CHAPTER 3

91 15 11
                                    

MR. FERNANDEZ

KRISH'S POV:

Yes! Sabado na!

Nagpuyat ako kagabi dahil sabado kinabukasan at walang pasok kaya sinulit ko. Sa pagkakantanda ko ay nasa 4:59am na ako natulog kagabi --ay este kaninang umaga pala.

"Antok? Hahaha" natatawang sabi ni Mama.

Pupungas pungas kasi ako ngayon habang nakain ng almusal. Tipong tumutumba pa ang ulo ko at pipikit pikit pa ako dahil sa antok.

Hindi nga ako ginising ni Mama kanina pero inaantok parin ako. Lintik naman kasi! Bakit kasi ako nagigising ng maaga pagsabado! Kung kailan gusto ko matulog ng mahaba at marami dun pa ako nagigising ng maaga ng KUSA!

"HAHAHAHAHA!!!"

Malakas na tawa ni Mama kaya napa-tingin ako sa kanya. Parang nawala ang antok ko ng makitang nakatutok sakin ang phone ni Mama. Vinideohan ako ni Mama.

Ang lakas talaga ng amats ni Mama.

"Maaa!" Inis na sabi ko sa kanya. Mas lalong lumakas naman ang tawa niya. May pahampas hampas pa sa lamesa.

"Puyat pa more. Hahaha" pang-aasar niya pa.

"Maaa! Tigil mo nga yan!" Inis na sabi ko.

Natawa nalang siya bago ibaba ang phone. Napabugtong hininga nalang ako bago ituloy ang pagkain.

.
.
.

"Ma, baka magalit sila?" Tanong ko kay Mama. Ngunit hindi niya ako pinansin. Tuloy tuloy parin siya sa paglalakad.

Papunta kami ngayon sa kwarto ni Papa sa hospital. Pagpasok namin ay walang tao at bukod tanging si Papa lang.

Tsk. Tsk. Tsk. Walang bantay si Papa dito?! Anong klase!

Kita ko ang mga aparatong nakadikit kay Papa. May bendang nakapaikot sa ulo, sa paa, at sa braso. May parang hose na nakasuksok sa ilong niya para makahinga na nanggagaling sa oxygen tank. At kita ko din ang heartbeat monitor na ikinatayo ng balahibo ko.

Lumapit ako sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya. "Pa, gising ka na diyan.. pls" sabi ko sabay tulo ng luha ko.

"Pa, gising ka na... Hirap na hirap na si Mama, eh.." dagdag ko.

Ramdam ko ang paghamak ni Mama sa balikat ko. "Hon, gising ka na.." sabi ni Mama may Papa.

Nacoma si Papa simula nun pero anim na buwan ang lumipas ay hindi parin nagigising si Papa.

Napa-tingin ako sa pinto ang may narinig akong yabag ng paa kaya napa-tingin ako kay Mama na naka-tingin rin sakin. Lumapit si Mama roon at...

Saktong pagbukas ni Mama ng pinto ay....

*PAKKKKK!!!!*

Sumalubong sa kanya ang malakas na sampal.

"MAAAA!" Sigaw ko sabay hawak sa braso niya para ilayo.

"Ang kapal talaga ng mukha mong magpakita pa dito?!" Galit na sabi ni Mrs. Fernandez.

Bigla akong nakaramdam ng kirot ng marinig ko ang hikbi ni Mama. Tumingin ako sa mata niya at parang dinurog ang puso ko ng makitang umiiyak siya.

Hindi ko na mapigilan ang kamay ko at bigla nalang siyang sinampal ng malakas. Mo Nakita kong dumugo ang gilid ng labi niya.

Hinawakan ni Mama ang braso ko. "Nak!" Mahigpit ang hawak niya. "Tama na, Nak hayaan mo na!"

I FELL IN LOVE WITH YOU (WFML Series#3)Where stories live. Discover now