CHAPTER 6

77 13 12
                                    

SIR PANEL

THIRD PERSON POV:

Flashbacks (Before breaktime)

Labasan na ng mga estudyante dahil breaktime na. Sa isang bahagi ng school ay may isang tagong lugar kung saan nagtatagpo ang mga estudyante may bad records.

Habang masayang nakain ang mga estudyante. At ang iba naman ay napila para bumili ng makakain kabilang na don ang tatlong magkakaibigan na sina Ash, Krish at Josh.

"Sobrang haba naman!" Reklamo ni Krish habang napila.

Siya ang nasa likod nina Ash at Josh. "Hayaan mo na." Sagot naman sa kanya ni Ash.

"Oo nga, kesa naman na sumingit tayo. Tsaka malapit narin naman." Sagot naman ni Josh.

Tumaas naman ang kilay ni Krish sa sinabi ni Josh. "Anong malapit? Eh halos isang section pa ang nasa harap natin?" Sarcastic na sabi ni Krish kay Josh.

Napakamot batok nalang si Josh at si Ash naman ay natawa ng mahina.

"Hayst! Matagal pa naman. Kayo nalang muna pumila. May pupuntahan lang." Paalam sa kanila ni Krish.

Tumango naman ang dalawa sa kanya. Umalis na si Krish sa pila at nagpaalam sa guard para lumabas ng building ng mga Senior high.

"Ate Krish!"

Tawag ng isang bata mula sa likod ni Krish. Nilingon niya ito at tumakbo naman papalapit sa kanya ang bata.

"Oh, Jordan, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Krish sa bata.

Si Jordan ang bunsong kapatid ni Josh.

"Wala po, Ate. Naglilibot-libot lang po. Wala po kasi kaming teacher ngayon eh." Sagot naman sa kanya ni Jordan. "Kayo po, Ate? Bakit po kayo nasa labas?" Balik na tanong ni Jordan sakanya.

Umiling ng bahagya si Krish. "Wala naman. Kukunin ko lang sa clinic yung naiwan ko."

Kita naman ni Krish ang pagkunot noo ng bata at taka sa mukha nito. Natawa naman ng mahina si Krish. "Nakaraan kasi, dinala ako sa clinic ni Ate Ash at Kuya Josh mo dahil may naka bungguan ko non." Paliwanag naman niya sa bata.

*Krrriinnngggggg!!!*

Sabay na lumingon sina Krish at Jordan sa building ng mga Elementary.

"Ah, Ate una na po ako. " Paalam ni Jordan kay Krish. Tumango nalang siya sa bata kaya tumakbo pabalik ang bata sa building nila.

Mas mauunang mag-uwian si Jordan kesa kila Krish. Nagpatuloy sa paglalakad si Krish papuntang Clinic.

.
.
.

SA ISANG bahagi naman ay may dalawang taong magtatagpo sa isang bahagi ng buong school kung saan lahat ng estudyante at teachers ay busy sa pagbe-breaktime.

"Sir! Bitawan nyo po ako!!"

Naiyak na sabi ng isang estudyanteng babae. Hawak nito ang kamay ng gurong lalaki at pilit na tinatanggal ang mahigpit na hawak ng guro sa kamay niya at pilit kinakaladkad.

"Bakit?! Diba gusto mong makapasa?!" Giit na sabi ng guro sa estudyante.

"Opo!! Sir!, Gusto ko makapasa! Pero hindi sa ganitong paraan!!" Naiyak na sabi naman ng babaeng estudyante.

I FELL IN LOVE WITH YOU (WFML Series#3)Where stories live. Discover now