CHAPTER 1

0 0 0
                                    

Halos apat na oras straight ang tulog ko,nakakapagod ang byahe medyo malayo rin itong pinag bakasyunan namin.Parang kahapon lang ay masaya kami ng mga kaklase ko habang tinatanggap ang mga medal namin,ngayon nagkahiwalay kami dahil aalis din naman kaming lahat para sa bakasyon.
Mag aalas-Singko narin ng hapon kaya medyo papalubog na ang araw,hindi ako masyadong nahuhumaling sa ganda ng papalubog na araw,hindi katulad ng mga kaibigan ko madalas nga ay kinukunan pa nila ng picture ang sunset.Para sa akin,mas maganda ang busilak ng pag-angat ng araw,mas ito ang gusto kong nasisilayan at talagang namamangha ako rito.
"Ma pwede po bang mamasyal ako sa seashore? gusto ko rin po ng buko" paalam ko kay mama.Hindi ko na hinintay ang sagot nya at kinuha ko na ang cardigan ko,medyo lumalamig narin kase ang simoy ng hangin sa dalampasigan.

Hindi pa ako nakaka layo sa hotel ng maalala kong hindi pala ako nakapag suot ng medyo mahabang pants,ansabi naman ni papa ay ayos lang na mag shorts ako rito dahil beach naman ito.Mabuti nalang at hindi ko nakalimutan ang wallet ko,andami kong nakikitang mga stall na may mga masasarap na pagkain,saka nalang ulit siguro ako mag-dadiet kapag pasukan na.Hindi pa ako nagugutom kaya sinamantala ko ang paglubog ng araw, totoo nga maganda nga talaga ito.Ewan ko ba kapag nasasaksihan ko ang papalubog ng araw may kung anong kurot ang meron sa puso ko,minsan pa nga ay napapaluha na lang ako habang minamasdan ito.

Napansin ko ang isang bagay na lumulutang pabalik balik sa baybayin,medyo kumikinang pa ito kapag natatamaan ng sikat ng araw,isang maliit na kabibeng kulay lila,ngayon ko lang nalaman na may iba't ibang kulay pala ang kabibe.Kinuha ko yun at inilagay saking bulsa, pagkatapos ay bumili ako ng fresh na buko juice sa isang stall.

Hindi ko alam bakit ba grabe makatitig ang tindera, medyo naiilang ako at parang gusto ko syang tanungin kung may dumi ba ako sa mukha.Paalis nako pero ramdam ko parin ang pagtusok ng mga tingin nya sa akin,ipinag walang bahala ko nalang ang bagay nayun.

Titingnan ko na sana ang oras pero nakalimutan ko pala ang cellphone ko,sa tingin ko ay alas sais y media palang naman.Ang sarap sa tenga pakinggan ang tunig ng alon nakaka akit, tinanggal ko ang tsinelas ko at dali daling binasa sa dagat ang mga paa ko, napakasarap sa pakiramdam.Naaninag ko ang pigura ng isang taoay kalayuan sa pwesto ko, nakatingin lang sya sa dagat at mukhang malungkot.Bigla kong naalala ang lalaking nakita ko sa fast food chain kahapon, medyo nalungkot ako dahil sa kabila ng kasiyahan ko,ay mga tao palang katulad nila na malungkot pakiramdam ko tuloy ay wala akong karapatang sumaya.

Ipinilig ko na lang ang ulo at sinamantala ang pag hampas ng maliliit na alon sa paa ko,hindi pa ako nasiyahan at tumakbo takbo pa ako,nakipaglaro ako sa alon hindi ko mawari ang sayang nararamdaman ko,pero sa pagiging abala ko sa paglalaro hindi ko napansin na may mga maliliit palang coral reef ang nasa dalampasigan,naapakan ko yun at sa tingin ko ay nasugatan ako.Napatili pa ako dahil sa sakit,napaupo na ako sa buhangin hindi ko makaya ang tumayo mag-isa sa sitwasyon kong to.

Pinapaypayan ko ang maliit na sugat sa paa ko ng maramdaman kong may presensya sa aking likuran,hindi ko ito nilingon kase medyo natakot ako sa makikita."Gabi na,dapat ay hindi kana pinapayagan ng mga magulang mong lumabas at gumala kung saan" isang malalim ngunit buong tinig ang nagsalita mula sa likuran ko,napataas pa ang balikat ko sa gulat.Nakakatakot ang boses nya, pakiramdam ko lulunurin nyako imbis na tulungan.

Lumingon ako pero hindi ko sa kanya tinuon ang mga mata ko, hinagilap ko ang lalaking nakita ko kanina bago ako maglaro,wala na sya doon.Mas lalo akong kinabahan kung magkataon ay walang makakakita sa gagawin nyang masama sa akin."Kaya mo bang tumayo?" marahan ngunit sa malalim na tinig nya pa ring tanong.Sa pagkakataong yun tiningala ko na sya para makita ko ang buong mukha nya,dumidilim na pero na-realize ko na sya yung lalaking nakita ko kanina pa.Medyo naguilty ako kase pinag isipan ko sya ng masama,normal lang naman yun para sa isang dalagitang tulad ko.

Natulala pa ako sa mukha nya,matangkad sya.Sa ngayon yun lang ang masisigurado ko kase madilim,hindi ko masyadong makita ang mga features nya.Tumango nalang ako bilang sagot,sinubukan kong tumayo pero muntik nakong matumba,buti nalang at nakahawak ako sa manggas ng jacket nya.Medyo nagulat pa sya sa paghila ko.

Inalalayan nya ako sa paglalakad, pumunta kami sa pinakamalapit na stall."Manang may tinda po ba kayong band aid at alcohol?" tanong nya sa tindera.Medyo kinabahan ako kase malamang iiyak ako sakit dahil sa alcohol,lalo na nung iniabot ng tindera ang alcohol at band aid sa lalaki.Napasinghap ako,at parang napansin nila ang reaksyon ko."Hindi mo na babayaran yan hijo, tulong ko nalang" sabi ng tindera sabay ngiti.

Tumango ang lalaki at sumulyap sa akin,pinagpawisan na ako ng malamig,mas masakit pa ata ang paglagay ng alcohol kesa sa mismong sugat."May problema ba?" tanong nya sakin.Tumingin ako sa tindera na nakatingin din samin "Manang,wala ho ba kayong betadine jan?,sa tingin ko ay yun ang mas mabisang panlinis ng sugat" hindi ko pwedeng aminin na takot ako sa alcohol,nakakahiya!

Napahagikgik pa silang dalawa ng sabay saka tumango ang tindera at umalis."Hindi ka naman siguro natatakot sa paglagay ko ng alcohol sa sugat mo ano?" sabi ng lalaki at ngingiti ngiti pa,medyo nairita ako."Bakit naman ako matatakot isa lang naman yung uri ng tubig na pinanlilinis sa sugat,ang sa akin lang ay gusto kong gumaling agad ang sugat kaya't mas mabuting mabisa na ang gamitin" sabat ko naman."Pero mabisa rin naman ang-" hindi nya na natuloy ang sasabihin dahil tinitigan ko na sya ng masama,sakto namang dumating ang tinderang may dalang betadine.

"Paano pala kita maihahatid sa inyo?" tanong ng lalaki,oo nga pala malamang ay nag aalala na sila mama at papa."Ahhm hindi na kailangan maliit lang naman ang sugat kaya kaya ko ng umuwi samin." sagot ko."Dito ka lang ba nakatira?",bakit ba andami nyang tanong.Gusto kong sabihin na hindi ako sumasama at nakikipag-usap sa mga hindi ko kilala,pero kasi tinulungan nya ako,pero hindi ko parin sinagot ang tanong nya.

Malapit nako sa entrance ng hotel ng makita sina mama't papa na kinakausap ang guard,pakumpas kumpas pa ang kamay ni mama na parang may tinuturo na direksyon.Nag hiwalay na kami ng landas ng lalaking yon, ni hindi man lamang ako nakapagpasalamat,hindi ko man lang natanong ang pangalan nya.Bakit nga ba kailangang malaman pa ang pangalan,naku hindi ko intensyon ang makilala pa sya.

Palapit nako ng makita ako ni papa,kita ko agad ang pag aalala sa mukha nya,kinalabit nya si mama para sabihin na andito nako.Tumakbo agad papalapit sakin si mama saka mahigpit na niyakap."Riha anak,naku bata ka san ka ba nagsusu suot? ang sabi mo ay sa dalampasigan ka lang?",nag aalalang tanong pa ni mama,sabay haplos sa pisngi ko."Mama papa totoo pong sa dalampasigan lang ako,nasugat po ako sa paa kaya natagalan,mabuti at may tumulong sa akin" mahinahon kong paliwanag.Kita naman ang pagkawala ng alala sa kanila."Halika na para matingnan yang sugat mo at magamot,ikaw talagang bata ka,napakapasaway!" naiiling na sabi ni mama, napalingon pako kay papa saka kinindatan,hindi ko tuloy napigilan ang matawa."intindihin mo nalang ang mama mo anak, sobrang mahal kalang namin" sabi ni papa habang ginugulo ang buhok ko,napa tango nalang ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 21 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SINCE DAY ONE Where stories live. Discover now