Chapter - 02

1.4K 27 2
                                    

Kazzlyn POV

Habang nag aayos ako may bigla na namang kumatok sa pinto ng silid ko. Tumayo ako sa pag kakaupo sa kama at binuksan ang pinto.

"Are you not done yet?" Yun agad ang bungad sakin ni Zyon pag bukas na pag bukas ko ng pinto.

"Tapos na rin ako. Aayusin ko na lang yung mga gamit ko." Sagot ko dito.

Tumango lang ito, hinintay ko pa ito na umalis. Pero ng mapag tanto ko na hindi ito aalis ay bumalik na ako sa kama para ayusin ito. Nang matapos ako ay sabay na kaming lumabas.

Napangiti ako ng makita ko si madam Catherine na nag aayos ng mesa kasama si nanay. Katatapos lang pala nilang kumain. "Good morning po, madam Catherine." Nakangiti kong bati dito. Sobrang ganda talaga niya, para siyang hindi tumatanda.

"Good morning din, Kazz. Kumain kana muna kaya bago ka umalis." Sabi nito.

Sasagot na sana ako ng biglang si Zyon ang sumagot para sa akin. "No need, sa office na lang kami kakain. Late na kami dahil dyan sa magaling mong anak!" Inis na sabi ni Zyon.

"Stop it, Zyon! I told you to go easy on her." Sabi ni madam.

"Sorry to say, pero hindi ko gagawin yan. Ikaw nga hindi mo madisiplina, kung hindi mo kaya Mom. Ako ang gagawa."

Bigla ko naman kinurot si Zyon sa likod dahil sa pag sagot ng ganon sa mommy niya. Napatingin ito sakin at napahinga na lang ito ng malalim. "S-sorry for my disrespect, Mom!" Pairap nitong sabi at nag lakad na paalis.

"Nako, madam Catherine. Pag pasensya mo na po ang panganay mo. Laging mainit ang ulo." Pilit na ngiti ang binigay ko dito sabay kamot ng ulo.

Napangiti naman ito ng matamis. "It's okay, hija. I understan-"

"Kazzlyn, let's go!!" Hindi na tuloy ang sasabihin ni madam ng sumigaw na naman yung kapre na yon.

Isinenyas niya ang kamay sakin. "Sige na, Kazz. Sumunod kana, baka mamaya magalit na naman iyon sayo." Sabi ni madam.

"Sige po. Nay, aalis na po ako." Dagdag ko pa at tumakbo na.

Pag karating ko sa parking lot, sumakay na ako sa sasakyan niya na 2024 Bentley Continental GT Convertible white color na nag kakahalaga ng $370,050 (20M plus) nakadepend pa yung price sa trim and options nito.

Bakit ko alam? Kase ako ang namili na'to, gulat kayo hano? Sobrang ganda ko naman para sa isang katulong tapos namimili pa ako ng sasakyan. I like cars, kulang na nga lang mag automotive ako kaso wala kaming pera pang paaral ng mga panahon na yon.

Bago lang ito last week lang ito binili ng kapre na'to, sinama niya ako at pinapili kung ano ang maganda. Kaya ayan ang sinabi ko. Habang bumibyahe kami nakabukas ang bubong ng sasakyan, nakashades naman itong
kapre na'to. Kay arte arte ba, habang ang kaliwa niyang kamay ay nakasandig sa pinto ng kotse. Basta imaginin ninyo na lang.

Nakarating na kami sa company, as udual nakaupo na naman ako sa sofa ng office niya habang nag iintay ng utos. Kulang na nga lang maging pillow na rin ako para hindi na ako makaalis sa lintik na sofa na'to.

Nakakainip, minsan habang nakaupo ako dito nakatitig lang siya sakin na parang tanga. Gandang ganda sakin pano. Crush pa nga ako na yan eme haahhahaha grabe ang pagiging delulu girl.

Habang nag mumuni muni ako dito may biglang kumatok kaya napatingin ako sa may gawing pinto. "Come in." Sabi ni Zyon habang seryosong nakatingin sa mga papeles na pinipirmahan niya.

Nang makapasok na ang kumatok, yung secretary lang pala niya. May dala itong pag kain nakastyro, pansin ko lang dito sa secretary ni kapre laging labas ang kaluluwa ng mga suot. Sabagay inaakit nga pala niya si kapre kaso ni hindi naman siya nito matapunan ng tingin. Sayang ang ootd niya ngayon, better lock next time.

Dapat next time ang isuot na lang niya sa dibdib niya ay nipple pad. Kulang na lang lumuwa yung dede niya sa suot niya at makita ang utong.

"Sir, this is your breakfast." Maarteng sabi nito.

"That's not mine." Sabi nito, inangat ni Zyon ang ulo niya at tumingin sakin sabay turo. "It's for my girlfriend." Pag katapos niyang sabihin iyon ibinalik na niya ang tingin sa mga papeles.

Dahan dahan naman nag lakad ang secretary niya papalapit sakin na naka simangot. Ang alam talaga niya girlfriend ako ni Zyon kase yon ang pakilala sakin ni Zyon dito sa company niya. Hindi nila alam katulong lang ako.

Kaya siguro ganon na lang din ang pag ka komportable ko sa kanya, hindi ako naiilang sa kanya o kung ano pa man. Alam ninyo yung feeling na masaya ako pag kasama siya, kaya rin siguro na sanay na ako sa kanya dahil sa pakikitungo niya sakin.

"Salamat." Nakangiti kong sabi sa kanya ng mailapag niya ang pag kain sa mini table.

Ngumiti ito pero halata mo naman sa muka niya na pilit ito, nahagip pa ng mata ko ang palihim niyang pag irap. Tapos mabilis itong lumabas na.

Pag labas na pag labas ng secretary ni Zyon bigla itong tumayo sa swivel chair niya at lumapit sakin. Naupo rin ito sa tabi ko. "Do you like the food?" Tanong nito.

Napakamot ako sa ulo. "Hindi ko pa nga nabubuksan, eh." Sagot ko sa kanya.

Napangiti naman ito at kinuha ang pag kain tapos binuksan niya. Ang gwapo talaga kaso ang sungit minsan. His pointed nose, his brown eyes and those eyelashes. Ang gwapo talaga.

"Ganon ba ako kagwapo para matulala ka sakin?" Napaigtad ako sa sinabi niya kaya dali dali akong nag iwas ng tingin.

"A-anong gwapo? Ang panget mo nga, eh." Pairap kong sabi tapos umayos ng upo at kinuha ang pag kain ko.

Palihim akong napangiti ng makita ang ulam, he really knows my favorite. It's Beef Broccoli. Nag simula na akong kumain sumabay na rin siya sakin. Ang ulam naman niya ay Cordon Blue with Garlic Mayo.

Napatingin ako sa pag kain niya, masarap din ang Cordon Blue gusto ko rin iyon. Kinuha ko ang kutsara ko at kinagat kagat ito. Manghingi kaya ako sa kanya? Kaso nakakahiya siya na nga ang nag bayad ng pag kain ko hihingi pa ako sa kanya.

"Here o!" Naistatwa ako sa kinauupuan ko ng bigla niya akong lagyan ng Cordon Blue.

Mabilis akong napatingin sa kanya. "B-bakit?" Takang tanong ko kay Zyon.

"Kanina ka pa kase nakatingin sa pag kain ko. You like Cordon Blue rin, I know." Wika nito. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya at itinuon na ang tingin sa pag kain ko.

"T-thank you." Nahihiya kong sabi.

"You're welcome."

lharaxsss

BS1: Zyon Barlowe 'The Perfect Love Story' (On-Going)Where stories live. Discover now