Chapter 2

7 0 0
                                    


"May club ka na?" Malapad ang ngiti ko kay Ciara na ngayon ay nagsusulat ng notes. Sandali niya akong tinapunan ng tingin, "Kung pipilitin mo ako sa Sports club, ayoko pa rin."

Sumandal ako sa upuan at sumimangot, "Bakit kasi ayaw mo? Maganda naman dun ah! Dami pang members, hindi ka lugi sa contribution!"

"Anong 'di lugi? Alam ko'ng barat mga tao doon. Isa pa, siksikan tuwing registration." Pagdadahilan niya. Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Wala kaming klase at registration ng clubs ang ganap ngayong hapon.

Simula pa noong junior high school ay sa Sports club na ako o di kaya'y sa English club habang si Ciara naman ay loyal sa Math Club.

"Samahan mo na lang ako!" Pagpupumilit ko sa kaniya. Kailangan ko ng bagong mukha sa club namin. Nakakaumay na lalo't pare-parehong mukha lang ang nakakasama ko tuwing Intramurals.

"Ah basta. Ayaw ko." 

Bagsak ang balikat kong naglakad papunta sa classroom kung saan ang registration ng Sports Club. At wala nang pinagbago, nagkakagulo nanaman sila sa paglilista ng pangalan. Naabutan ko si Brent ng ABM na busy batukan ang mga lower years na sumisingit sa pila pero habang ginagawa niya 'yon ay naglalakad na siya papunta sa harap.

"Oy, oy, oy. Dagdag singil kayo sa'kin mamaya!" Duro niya. Nang makita niya ako ay nagpeace sign lang ako bago lumapit sa kaniya.

"Ba't ka nandito?" Bungad sakin ni Gabriel ng ABM na siyang nagpapalista ng mga estudyante. Sa bandang huli namin inililista ang pangalan namin dahil suki naman na kami ng Sports Club. At dahil grade 12 na kami, makapal na ang mukha nilang pumapel sa club.

Hindi ko siya pinansin at hinanap ang papel para sa registration ng grade 12. Lumapad ang ngiti ko nang makita ang pangalan ni Sky na nakalista. Grabe, ang galing ko talaga. Tama ang hula ko, sa sports club talaga siya!

"Uy, nandiyan si Sky sa loob?" Excited na tanong ko kay Brent bago sumilip sa loob ng classroom. "Wag mo na pagtangkaan, tol. Nananahimik yung tao."

"Tangina mo, nagtatanong lang?" Sagot ko at inirapan silang dalawa. "Diba dapat si sir Jerro nagpapalista? Bida nanaman kayo."

"Naya, syempre grade 12 na tayo. Main character na. Hari na ng school." Sagot ni Brent na nagpapogi pa.

"Asim niyo." Sagot ko at nilibot ang paningin. "Oh, asan si Ciel?"

"Nagbebe time kasama si Langit."

"Tinatago sayo 'yong tao."

"K." Inirapan ko sila at dumiretso na papasok ng classroom para maghanap ng upuan. Nadatnan ko si Ciel at Sky na magkatabi't nagtatawanan sa gilid. Imposible na hindi siya magpalista sa Sports Club dahil basketball varsity siya noong junior high school at tropa niya sila Ciel.

Inayos ko ang buhok ko bago lumapit. Pagkatapos ng nangyari last week ay nagkaroon ako ng lakas na loob na lumapit-lapit na sa kaniya. Sa tingin ko'y naweweirduhan siya sa'kin pero okay lang! Kahit pa mamatay-matay ako sa hiya ay wala na akong magagawa. Gaga kasi si Ciara, sulsol!

"Hi, Ciel." Plastik na ngiti ko at mahinhin na winagayway ang kamay. Syempre, magpapakaplastik nanaman ako ngayon. Nandiyan crush ko eh!

"Oh, ba't ka nandito?" Tanong ni Ciel nang makalapit ako. Hindi ko siya pinansin at binaling ang tingin ko kay Sky na nakatingin sa'kin. Ba't nya ako tinitignan? Siguro nagagandahan na siya sa'kin? Char!

"Hi, Sky. Sa sports club ka rin pala." Bati ko sa kaniya. Syempre, feeling close na ako sa kaniya. Makapal mukha ko eh.

"Malamang, nandito nga. Magtaka ka kung sa English club 'yan." Pamimilosopo ni Ciel kaya inirapan ko siya. Napakasarap talagang tirisin ng mokong na 'to kahit kelan. Sobrang papansin!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Chance With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon