Chapter 1

8 0 0
                                    

Naegi's POV

...

"Pre, Kyouko nga pala." -pinapakilala ko si Kyouko kay Togami. Ewan ko. Hindi ko alam. Nag-aalangan man ako, pero ito na ata ang pinakamabisang paraan para layuan ako ni Kyouko. Ayoko lang siyang umasa at masaktan.

"A-ha?" -Hindi ko rin masisi 'tong si Kyouko kung nagulat man siya. Biglaan lang kasi na hinila ko siya at sinabing may ipapakilala ako sa kanya. Isang gabi ko rin 'tong pinag-isipan. Naaawa lang naman kasi ako sa kanya e.

"Mm. Nice to meet you." -mahinahon at sobrang seryosong sagot ni Togami. Ni hindi man lang niya nginitian 'tong si Kyouko. At sigurado akong magagalit siya sakin mamaya dahil inistorbo ko nanaman ang pagbabasa niya sa paborito niyang bench dito sa school.

"Kyouko, this is Togami, Togami this is Kyouko. Shake hands naman kayo!" -utos ko sa kanila na agad naman nilang sinunod, at sa wakas, ngumiti narin si Togami.

"Sige. Bahala na kayo diyan ha?" -at iniwan ko na silang dalawa dalawa 'don habang si Kyouko ay gulat na gulat parin.

...

Kyouko's POV

...

Grabe naman yun si Naegi! Kakakilala ko lang kay Togami, iniwan niya na agad ako dito kasama 'tong napaka-seryosong lalaking 'to. As-in talaga yung pagiging seryoso niya. Ako yung nakakaramdam na para akong invisible e. Pano ba naman. Magkatabi nga kami, kinaka-usap niya ba ako? HINDI! Halos hindi niya nga ako tinitignan e. Nakatuon lang yung mata niya 'don sa libro. Gusto ko sanang mag-open para sa kwentuhan, pero nahihiya ako. Di kasi ako ganun ka-friendly. Ayoko nang sabihin kung bakit.

Tumayo na ako at tumalikod sa kanya. Handa nang maglakad para maka-alis na dito sa nakaka-OP na lugar na'to.

"Alis ka na? Hindi pa tayo nakakapag-kwentuhan ah?" -Natigilan ako sa sinabi niya. Ngunit napansin ko din na hindi niya lang man ako tiningnan habang sinasabi niya 'yon. Teka? Bakit bumibilis tong tibok ng puso ko? Napapa-hawak ako sa kung saan-saang parte ng katawan ko.

"May problema ba?" -tanong niya saken. Pero this time, tiningnan niya na ako.

"E-hehe. Wala. Ano. Alis na yata ako, May review-hin pa ako e. Sige ba-bye na. Teka. Anong nga palang name mo ulet?" -haysss! Grabe. Nakaka-tense syang kausap. Nagdere-deretso tuloy yung mga sinabi ko tapos naging FC pa ko. -_-

"Togami." -at nag-smile na siya saken.

"Sige Togami, ba-bye na." -sabay kaway sa kanya at nag-simula nang mag-lakad.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Liar and His LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon