Hi. Crush kita. I'm not expecting you to return my feelings, gusto ko lang malaman mo na gusto kita. Ktnxz.Malalim ang paghinga ko at pilit na kinakalma ang sarili. Nanlalamig at nanginginig ang mga daliri ko habang nagtatype sa cellphone ko. Putangina, gagawin ko na talaga.
Pikit-mata kong pinindot ang send button kasabay ng sigawan, paputok, at torotot na narinig ko sa labas ng bahay bilang pagsalubong sa bagong taon. Halos sumigaw ako nang makita kong delivered na ang message ko kay Sky, ang crush ko simula pa noong grade 8 ako. Grade 11 na ako at ngayon lang napuno ang lakas ng loob ko na umamin. Oo, ganon katagal kong inipon ang lakas ng loob ko.
"Ginawa mo na?" Biglang bungad sa akin ni Ciara, ang best friend at pinsan ko, habang kumakain ng shanghai. Tuluyan siyang pumasok sa kwarto ko at hinablot ang cellphone ko para basahin ang chat ko.
"Tanga! Before New Year ka dapat magconfess! 12:05 na oh!?" Itinapon niya sa'kin ang cellphone at umupo.
"Kinabahan ako eh! First time ko kaya magconfess, tapos ang random ko pa!" Kinakabahan na sagot ko. Hindi naman kami close ni Sky. He's from another school and I only see him during Sports Meet every year. Sa tingin ko'y hindi niya nga ako kilala, naging friends lang naman kami sa Facebook dahil barkada niya si Ciel, ang kambal ni Ciara, at pina-accept ako sa kaniya noong 16th birthday ko. Bukod sa paminsan-minsang pagha-heart ko sa story niya at pagview niya sa story ko ay wala na kaming iba pang interaksyon. Oo, OA lang talaga ako na kinikilig tuwing navi-view niya ang story ko kaya't hanggang ngayon ay crush ko siya.
"Eh 'di hindi na kasama sa last year 'yang kagagahan mo 'te. Kasama na yan ngayong taon, pinakauna pa." Dagdag pa ni Ciara.
"Paano kung di niya ako replyan?! O maweirduhan siya sa'kin?!" Kinagat ko ang labi ko habang nakatingin sa conversation namin.
Aba, hindi naman ako basta-basta nagcoconfess sa mga naging crush ko. Well, hindi ko naman masyadong crush ang mga 'yon, konti lang. Si Sky 'yong crush ko na hindi ko tinigilan maging crush kahit pa may mga iba na akong naging crush. Kumbaga, original. Isa pa, crush lang naman ang mga 'yon dahil wala akong balak magkaroon ng boyfriend noon. Pero ngayon, may balak na ako. Malapit na ako magcollege, gusto ko rin naman maranasan ang high school love life 'no. Kailangan ko'ng magconfess para naman makapagmove on na ako kung sakaling ayaw niya sa'kin.
Pero halos sampung minuto na ang lumipas ay hindi niya pa rin sine-seen ang message ko. Hindi siya online. Leche, nabusog na ako't lahat-lahat, hindi pa rin siya nagrereply? Tulog ba 'to?
"Chill ka nga lang. Baka maraming bumabati sa kaniya. Palibhasa kasi 'yang account mo, may sapot na."
"Pero bakit ang tagal?!"
"Bakit 'te, gf ka ba niya?! Gusto agad-agad ang reply?" Pamimilosopo ni Ciara sa akin kaya inirapan ko siya bago kumuha ng isa pang shanghai. Imbes na mag-ingay sa baba ay nagmukmok ako dito sa kwarto para umamin kay Sky.
"Ano ba yan." Nguso ko at ibinaba ang cellphone ko. Nagpatuloy na lamang ako sa pagkain at sumusulyap-sulyap sa cellphone ko para sa notifications. Halos tumalon ako sa kama nang may nagnotify sa akin mula sa Messenger.
"Tangina mo, Ciel. Umakyat ka dito kung babatiin mo lang ako!" Sigaw ko kay Ciel mula sa balcony na ngayon ay nakikipagchismisan kila tito.
BINABASA MO ANG
A Chance With Me
Teen FictionAfter confessing to her long-distance crush and getting no response, Thanaia had no choice but to move on. But when he moved to her school, she knew it was fate's play. So she decided to take a chance once again. After all, second chances wouldn't h...