Chapter 16

315 9 0
                                    

CHAPTER SIXTEEN

"ARE YOU even serious with this?" Mula sa daan ay inilipat ni Bart ang tingin kay Samantha na nakaupo sa passenger seat ng minamaneho niyang Ferrari. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pang magtanong nang ganoon ng babae samantalang pumayag na ito sa hiling niya at sa katunayan ay papunta na sila sa mansiyon kung saan naroon si Aera. Nag-message kasi sa kanya ang ex-girlfriend noong isang araw. Tinatanong nito kung darating siya sa Sabado. Naisip tuloy ni Bart na baka may binabalak na naman sa kanya si Aera kaya nagtanong ito. Baka sa pagkakataong ito ay maghubad na talaga sa harapan niya ang babae at baka bumigay na siya. Kaya naisipan niyang magdala ng pananggalang sa tukso. Dinala ni Bart si Samantha para kung anuman ang binabalak ni Aera ay hindi na maituloy nito. Instead, magba-backfire sa kanyang ex ang plano nito. He intended to make Aera jealous tonight. Doon niya patutulugin ang fiancée—sa mismong silid na tinutulugan niya. "I've told you why I had to do this." Siyempre ay sinabi na rin ni Bart sa fiancée ang tungkol sa pagpapatira niya kay Aera sa mansiyon. Aliw na aliw si Samantha pero hindi na lang niya pinansin ang panunudyo nito. "You complicate things. You don't really need to come to that house. You can just ask someone to check her work on your behalf." "Walang ibang nakakaalam na nasa bahay ko siya. Kaya imposible 'yang sinasabi mo." Well, alam ng assistant niya ang tungkol doon pero hindi niya iyon sasabihin kay Samantha. "Hindi puwedeng malaman ng daddy at lolo ko ang tungkol dito dahil baka kung ano'ng isipin nila. Nandito ka na rin lang. Pumayag ka nang dalhin kita roon, ba't hindi ka na lang makipag-cooperate through and through?" Nangingiting umiling-iling na lang si Samantha. Nagbuga ng hangin si Bart habang nakatuon ang tingin sa daan. "I still can't believe she has the audacity to do this." He smirked. "She wants me to take her back in my life. Ridiculous." Nang tapunan ni Bart ng tingin si Samantha ay nakita niya ang kakaibang ngiti nito. "What?" "You seem thrilled to know that she wants you back in her life." "What? Of course not!" Tumawa si Samantha. "Pero naakit ka ba sa kanya?" Yes, dang it! Dalawang oras yata siyang nanatili sa ilalim ng dutsa ng shower para pawiin ang init ng katawan noong araw na nakita niya si Aera sa bathtub na mukhang wala ni isang saplot. Isang oras na tulala sa loob ng banyo habang nagtatalo ang loob kung dapat ba niyang pagsisihan ang ginawang pagtalikod nang tumayo ang babae mula sa bathtub. Isang oras siyang nakatunganga habang nakahiga sa kama at nakatitig sa kisame habang paulit-ulit na nagre-replay sa isip ang hitsura ni Aera habang nakalublob sa bathtub. At isang oras na in-imagine kung ano dapat ang namagitan sa kanila kung naging marupok siya sa tukso. Limang oras na nagkulong sa kuwarto si Bart pagkatapos ng insidenteng iyon. Kaya pagkatapos mainspeksiyon ang ginagawa ni Aera ay umalis na kaagad siya. He was afraid that he might finally give in if she would seduce him again. Nagbuga ng hangin si Bart. "Siyempre, hindi. What do you take me for? Wala na akong nararamdaman para kay Aera." "Hmmm..." Halatang hindi kombinsido si Samantha. Pagdating nila sa mansiyon ay lihim siyang nasiyahan sa nakitang reaksiyon ni Aera nang makitang hindi siya nag-iisa. Bukod sa nabigla ay na-disappoint ito. Alanganin ang ngiting ibinigay ni Aera kay Samantha. "Magandang gabi." Tulad ng napag-usapan nila ni Samantha, kailangan nitong umarteng antipatikang fiancée na possessive sa kanya at galit kay Aera sa ginawang panggugulo sa kasal nila noon. Nag-angat ng kilay si Samantha habang nakatitig kay Aera. "I thought I was going to be okay to see you here. Na-explain naman sa 'kin ni Bart kung bakit ka nandito. May utang ka sa kanya, and you need to pay him in exchange of taking care of our soon-to-be matrimonial home..." Nakita ni Bart ang pag-awang ng mga labi ni Aera na para bang naapektuhan sa huling mga salitang sinabi ni Samantha. He was secretly amused. Hindi naman nila napag-usapan ng fiancée na magpe-pretend silang doon titira kapag naikasal na. Samantha was really good at annoying people. "But," patuloy ni Samantha, "what you did in our wedding still haunts me until now. So I feel uncomfortable seeing you again." Mukhang genuine ang guilt na lumarawan sa mukha ni Aera. "Hindi ko alam kung mapapatawad mo ako sa ginawa ko pero gusto ko pa ring humingi ng tawad. Pasensiya na sa nagawa ko. Nawala kasi 'yong memory ko kaya ko nagawa 'yon—" "I know," sansala ni Samantha sa sinasabi ni Aera. "I understand that you had amnesia. But since you apologized personally, papatawarin kita nang slight for now. It will take time before I can fully forgive you though. Now, get me something to drink. And take this," iniabot nito kay Aera ang isang Louis Vuitton travel bag na kinuha naman ng huli, "to Bart's room. I'm sleeping here tonight." Halatang natigilan si Aera sa narinig. Nagkaroon na siguro ito ng idea na magsasama sila ni Samantha sa iisang kuwarto ngayong gabi. Nasilip ni Bart ang lungkot sa mga mata ni Aera. Nalulungkot ba ito dahil hindi magagawa ng anumang plano sa kanya ngayong gabi o nagseselos sa idea na matutulog sila ni Samantha sa iisang kuwarto? Lumapit sa kanya si Samantha at kumapit sa kanyang braso. "Come on, honey?" tanong nito. Ngumiti si Bart at nagpagiya sa babae. Pasimple pa niyang tinapunan ng tingin si Aera. Mukhang umpisa pa lang ay nakabawi na siya rito sa tulong ni Samantha. NANG mamataan ni Bart na papalapit na si Aera ay umakbay siya kay Samantha habang nakatayo sila malapit sa swimming pool. Mukhang natunugan naman ng fiancée na kailangan uli nilang magpanggap. "Hay..." sambit ni Samantha sa masayang tono. "I can't wait to live in this house, honey. I like the quaintness of it." Ngumiti si Bart. "I'm glad you liked it." "I could imagine our kids swimming in this pool with us." Humagikgik ito. "But while we don't have kids yet, we have this alone for ourselves." Tumawa siya. "Did you bring your swimsuit?" "Of course." Tumingin ito kay Aera na mukhang nag-alinlangan sa paglapit. "Oh, there's my drink. An orange juice. Is that freshly squeezed or powder?" "Freshly squeezed." "Good. Come here." Lumapit si Aera at mula sa tray ay kinuha ni Samantha ang baso. "Bart said you're cooking our dinner. Make sure I can eat it, okay?" Magalang na tumango si Aera. Nagpaalam na ito na babalik na sa kusina pero tinawag ito ni Samantha bago pa makalayo. "We're going to resume the wedding soon. Sana hindi ka na manggulo uli. Can I expect it from you?" Saglit na hindi nakapagsalita si Aera. Lumipat kay Bart ang tingin nito bago ibinalik kay Samantha ang mga mata. Tumango si Aera at pilit na ngumiti. "Congratulations. Makakaasa kayo na hindi na ako manggugulo sa kasal n'yo." Ngumiti si Samantha. "Good. You can now go back to the kitchen." Sinundan ni Bart ng tingin si Aera. Hindi niya alam kung bakit imbes na masiyahan dahil mukhang nasaktan ito sa pagtrato ni Samantha ay nakaramdam siya ng guilt. Halatang sinubukan lang ni Aera na huwag magpakita ng obvious reaction. She was hurt. "Stop treating her as if she's your maid, Sam," mahinang bilin niya sa fiancée. "Huh?" "You also didn't need to tell her not to ruin our wedding again." Umigkas ang kilay nito habang nakatitig sa kanya. "I thought you want revenge?" Napabuntong-hininga na lang si Bart at inagaw ang baso mula sa babae. Sinaid niya ang laman ng baso at saka ibinalik dito. Napatanga na lang si Samantha sa ginawa niya. "I'll just go to the bathroom," paalam niya at iniwan na ang babae. Sa halip na dumiretso sa banyo ay dumaan si Bart sa kusina para ipagbilin kay Aera na huwag lalagyan ng vetsin ang iniluluto dahil ayaw ni Samantha ng may GSM pero hindi na niya naituloy ang pagpasok doon dahil nakarinig siya ng paghikbi. Aera was crying. Dapat ay nasisiyahan siya dahil nasaktan niya ito gaya nang balak niyang gawin pero bakit kailangang bumigat ang dibdib niya at maawa sa babae dahil lang nalaman niyang umiiyak ito? He hated seeing her crying then. Nasasaktan din siya sa tuwing nasasaktan si Aera. But that was then. It should be different now. Wala na dapat siyang pakialam kahit umiiyak o nasasaktan si Aera. Lumakad na lang siya palayo habang kinagagalitan ang sarili. HUMAGULHOL si Aera nang yumakap kay Carrie na kaagad siyang inalo. Naramdaman din niya ang marahang pagtapik ni Susie sa likod niya. Doon siya sa beauty salon dumiretso nang umalis sa mansiyon. Pagkatapos maghanda ng hapag-kainan para kina Bart at Samantha ay nagpaalam siya para umuwi muna sa kanyang bahay sa gabing iyon. Idinahilan na lang ni Aera na bukod sa gusto niyang bigyan ng privacy ang dalawa ay may kailangan siyang asikasuhin sa bahay. Pumayag naman si Bart. Sinabi nitong kahit sa Lunes ng gabi na siya bumalik. Mabuti na lang at wala sa beauty salon si Polly nang mga oras na iyon kaya malaya siyang nakapag-emote sa dalawang beki. "Sana hindi ka umalis, ses," sabi ni Susie. "Sana hindi mo sila hinayaang masolo ang buong mansiyon. God knows kung anu-anong gawin nila doon dahil wala ka." "At," sabi ni Carrie, "mukhang hanggang Monday pa nila balak magtsuktsakan doon dahil sinabihan ka na kahit sa Monday ka na nang gabi bumalik." Lalo lang napaiyak si Aera. Off niya tuwing Lunes kaya siguro sa gabi nang araw na iyon siya pinababalik ni Bart. Pero mukhang mananatili nga ang dalawa roon nang isang buong araw bukas kaya hindi siya pinabalik kahit may trabaho siya ng Linggo. "Hindi ko kaya," umiiyak na sagot niya. "Hindi ko kayang makita si Bart na sweet sa iba. Ang sakit-sakit..." Hindi napigilan ni Aera ang maiyak habang nagluluto sa kusina kanina. Pinuna pa nga ni Samantha ang mga mata niyang namumugto noong matapos siyang magluto. Ang sabi na lang niya ay naiyak siya habang naghihiwa ng sibuyas.   Bumuntong-hininga si Carrie. "Kunsabagay... ganyan din 'yong naramdaman ko noong nakita ko 'yong ex ko na may hinaharot nang iba. Ang sheket-sheket." "Pero," tanong ni Susie, "sa tingin mo, mahal niya 'yong babaeng 'yon? 'Di ba, arranged marriage lang sila?" Bumitiw si Aera kay Carrie at sumisinghot-singhot na sumagot kay Susie. "Hindi naman imposibleng ma-develop si Bart kay Samantha. Ang ganda-ganda niya, matalino, pareho silang anak-mayaman. At saka... at saka... ikakasal na sila." Napahagulhol uli siya. This time ay kay Susie naman siya yumakap. Tuloy na ang kasal ng dalawa at ang nakakalungkot ay wala siyang karapatang pigilin iyon. "At ang masakit pa... doon sila titira sa bahay na 'yon. Pinangarap ko na tumira roon balang araw kasama si Bart kapag bumuo na kami ng sarili naming pamilya. Pero... ibang babae 'yong ititira niya roon..." Naramdaman ni Aera ang paghagod ni Susie sa likod niya. "Ses, 'wag ka munang mag-give up. Puwede mo pang maagaw si Bart hangga't hindi pa sila ikinakasal." Bumitiw siya kay Susie. "Hindi na, ses. Suko na 'ko. Tanggap ko nang hindi ako karapat-dapat kay Bart. Tama naman kasi siya... nagtaksil man ako o hindi, iniwan ko pa rin siya. Kahit ano pa'ng dahilan ko, hindi ko dapat siya hinayaang mawala sa buhay ko kung totoong mahal ko siya. Ayoko na uling guluhin ang buhay niya. Aalis na lang ako sa mansiyon. Titigilan ko na 'yong ilusyon kong puwede ko pa siyang mabawi." "Sure ka na ba diyan, ses?" tanong ni Carrie. "May chance ka pa naman, eh. Alamin mo 'yong tunay na dahilan kung bakit nagawa mo siyang i-give up. Malay mo, tama ka sa hinala mo na hindi mo pala talaga kasalanan 'yong nangyari." "Kailangan kong tanggapin," malungkot na pagsuko niya, "na hindi na sa akin si Bart. Anuman 'yong rason kung bakit nagawa ko siyang i-give up, ako pa rin ang may kasalanan kung bakit siya nawala sa 'kin dahil mukhang pinili ko siyang iwan kaysa ipaglaban. Kaya dapat lang akong magdusa." "Mabuti naman at nagising ka na sa katotohanan!" Napapitlag silang lahat nang bigla ay nakatayo na si Polly sa entrada ng salon. Nakapameywang ito at nagkikiskisan ang mga ngipin habang pinaglilipat-lipat sa kanilang tatlo ang tingin. Halatang na-intimidate ang dalawang beki. Natakot siguro dahil hindi alam ng boss na suportado ng dalawa ang ginagawa niya para mapabalik si Bart sa kanya. "Oo nga!" kunwari ay imbiyernang singhal sa kanya ni Carrie. "Alam mo naman kasing ayaw na sa 'yo ni Bart, ipinagsisiksikan mo pa ang sarili mo. At least, ngayon, matitigil na ang ilusyon mo." "Korak!" bulyaw sa kanya ni Susie. "At least, alam mo na ngayong nag-assume ka lang na may feelings pa rin para sa 'yo si Bart por que binayaran niya 'yong utang mo kay Polly at kinuha kang caretaker sa bahay niya! Next time, 'wag ka nang ilusyunada!" Napasibi na lang si Aera. Lumipat ang dalawang beki sa magkabilang side ni Polly para siguro magpanggap na loyal sa boss pero dinaklot ni Polly ang buhok ng mga empleyado at sinabunutan ang mga ito. "Punyeta kayong dalawa! Akala n'yo, hindi ko narinig 'yong mga sinabi n'yo kanina. Kayo mismo ang nagbubuyo sa babaeng ito na 'wag i-give up si Bart! Mga traydor!" Nagtilian ang dalawa habang hawak-hawak ang mga ulo. Itinulak ni Polly ang mga empleyado at lumapit kay Aera. "At ikaw, babae ka... kailangang matiyak kong hindi mo na talaga lalapitan pa si Bart. Kaya irereto kita sa stepbrother ng pinsan ng asawa ng kapatid ko!" Pinunasan ni Aera ang mga luha. "Huh?" Lumapit uli si Susie kay Polly. "Stepbrother ng pinsan ng asawa ng kapatid mo?" "Oo! Technically, hindi ko kamag-anak at kadugo. Hindi ako magrereto ng kamag-anak ko kahit distant relative dahil ayaw kong mahaluan ng dugo ni Aera ang lahi namin." "Sino?" tanong ni Carrie na lumapit rin uli. "'Wag mong sabihing 'yong abugado?" "Sad to say, yes," mapaklang sagot ni Polly. "Gustuhin ko mang tambay lang ang ireto sa babaeng ito, hindi ko magagawa dahil bet na bet siya ni Arvin no'ng nakita siya sa viral video. Dapat, irereto ko na si Arvin sa babaeng ito pero biglang umalis 'to at nagpaalila sa ex." "Guwapo 'yon, 'di ba?" sabad ni Susie. "Unfortunately, yes," sagot ni Polly. "Gustuhin ko mang mukhang kuhol ang ireto sa babaeng ito, hindi ganoon ang hitsura ni Arvin." Naniningkit ang mga mata nito nang ibalik sa kanya. "Kaya, maghanda ka. Ipapa-date kita kay Arvin. Kapag tumanggi ka, ibig sabihin, hindi ka talaga seryoso sa sinasabi mong lulubayan mo na si Bart." "Ses," hikayat ni Carrie kay Aera, "g-um-ora ka na sa stepbrother ng pinsan ng asawa ng kapatid ni Polly. Need mo ng boylet na mangdi-distract sa 'yo para hindi mo na maisip si Bart at maka-move ka nang mabilis." "Oo, ses," segunda ni Susie. "At saka ang suwerte mo kasi crush ko 'yong Attorney Arvin na 'yon no'ng nakita ko sa picture. 'Pag pinakawalan mo pa 'to, baka mauwi ka lang sa isa sa mga tambay sa labas, sige ka." Napabuntong-hininga na lang si Aera.

Between An Old Memory And Us - Heart YngridWhere stories live. Discover now