Chapter 6

54.5K 1.4K 352
                                    



Kill's POV

Pagkatapos pakalmahin ang dalawa, nagsiakyatan na ang iba sa kani-kanilang room at ako na lang natira rito sa sala. Iniiisip ko yung nalaman ko kanina, kilala ang Dragon Empire Basketball International Training Camp sa pagiging respeto kaya hindi ko maiwasan magtaka na may nangyayaring rape-an dito. Iniiisip ko kung ano gagawin nila kanila Jerome sa ginawa nila, well, isa na d'on ang pag-alis sa kanila sa Dragon Empire, syempre 'yun ang unang una na gagawin dahil ikakasira ng camp 'yon at siguradong ikukulong sila sa mahabang panahon.

"Hey bakit nandito ka pa?" lumingon ako sa nagsalita.

"Wala lang." sagot ko. Umupo sya sa tabi ko

"Iniisip mo bang yung nangyari kanina?" tanong nya pero hindi ko sya sinagot. Wala nagsalita samin hanggang sa binasag ko na ang katahimikan.

"Lesbian ka rin ba, Juls?" walang lingon kong tanong sa kanya. Naramdaman kong lumingon sya sakin.

"Oo?" tumingin ako sa kanya na nakakunot ang noo.

"You're not sure?" takang tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam, ewan. Nagagandahan lang ako sa mga babae pero hanggang d'on lang 'yon. Walang love." sagot nya."Pero may nagugustuhan ako." nakangiting dagdag nya. "Matulog ka na, may training pa bukas. Sige goodnight." tumango ako kay Juls at umalis na sya. Ilang minuto nagdaan, tumayo na din ako at nagpunta ng room.


Kinabukasan. Sabay-sabay kaming kumain kasama ang Blue Team kaya ang ingay nila. Sabay-sabay sila kung magsalita. Puro tawanan, asaran at kulitan ang nangyari, madaming naging close sila Shiela sa Blue Team dahil magkasing ugali lang sila, parehas na maingay. Nakikisali rin sila Juls samin at nawala na sa isip namin ang nangyari kahapon para sa ikabubuti ni Sun.

"Uy Krystal pwede daw ba manligaw sabi ni Kuya." sabi ni Zeke habang hawak ang cellphone nya.

"Nako Zeke hindi pumapatol sa lalaki itong si Krystal." asar na sabi ni Gail.

"Lesbian ka?" tanong ni Anya, tumango si Krystal sa kanya.

"Wooh!! hindi lang pala ako ang lesbian sa rookie eh!" natawa sila sa reaction ni PJ. Lesbian rin pala si PJ, hindi din halata kahit na parang kilos lalaki si PJ. Bakit kaya ngayon ang gaganda na ng mga lesbian, katulad na lang din sa mga magwagwapong lalaki na bakla.

"Out and proud ah?" nakangiting sabi ni Ella. Nahihiyang napakamot naman ng ulo si PJ.

"Sino naman ang nagugustuhan mo rito?" pilyong tanong ni Lexie. Namula naman agad si PJ at nagtago sa ilalim ng lamesa kaya natawa sila.

"Para ka rin si Krystal nung tinanong namin kung sino crush nya eh hahaha!─aray!" hinimas himas ni Maybelle ang braso nya nung hinampas sya ni Krystal.

"Bakit sino crush ni Krystal?" tanong ni Sun, imbis na sagutin ang tanong ni Sun ay nagtawanan sila dahil sa itsura ni Krystal ngayon na pulang pula.

"Nakakainis kayo!" padabog na tumayo si Krystal at naglakad paalis ng cafeteria pero napatigil din nang pumasok sila Avey.

"Sun! okay ka lang ba? may masakit ba sayo? sinaktan ka ba nila ng sobra?" sunod-sunod na tanong ni Nathalie habang lumalapit kay Sun.

"Okay lang ako." nakangiting sagot ni Sun sa kanya, mukhang hindi naman kontento si Nathalie sa sagot ni Sun pero hindi na sya nagtanong pa.

"Oh Krystal bakit ka namumula?" napatingin kami kay Sharm na kausap si Krystal, natawa sila Ashley nang makita na mumula ng todo si Krystal.

"Uy PJ lumabas ka na dyan nandito na sila Nathalie." natatawang sabi ni Anya, lumabas naman agad si PJ sa ilalim ng lamesa.

Melting Ice PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon