit ko.
He shook his head and offered the helmet. "Anong oras ang klase mo? Nagmamagandang loob na nga e, bibisitahin ko kasi 'yong chix ko sa Magat. Same route lang naman patungong Divine."
BINABASA MO ANG
Our Tryst (North Series #3: Sheva)
General FictionSheyiale Caoimhe Lauzon... perfect but illegitimate. The most gruesome goal is to keep proving your worth to fit in a crowd. Dreadful as it may sound, society will mostly label based on first impression. Buong buhay ni Sheva, ginawa niya ang lahat u...