Hi everyone, Ako nga pala si Codielle, you can call me Codi or El, 25yrs of age. At HINDI STRAIGHT.
"Mag ingat ka dun nak, tumawag ka lang kong may kailangan ka ah? Lalo na kuya mo" saad ni papa habang bitbit ang mga bag na dadalhin ko. Kasalukuyan kaming naglalakad papuntang bus terminal dahil malapit lang ito. Tumango lang ako sa kanya at piniling di na sumagot.
"Tulongan mo din sila dun ah? Alalay din sa ate mo, sabihan mong wag masyadong magpapagud, mas okay kung magpahinga lang siya ngayong kabuwanan na niya" paalala naman ni mama sakin.
Yes you read it right, buntis kase yung sister in law ko. Napag desisyunan nilang ipadala nalang muna ako dun para may katulong sila. Di naman literal na katulong, tutulongan ko lang sila dahil nag t'trabaho ang kuya ko at maiiwan si ate, may 7 yrs old din silang anak at grade 1 na ito.
I imagined it sister in law ko lang mag isang nag aasikaso sa kanila tapos 9 months na tiyan niya, that's why hindi na ako pumalag.
After saying my goodbyes ay sumakay na ako sa bus, nag text na din ako sa brother kong b'byahe na ako. Habang nasa byahe na ako ay nakikinig lang ako ng music.
Fast forward. Ay nandito na ako sa terminal at hinintay ko si kuya dahil susundoin niya ako. Sunday ngayon timing wala siyang work.
Nakita ko na siyang palinga linga ako nalang ang lumapit sa kanya, nagulat pa nga ito nung nasa harap na niya ako.
"Uy boss! HAHAH. Di kita nakilala ah! Pumayat ka na, tumangkad din atsaka mas lalong pumuti." Tumatawang saad nito. Tumawa din ako at umiwas ng tingin. Sumakay na din kami sa motor niya papunta sa kanila. Wag kayong mag taka kung bakit boss tawag niya sakin, boss din tawag ko sa kanya at kay papa, parang mag barkada lang ang turingan namin eh.
Im not really comfortable pag may nag c'compliment sakin, although madaming tao ang nakaka pansin ng pag glow up ko daw kuno haha.
Well 5'6 yong height ko, maputi na ako dati mas pumuti lang ako ngayon. Yes before chubby ako but now 48 to 50 nalang yung kilo. Maybe dahil nalilipasan ng gutom.
Naglalaro kase ako ng billiards and im playing guitar also, nag susulat din ng kanta. Pero hindi ko pa nailalabas ang mga kantang nasulat. Mahiyain kase ako, di rin ako mahilig mag picture.
Nandito na pala kami sa bahay nila, di naman masyadong kalakihan, sakto lang samin. Lumapit agad ang sister in law ko sakin at yumakap. I can see her belly. I rub it and feel the baby kicks my palm. I giggle cause to be honest gusto ko sa mga babies haha.
I have my own room too, hinanda nila for me. After namin magkamustahan ay pinag pahinga muna nila ako. Inayos ko munang mga gamit ko sa cabinet after that nag update ako kina mama and humiga na sa kama until nakatulog na ako..
Nagising ako dahil sa ingay sa labas, di naman yung sobrang ingay, may nagtatawanan lang. Naligo nalang muna ako, after maligo at lumabas na na ako sa kwarto ko. Im wearing an oversized shirt at maikling short, nag pupunas ako ng buhok at pumunta kong san may nagtatawanan.
"Oh? Ito na pala si Codi, kapatid ng asawa ko" pagpapakilala ni Ate Micah sa tatlong taong kausap niya, dalawang babae at Isang lalaki.
"Hi Im Codielle, Codi or El nalang" pag uulit ko.. ngumiti naman sila at nagpakilala
"Ako si Brandon kuya ni ate Micah mo, this is my wife Cassandra and thats her younger sister Alexandra" saad nong lalaki at tumango lang ako. Her wife looks at me from head to toe and then looking straight into my eyes
Nailang ako sa ginawa niya kaya binalingin ko nalang ang tingin ko sa kapatid niyang nasa tabi lang niya.
"Hi El, I'm Alex" sabi nito at ngumiti ng napakalapad habang inabut ang kamay nito sakin, nginitian ko naman siya at nakipag kamay.