Chapter 1

20 1 6
                                    


"Tangina kasi, ba't ba ako nag STEM?" Bulong ko sa sarili habang nakatunganga sa white board na puno na ng equation ngayon sa Basic Calculus. Siraulo din nagpangalan sa subject na 'to eh, wala namang 'basic' sa Basic Calculus.

"Kasi undecided ka sa college course mo, be." Sagot ni Ciara habang nagsusulat. "Makinig ka na kasi."

"Hindi ko rin naman maiintindihan, ituro mo na lang sa'kin mamaya." Sagot ko at nginitian siya. Inirapan niya ako bago inabot ang oslo paper na nakatago sa ilalim ng notebook niya. Alam ko na 'to. Papagawa nanaman ng Drafting. Aba, aaminin ko'ng may pagka-bobo ako sa Math, pero proud naman ako sa drawing skills ko!

"Basta tapusin mo Drafting ko."

"Oo na, tapos kiss mo rin ako." Pang-aasar ko at kinindatan siya, dahilan para mandiri siya sa'kin at lumayo.

"Tangina mo 'te, straight ako."

"Damot mo naman!" Sagot ko pero mukhang malakas ang pagkakasabi ko dahil biglang tumigil sa pagsasalita si sir Gino.

"May gusto ka bang sabihin, Ms. Aquino?"

"Wala sir, hehe." Tipid akong ngumiti bago nagkunwaring may cinocompute sa scientific calculator ko mula sa board.

"Bobo ka, may takip pa."

Agad kong ibinaba ang scientific calculator nang marinig ko si Ciara. Punyeta. Basta talaga sa Math, sabog ako. Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay sa Math subjects sa Architecture pagdating ng college pero problema na 'yon ng future ko. Poproblemahin ko muna ngayon kung paano ako makakapasa sa mga nakakamatay na subjects ko ngayong grade 12. At hindi lang dapat ako makapasa, kailangan ko pa rin magkaroon ng high or highest honor ngayong school year dahil graduating na kami. Mukhang mas mauuna pa akong mamatay kesa matapos ang taon na 'to.

Magkakasama ba naman ang Basic Calculus, General Physics, at General Chemistry sa isang sem? Bastusan talaga sa school na 'to eh. Noong makita ko ang schedule namin bago ang pasukan ay gusto ko'ng magdabog, pero syempre hindi ko na gagawin yun ngayon dahil may inspirasyon na ako. Kahit pa magkakasunod ang pamatay na subjects ay ayos lang sa'kin. Aba, isang tingin ko lang sa likod, lumiliwanag ang paningin ko! Basta't hindi niya ako mahuli na nakatingin, all goods!

"Paawat ka na 'te, baka matakot na yan sayo." Sita sa'kin ni Ciara habang malalim ang tingin ko kay Sky.

Hapon na kaya naglilinis sila ngayon, nakatayo kaming dalawa sa tabi ng pintuan habang kumakain ng siomai. Mainit sa loob ng classroom kaya naman nasa labas kami. Pero bakit 'yong si Sky, naglinis na't lahat-lahat, fresh pa rin tignan? Ang hirap igatekeep ng lalaking 'to, pogi masyado! Tatlong linggo pa lang siya dito sa school pero may nalalaman na kaming nagbibigay ng love letter sa kaniya!

"Bakit hindi mo lapitan?" Tanong niya bago tinapon ang lalagyan ng siomai sa basurahan. Iniwas ko ang paningin nang makitang tumingin si Sky sa gawi namin.

"Kahiya." Sagot ko bago ibinalik ang tingin sa kaniya.

Tatlong linggo na akong nakakaramdam ng hiya dahil tuwing nakikita ko siya ay naaalala ko ang confession ko na nauwi lang sa wala. Ang tanging beses na nag-usap kami ay noong may tinanong siya sa'kin sa General Biology namin. Gusto ko pa sanang makipagchikahan kaso naunahan ako ng hiya. Bakit ba kasi ganon? Hindi naman ako shy type. Sa ibang mga kaklase naman namin ay makapal ang mukha ko, pero sagad ang pagpapakademure ko pag nandiyan siya.

"Out of character ka na 'te."

"Hindi ah! Puro malayo naman kasi 'yong mga naging crush ko 'no. Bago 'to!" Pagtatanggi ko.

"Kanina sa Filipino, 'di ka nakipagdiskusyon kay sir Jerro. Dati kahit 'di ka sure sa mga sagot mo, nagrerecite ka pa rin." Panimula niya kaya natigilan ako.

A Chance With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon