🌷Continuation🌷

61 0 0
                                    

The long wait is over!ෆ˙ᵕ˙ෆ

______________________________
Nakauwi na si Kalina at dahan-dahan niyang ipinasok ang motor sa loob ng bahay nila para hindi magising ang mga tao. Matagumpay naman niyang naiparada ito at bumalik sa pagtulog.

"Kalina? Kalina? Kali?" katok ng tita niya sa mini-house niya.

Nagising naman si Kalina at sumagot, "Po, tita?"

"Mag-breakfast ka na. Hindi ka daw magising ni Manang kaya ako na ang gumising sa'yo. Oh, sumunod ka na dun ah," sabi ng tita niya at umalis na kaagad.

Ang kuwarto ni Kalina ay hiwalay sa bahay at wala itong kitchen—parang kuwarto lang talaga ito. Doon siya nakikigamit ng kitchen sa family house nila, kung saan nakatira ngayon ang tita niya. Marami namang kuwarto sa family house nila pero mas gusto ni Kalina doon sa labas. Ang mga magulang ni Kalina ay nakatira sa Canada kasama ang nakababatang kapatid niya dahil doon na ito ipinanganak. Dalawang taon pa lang ang kapatid niya.

Actually, kinukuha na rin siya ng mga magulang niya sa Canada, pero ayaw ni Kalina. Tatlong beses na rin siyang nagbakasyon doon. Tuwing Pasko at Bagong Taon, umuuwi naman ang mga magulang niya para mag-celebrate, at kasama rin nila sa Canada ang lolo at lola niya sa father's side. May maliit silang negosyo dito sa Pilipinas at ang tita niya ang nagma-manage dahil siya lang ang nandito sa Pilipinas. Ang iba pa niyang tita at tito ay nasa Japan at may mga pamilya na rin doon.

Habang kumakain siya ng breakfast, nag-ring ang phone niya. "Ah, excuse lang po," sabi niya at lumabas siya para sagutin ang tawag.

"Uhm, hello? Sino 'to?" sagot niya sa tawag.

"This is Kiel. Let's meet today and I'll pick you up mga 9," sabi ni Kiel kay Kalina.

"Hoy, 'wag mo na akong sunduin! Baka makita ka pa, ano pa isipin nila. Tsk. Just text me the address na lang kung saan tayo magmi-meet," sagot niya at pinatay ang tawag kay Kiel sabay kusilap.

Pagkatapos patayin ang tawag, napatitig si Kalina sa phone niya. Naguguluhan siya sa nangyari kaninang umaga—paano sila muling nagising na magkasama? Hindi niya maiwasang mag-isip ng kung ano-ano habang bumabalik sa lamesa para tapusin ang kanyang pagkain.

Lumabas na siya para magtambay sa terrace nila kasama ang pinsan niya. Umupo muna siya doon at nag-mumuni muni dahil napakaganda ng tanawin puro puno at halaman at malawak na bukid, napaka-fresh pa ng hangin.

Maya-maya lang ay lumabas ang tito niya at tinanong ni Kalina kung anong oras ito aalis "mga 9 pa naman" sagot ng tito niya "ah sabay na po ako tito may gagawin po kasi ako sa bayan eh" sabi naman ni Kalina at umoo naman ang tito niya

Ilang minuto lang ay naligo na si Kalina at habang nagsusuklay, napangiti siya at namumula ang pisngi niya at iniisip yung pagyakap niya kanina kay Kiel. "Bakit koba naisip yun? Tsk" bulong niya sa sarili.

Pagdating niya sa meeting place, nakita niya si Kiel na nakatayo sa gilid, nakatingin sa malayo. Napansin niyang seryoso ito, na tila nag-iisip ng malalim.

"Hey," bati ni Kalina habang naglalakad palapit sakanya

"Hey," sagot ni Kiel, ngumiti ito pero halatang may inaalala.

Tahimik silang naglakad papasok sa isang café. Nang makahanap sila ng mesa, agad na umorder si Kiel ng kape para sa kanilang dalawa. Habang naghihintay, hindi maiwasang magtanong si Kalina.

Habang hinihintay nila ang kanilang kape, napansin ni Kalina ang kakaibang katahimikan sa pagitan nila. Pasulyap-sulyap siya kay Kiel, na tila malalim ang iniisip.

“Are you okay lang?” tanong ni Kalina, breaking the silence.

Nagising si Kiel mula sa pag-iisip at tumango. “Yeah, just thinking about this morning. It’s really weird, right?”

Bumuntong-hininga si Kalina at sumandal sa upuan. “Super weird. I mean, hindi naman ito yung first time na nangyari, pero nakakakilabot pa rin.”

Bago pa makasagot si Kiel, biglang bumukas ang pinto ng café at pumasok ang group of people na nagtatawanan at nag-uusap nang malakas. Nanlaki ang mata ni Kalina sa gulat nang makilala ang mga ito—mga kaibigan niya.

Napatigil si Kalina. "Oh no! Nakalimutan ko na may usapan pala kami kahapon!" bulong sa sarili

"Hi, guys!” bati ni Kalina, pilit na ngumiti, trying to act like she hadn’t forgotten their plans.

“We’ve been looking for you! Akala namin late ka na naman!” sabi ni Elysia, sabay kurot kay Kalina.

"Uh, yeah, sorry! Got caught up with something lang,” Kalina replied, sabay tingin kay Kiel na parang nagso-sorry.

“Oh my gosh, you totally forgot, didn’t you?” biro ni Lyra.

Napatawa si Kalina, medyo kinakabahan, “Aminado na ako, I kinda did! But look, I’m here now, right?”

“Good thing we decided to meet here. You’re lucky!” sabi ni Elysia, habang hinihila ang isang upuan. Sumunod naman ang iba pa nilang friends, at nag-umpisa nang umupo sa paligid ng mesa.

Habang nagse-settle in na ang lahat, tumingin si Lyra kay Kalina at nagtanong, "Ikaw ah, you didn't tell us na may date ka today?”

Naramdaman ni Kalina na umiinit ang mukha niya at mabilis niyang iniiling ang ulo. “Hala, wala! We’re just, like, talking.”

Napangiti si Elysia, “Talking? Kasi you guys look kinda, you know, close.”

Natawa si Kiel, na ngayon ay medyo relaxed na. “Nothing to hide, just some strange morning events.”

"Hello, cutie alam mo hindi interesado sa boys si Kalina kasi ang gusto eh yung napapanood sa mga kdrama eh baka tumandang dalaga nga yan eh" biro naman ni Elysia kay Kiel

"Huy ano kaba masyado mo namang ine-expose" Sabay kurot ni Lyra kay Elysia at nilakihan niya ng mata ito sabay ngiti

Before the teasing could continue, their coffees arrived, and the group quickly shifted to their usual kulitan and kwentuhan. Kalina was relieved by the change of topic, but she couldn’t help but feel a little embarrassed for forgetting their plans.

Habang nagkwekwentuhan ay nahuli ni Kalina si Kiel na nakatingin sakanya at nailang si Kalina. "Uh guys may lakad pa daw si Kiel eh? diba Kiel?" sabi ni kalina na nagsisinungaling mapaalis lang si Kiel.

"Huh? Sino nagsabi? I'm totally free today" Sagot naman ni Kiel at tumawa

"Eh yun naman pala eh" sabat naman ni Elysia

Napakusilap nalang si Kalina at uminom nalang nang kape.

~End of Chapter 2~
Thank you lilac fam for supporting my story!⋆。˚ ☁︎ ˚。⋆。

☆You can leave comment for recommendations or your insight about my story☆

(what should I need to improve?)

Dreams United (Tagalog Version)Where stories live. Discover now