🌷Chapter 1🌷

344 2 0
                                    

Dreams United

In a cozy town surrounded by hills, two high school students, Kalina and Kiel, live their everyday lives. They have no idea that something mysterious is about to bring them together in a surprising twist of fate.

Malalim na ang gabi at humiga na si Kalina sa kama nya, nakaugalian na niyang mag-imagine bago matulog at lagi niyang ini-imagine and dream boy nya. Dahil nga sa mataas standards nya pagdating sa lalaki eh dinadaan nya nalang sa imagine. Nang pumikit na siya ay inimagine na nya and dream boy niya.

Lagi niyang ini-imagine ay matangkad, maputi, mayaman, mabango, pogi na cute, matangos ilong, may kotse, family oriented, mabait, caring, at higit sa lahat walang bisyo. (Kakanood nya kasi ng Kdrama yan kaya mataas standard akala nya may mahahanap pa syang ganon)

Sa parehong oras ng gabing iyon ay nag-iimagine din si Kiel ng babaeng gusto nya at ang gusto niya ay yung cute na singkit, small, short hair, smart, medyo madaldal na maingay, and just a simple girl. At iniisip pa ni Kiel nung gabing yun na sana katabi nya at kayakap nya yung girl na ini-imagine nya.

Kaka-imagine nilang dalawa ay di nila namamalayan nakatulog na sila.

Naunang nagising si Kiel at medyo lutang pa kaya pagkamulat nya nang mata nya ay may katabi sya akala nya nananaginip lang sya kaya niyakap nya ito at pumikit uli, sa pagyakap nya ay tila parang totoo ung yakap yakap nya kaya dinilat nya uli mata nya para masiguro nya na hindi sya nananaginip, pagkamulat niya ay kinuskos nya mata nya baka namamalikmata lang sya. Sa pagkuskos ni Kiel ng kanyang mga mata, unti-unti niyang narealize na hindi ito panaginip. Totoo nga, may katabi siyang babae na hindi niya kilala. Napabalikwas siya sa gulat at bigla itong bumangon mula sa pagkakahiga.

Ang kwarto ni Kiel ay modern at minimalist. Ang colors niya ay cool blues.

Yung bed, sleek ang frame at neat ang bedding na iba't-ibang shades ng blue. May crisp white pillows na nagko-contrast sa blue duvet, creating a harmonious look. Sa ilalim ng kama, may soft rug na nagdadagdag ng coziness sa wooden floor.

Sa tabi ng kama, may simple pero stylish nightstand na may modern lamp, perfect for late-night reading. Malaking bintana na may sheer white curtains ang nagpapasok ng natural light, giving it a bright and airy feel. May dark blue drapes din for privacy.

Ang study area ay neat na arranged sa tabi ng bintana, may compact desk at sleek black chair. Ang desk ay clutter-free, ideal for work or study. Built-in shelves at cabinets sa isang wall, puno ng books, decor, at essentials, keeping the room clean and organized.

"Who are you? Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?" sigaw ni Kiel, halata ang kaba sa boses.

Nang marinig ni Kalina ang boses ni Kiel, napalakas ang tibok ng kanyang puso at bigla siyang tumayo at napaisip kung paano siya napunta sa kwarto nito. "Ano'ng nangyari? Nasaan ako? Sino ka?" ang sabay-sabay na tanong ni Kalina, naguguluhan din sa nangyari.

"Hoy magnanakaw ka no?" pasigaw na sabi ni Kiel
"Hell no! Over my dead body no" sagot ni Kalina

Sa gitna ng kanilang kaguluhan, biglang naalala ni Kalina na exam day nga pala ngayon. "Oh no, exam day ngayon!" bulong niya sa sarili na nag-aalala.

Napansin ni Kiel ang biglang pagiging tense ni Kalina. "Is there a problem?" tanong niya.

"ah kas... kasi exam namin ngayon" sabi ni Kalina

"Teka-teka nga nasaan ba ko? anong lugar to? at anong oras na ba?" Tanong ni Kalina

"Chill ka nga lang, 6 am na and you are here in my room, and you are here in Pampanga" sagot naman ni Kiel sa mga tanong ni Kalina

Dreams United (Tagalog Version)Where stories live. Discover now