/Maxendrei POV/
Biglang nagyaya si alex na lumabas kami madalas kasi ako yung humahatak sa kanya o pumipilit na mag-date kami
Hindi naman sa hindi ko gusto pero parang may kakaiba sa kanya ngayon?
"Max dito" kaway niya sakin Oo mas nauna siya kaysa sakin, tumawag siya sakin na magkita kami sa isang park malapit dito samin
"Oh nakatingin ka? Ay Oo nga pala nagbake ako ng lasagna" siya
"Aba napaka sweet ata ng girlfriend ko ngayon ah?"
Ngumiti siya sakin "haha bakit ayaw mo?" akmang maliligpit na siya "sige tara umuwi na tayo"
"Eto naman oh joke lang patikim nga" tapos nag-pout siya
Marami pa kami ginawa sumakay ng rides dahil may mini amusement park diti, may hiking at zipline...tapos umupo kami
"Max I love you" sabi nya tapos yumakap sakin
Alam nyo iba talaga ang babaeng ito ngayon pero sige gustong gusto ko naman ang pagka sweet nya ngayon...
"Mahal na mahal din kita alexanandra cleo" at niyakap ko rin siya
Nagtagal kaming ganon kami na ang sweet at silang boses nyang sinabi na mahal na mahal niya ako malapit na mag sunset tapos bigla siyang nagsalita habang nakapatong ang ulo ko sa mga hita nya at sinusuklay niya naman ang buhok ko...
"Max ano man ang maging desisyon ko wag kang magagalit tandaan mo mahal na mahal kita, hindi ko man gustong gawin ito wala eh..." Siya
"Alex tell me may problema ba?" This time umupo na ako at hinawakan ang magkabila nyang pisngi
"Syempre wala haha nag-dradrama lang naman ako" tapos ngumiti siya sakin alam kong may mali hindi naman siya ganyan eh
TSUP
Totoo ba yun? She just kiss me? As in si alex?
*kring kring*
Si grandma?
"Bakit po?"
[Umuwi kana]
"Pero po..."
[Walang pero pero umuwi ka na]
Napabuntong hinga na lang ako kung tutuusin kayang kaya kong suwayin si grandma pero hindi ko kaya...
Paalis na sana kami ng biglang bumitaw siya sa pagkakahawak ko sa kamay niya
"Bakit?" Takang sabi ko
" Tingin mo minahal talaga kita? Haha ngayon sasabihin ko na sayo maxendrei lee hindi kita gusto at lalong lalong hindi kita mahal!" Seryosong sabi niya
Ano? Joke time na naman ba ito?
"Alex naman"
"Magising ka sa katotohanan pera mo lang ang habol ko sayo tska never in my wildest dream na ginusto kong maging boyfriend ka! Nakikita mo ba ito?"
Pagkasabi niya noon iniwagayway niya yung isang blank check hindi hindi pwedeng tama yung naiisip KO!
"Galing ito sa Lola mo at tinanggap ko dahil ito lang naman talaga ang gusto ko at HINDI ANG WALANG KWENTANG PAGMAMAHAL MO!" Siya
Bigla akong nanlumo... Ganon na lang yun? Matapos ang lahat? Ng naging sakripisyo ko para sa kanya? Para hanapin siya? Para sundan? Mahalin ng buong buo? Hindi ko pa ba talaga siya kilala?
"Break na tayo! Tutal nakuha ko na ang gusto ko bye" siya at iniwan akong wala sa sarili
Akala ko iba siya? Akala ko mahal niya na ako! Minahal ko siya totoo yun. Naging kami man ni Brenda dahil lang yun sa gusto ni grandma hindi ako makapaniwala na totoo ang sinasabi ni grandma na peperahan niya lang kami
I hate this! I can't believe na mismo siya yung nagsabi sakin akala ko hindi totoo yung masasamang sinabi ni grandma sa kanya yun pala totoo!
Papayag na ako magpakasal kay Brenda wala na rin naman ako magagawa mabuti na rin iyon kaysa sa iba pa sa tulad niya...!
/Alexandera Cleo POV/
Ang sakit sakit! Magsinungaling sa taong minahal mo... Wala akong nagawa para ipaglaban siya tulad ng ginawa nya sakin
Iisipin ko pa lang yung mahiwalay sa kanya parang ikamamtay ko na! Anong gagawin ko? Wala wala akong magawa sana lang talaga hindi nya ako kamuhian sana hindi si magalit sakin
Sinong tanga tutupad noon? Sabihin mo ba namang niloko mo lang siya? At isa lang akong mukhang pera?
Ayoko na...
BEEEEEEEEEEP
"Hoy kung magpapakamatay ka uminom ka ba lang nang lason baliw!"
Oo gusto kong mawala sa mundo sagasaan nyo na ako!
T_______T
_______________________________________________________
Okay hindi kayo naiyak noh? Sareh okay sareh hindi ako ma-drama kahit ma-drama talaga ang buhay ko eh.... Malapit na po matapos YES!
BINABASA MO ANG
My heart story
Historia Cortakaya mo bang mahalin ang taong Hindi ka naman kilala? yung tipong ikaw lang nakaka kilala sa kanya? Sundan ang love story ni Maxendrei Lee...
