Chapter 1

207K 2.8K 807
                                    



"Bear!" isang matinis at malakas na boses ang narinig ko mula dito sa kwarto ko sa pangalawang palapag ng bahay namin.  "Bear! Bear! Where are you?! May good news ako sayo!" patuloy na sigaw nya na para bang hindi namamaos kahit kahapon ay panay din ang sigaw nya sa pinanood naming laro sa MOA.

"Hoy Shiela! Yung hinahanap mo nasa kwarto nya lang kaya wag ka mag sisisigaw dyan na akala mo bahay mo 'to!" boses iyon ng isa sa kuya ko. Pati sya ay naiirita na din sa boses ng babaeng 'yon.

"Che! Sungit mo! sumbong kita kay Tito eh! Bear!" tawag na naman nya sa tawagan naming dalawa. She's my bestfriend since birth. Magkaibigan ang mga magulang namin kaya mula bata ay magkasama na kaming dalawa. Sa katunayan tatlo kaming magkakaibigan pero nasa ibang bansa na ngayon ang isa pa naming kaibigan.

Malakas na bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Napabuga na lang ako na hininga. Naii-stress na talaga akong sa taong ito. Hindi ko alam kung bakit natagalan ko sya.

"Bear!" dahil malapit na sya ngayon sakin, rinig na rinig ko na ang malakas na sigaw nya. Ang sakit sa tainga.

"Pwede ba, Bear? wala ka sa bundok para sumigaw ng malakas." mahinahon na sabi ko. Nagpeace-sign sya at nag-dive sa hinihigaan ko.

"Look oh look! O-M-G!" mahabang sabi nya sa huling letra at nagpagulong gulong sya sa higaan ko kaya ang resulta ay nahulog sya. Mabuti nga sa kanya nang tumigil sya kakasigaw. Pero akala ko lang 'yon dahil kahit nahulog na sya sa higaan ay tumitili pa din sya at doon tinuloy ang paggulong. Carpet naman ang sahig ko kaya okay lang sa kanya ang magpagulong gulong.

Nagulat ako nang kumapang sya papalapit sakin. Muntik na ako atakihin sa puso. Akala ko si sudako na, ang gulo kasi ng buhok nya at natatakpan pa ang mukha nya tapos tumatawa pa sya ng parang baliw. 

"Bear." ginamitan nya na nakakatakot na boses na pagtawag sa endearment naming dalawa kaya nagmumukha syang nakakatakot.

Kinaltukan ko sya para magtigil sya sa kalokohan nya.

"Aray! bear naman!" sabi nya at hinimas ang ulo na kinaltukan ko. Napangisi ako sa kanya. "Grabe ka!"

"Tumigil ka. Ano bang kailangan mo?" sabi ko sa kanya na may bahid na pagkairita. Kanina pa ako nasusura sa kakatili nya at sigaw nya.

"Ay, Bear!" napapikit ako dahil sumigaw na naman sya. "Nakikita mo 'to? nakikita mo to? O-M-G! O-M-G! Bear this is it! this is it!" paulit ulit na sabi nya. Idinilat ko ang mga mata ko at tinignan ang pinapakita nya. May hawaks yang puting envelope na may design na golden rose.

"Ano ba yan?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti sya ng malaki at kumendeng kendeng ang balakang nya habang hawak ang envelope.

"Here's the mail, it never fails. It makes me want to wag my tail. When it comes I want to wail - Mail!" pakanta nya sa kanta ng Blue Clues kapag dumating ang mail habang kumenkendeng. Walang emosyon akong nakatingin sa kanya.

"Tapos?" sabi ko pagkatapos nyang kumanta.

"Grabe!" napaawang ang bibig ko nang hampasin nya ako sa braso ko. Tinignan ko sya ng masama. "Sorry! kasi naman eh!" tinignan ko lang sya habang nagmamaktol sya. Hindi ko na talaga alam sa taong ito.

"Ano bang laman ng envelope?" tanong ko na lang para matapos na at makaalis na sya dito.

"Basahin mo! dali!" nakangiting ibinato nya ang envelope sa lamesa ko. Nakita ko ang pangalan ko na nakaukit sa likod ng envelope. Walang nakasulat kung kanino galing.

Kinuha ko ang envelope at binuksan. May nakita akong isang papel. Tumingin ako sa kasama ko na may malaki ang ngiti sa labi. Kinuha ko ang papel. Una kong nabasa ang 'Congratulation' na word sa gitna at itaas ng papel. 

Melting Ice PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon