CHAPTER 1 -
"200 boss, diesel" narinig kong sabi ni kuyang driver.
Grabe. 'Di ko maiwasang mapabuntong hininga. Napatingin ako sa relo ko, 7:15 AM na. Kung kailan late ka na, tsaka sila nagpapagas no? First day na first day pa naman.
Napatingin nalang ako sa labas, dito naman ako nakaupo sa pinaka bungad ng jeep. Favorite spot ko talaga 'to kasi nakakababa ako agad. Madalas kasi ako mauntog sa jeep, pero okay lang matigas naman ulo 'ko eh. Jk!
Habang naghihintay, inayos ko saglit yung uniform ko, sayang plantsa ko dito kung malulukot lang din no. Ang ganda ganda pa naman. Long sleeves siya and skirt. Taray, uniform ng pang mayaman eh.
Kinalaunan ay umandar na yung jeep na sinasakyan ko. Habang nasa byahe ay naisipan ko namang makinig ng music, sinuot ko ang earphones ko saka ako naghanap ng kanta.
Ramdam na ramdam ko ang hampas ng hangin, ang lamig talaga ng ganitong umaga. Isabay mo pa yung kabang nararamdaman ko sa first day, wala pa naman akong kakilala 'don sa mga kablock ko. Medyo mahiyain pa naman ako sa ganun.
Ewan ko ba! 'Di ko naman akalain kasi na matatanggap talaga ako sa Wright University.
Habang nag-ooverthink ako ay naramdaman kong nagvibrate yung cellphone ko. Binuksan ko yung GC namin ng friends ko.
SHUTHengene
Sheena Ganda <3: Teh, ano kumusta first day? Marami bang pogi jan sa CEA Department?
Green Thea: Gaga ka ba, nasa jeep palang ako.
Hayley Malunggay: Si bakla naman tatanga tanga malamang papasok palang yan, nasisira mo umaga ko Sheena!
Sheena Ganda <3: Hanggang dito naamoy ko hininga mo Hayley tantanan mo 'ko.
Green Thea: At nag away pa ang dalawang baliw.
Uniss: Omg, don't you guys have classes? Stop blabbering and focus on your studies!
Green Thea: Kinakabahan ako mga beh, what if ibully nila ako kasi hampas lupa lang ako?
Sheena Ganda <3: Wag kang OA ate ko, keri mo yan! Pag may nang away sayo sumbong mo sa'min.
Hayley Malunggay: 'Di yan, kung ano ano nanaman ang naiisip mo, chill. You got us. You'll be fine. :)
Uniss: Finally, you two said something good. Anyway Theacakes, tell me your schedule later, sabay tayo lunch. I have to go since my class is starting na. Xoxo.
Pinatay ko na ang phone ko at ibinalik sa bag ang earphones ko. 'Di ko naman maiwasang matawa dahil sa kanila. Ganyan talaga sila, mga kababata ko sila na parang kapatid na rin ang turing ko.
Dito rin nga pala sila nag-aaral, si Uniss ay fully paid ang tuition, mayaman kasi talaga yon. Business tycoon ba naman ang parents n'ya. Ewan ko nga ba't pumayag yun maging kaibigan namin.
Kami nila Sheena at Hayley ayun mabait.
Charot, nakapasa kaming tatlo through scholarship program. Kahit ganiyan sila lahat naman kami ay focus talaga sa academics.
Huminto na yung jeep sa crossing, bumaba na ako at naglakad papuntang school. Lalakarin mo pa kasi ng konti eh, buti nalang nakapunta na ako dito nung nagtake ako ng exams kasi kung hindi maliligaw nanaman ako nito.
BINABASA MO ANG
Breaking The Barrier (gxg)
General FictionIn the prestigious corridors of Wright University, Thea V. Salvador strides with purpose, her mind as sharp as the angles she sketches. A freshman architecture student, she embodies intelligence, determination, and a quest for perfection. With every...