Pinahid ni Valentina ang pawis sa kaniyang mukha gamit ang bimpo. Bumuntong hininga siya at naupo sa upuang gawa sa kahoy at may kalumaan na rin. Katatapos niya lang maglinis ng kanilang bahay. Tapos na rin niyang pakainin ang bunso nilang kapatid na may sakit kung saan special child ito. Kailangang pakainin, paliguan o alagaan na parang sanggol kahit na sampung taong gulang na ito. Ang karamay niya dito ay ang sumunod sa bunso nila na si Venize. Nasa highschool na ito at pinipilit na igapang ng kaniyang ina ang pag- aaral nito. Huminto na sa pag- aaral si Valentina at wala ng balak na mag- aral pa dahil sa hirap ng buhay at dahil na rin walang mag- aalaga sa bunso nila. Ulila na sila sa ama kaya wala ng ibang maaasahan pa. Ang isa pa nilang kapatid na sumunod sa kaniya ay hindi rin maasahan dahil nabuntis ito ng maaga. Ang masama pa, hindi ito pinanindigan kaya naman mas lalo silang naghirap sa buhay lalo na't mahal ang gatas at diaper.
Minsan, gusto na lamang maluha ni Valentina dahil sa hirap ng buhay. Naaawa siya sa kaniyang ina na matanda na ngunit nagtatrabaho pa bilang kasambahay sa mala- mansyon na bahay ng amo nito na si Simon Miller. Ang guwapong biyudo na mayroong isang anak na babae na sampung taong gulang.
"Ate..." tawag sa kaniya ng kapatid niyang si Victoria.
Bumaling siya dito. "Oh bakit? Iyong anak mo nasaan? Tulog na ba?" panunukoy niya sa anim na buwang sanggol ni Victoria.
Naupo sa kaniyang tabi ang kapatid niya. "Tulog na, ate. Gusto ko lang sanang sabihin sa iyo na sorry sa lahat, ate. Sorry kung naging suwail ako at hindi ako nakikinig sa inyo ni mama. Mas lalo tuloy tayong naghirap ngayon dahil dumagdag pa ako. Naging pabigat pa ako sa bahay na ito at wala man lang akong maiambag..." umiiyak na sabi ni Victoria.
Hinawakan naman ni Valentina ang kaniyang kapatid sa kamay. "Huwag ka ng humingi ng sorry diyan dahil nangyari na ang nangyari. Hindi na natin mababago pa ang mga nangyari. Alangan namang ipasok mo ulit diyan sa kipay mo ang anak mo 'di ba? Nandiyan na 'yan. At alangan namang itakwil ka namin eh wala ka namang mapupuntahan? May tampo lang kami sa iyo ni mama dahil sa ginawa mo. Pero mahal ka namin at hindi ka namin magagawang itakwil. Isipin mo na lang na lesson sa iyo ito.At huwag mo ng uulitin pa. Alagaan mo na ang anak mo at huwag ka nang mahuhulog pa sa ibang lalaki dahil baka mamaya anakan ka lang ulit. Kami na muna ni mama na gagawa ng diskarte sa araw- araw na gastusin dito sa bahay. Saka ka na magtrabaho kapag magaling ka na. Hindi basta- basta nagtatrabaho ang kapapanganak pa lang lalo na't madami kang naging tahi. Alagaan mo na lang ang anak mo at kapag may time ka, tingnan- tingnan mo ang bunso nating kapatid okay?"
Pinahid ni Victoria ang luha niya. "Opo, ate... marami pong salamat."
Bumuntong hininga na lamang si Valentina at saka niyakap ang kaniyang kapatid. Mahal na mahal niya ang mga kapatid niya. Ang pamilya niya kaya naman handa siyang gawin ang lahat para makatulong sa mga ito sa lahat ng bagay.
SAMANTALA, NAGPAALAM NA KAY SIMON ANG ISA NIYANG KASAMBAHAY. Kailangan na nitong umuwi sa probinsya dahil nagkaroon ng malubhang sakit ang anak nito. May kaunting lungkot na naramdaman si Simon dahil matagal na niyang kasambahay ang umuwi ng probinsya. At lahat ng kasambahay niya ay mababait at mapagkakatiwalaan.
"Sir Simon...." sabi ni Cristy sa biyudong si Simon na kaniyang amo.
Tumingin naman ito sa kaniya. "Bakit, aling Cristy? May kailangan po ba kayo?" magalang nitong sabi sa kasambahay.
Humingang malalim si Cristy bago nagsalita. "Naghahanap po kayo ng isa pang kasambahay, tama po ba?"
Umarko naman ang kilay ni Simon. "Oo, bakit? May mairerekomenda ka ba?"
Agad na tumango naman si Cristy. "Opo sana... iyon po sanang anak ko pong si Valentina. Ang panganay ko pong anak. Twenty years old na po ito. Wala naman po kasi siyang maayos na trabaho dahil hindi rin po siya nakapagtapos ng pag- aaral. Kung sakali po sana, siya na lang ang kunin po ninyo. Masipag po ang anak kong iyon at sanay po sa lahat ng gawaing sa bahay. Para po sana iyong sahod niya ay dagdag po sa amin. Pandagdag sa panggastos sa bahay..." paliwanag ni Cristy.
Bumuntong hininga naman si Simon at napaisip. Matagal na rin niyang kasambahay si Cristy at wala naman siyang masabi sa kasipagan nito. Wala siyang masabi sa trabaho nito dahil masipag talaga ito at maayos sa trabaho.
"Okay sige. Walang problema. Papuntahin mo na siya kaagad ito bukas para makapagsimula na siya," sabi ni Simon bago umalis sa harapan ni Cristy.
Napangiti naman si Cristy at binalot ng tuwa dahil makakasama niya ang anak niya sa mala- mansyon na bahay ni Simon at makakatulong pa ito sa gastusin nila sa bahay. Sa totoo lang kasi ay parang gusto ng sumuko ng katawan ni Cristy dahil may katandaan na siya. Pero hindi naman sobrang nakapapagod ang ginagawa niya dahil dalawa naman silang kasambahay. At may yaya naman ang anak ni Simon.
SAMANTALA, PINAGMASDAN NI SIMON ANG NAG- IISA NIYANG ANAK NA SI JAMAICA. Limang taon na rin ang nakalilipas simula nang pumanaw ang asawa niya. At nang pumanaw ito, hindi na siya naghanap pa ng bagong mapapangasawa dahil mahal na mahal niya ang yumao niyang asawa. Na para kay Simon, wala ng hihigit pa sa kaniyang asawa.
"Daddy... bakit hindi ka pa po natutulog?" wika ng kaniyang anak na si Jamaica.
Malambing na anak si Jamaica at manang- mana ito sa yumao niyang ina. Kaya naman sa tuwing maaalala ni Simon ang yumao niyang asawa, naiiyak na lamang siya.
"Daddy... ayoko na pong nakikita kang malungkot. Gusto ko masaya ka lang. At alam ko po na ayaw ni mommy na malungkot ka. Kaya nga po gusto ko na mag- asawa na lang po kayo ulit. Para happy na kayo. Pero syempre, dapat po mabait, ha? Hindi iyong aawayin ako. Dahil gusto ko na rin po magkaroon ng bagong mommy... Iba pa rin po kasi kapag may mommy ako. Mas masaya. Naiinggit po kasi ako sa mga classmates ko kasi may mommy sila tapos ako wala..." saad ni Jamaica.
Hinaplos ni Simon ang buhok ng kaniyang anak. "Hindi ko lang alam anak kong makakaya kong magmahal pa ng ibang babae. Dahil ang mommy mo lang ang nag- iisa sa puso ko. Kaya hindi ko maipapangako na magkakaroon ka ng bagong mommy..."
Bumuntong hininga si Simon at saka niyakap na lamang ang kaniyang anak. Ilang beses na ring sinabi ni Jamaica na gusto na niyang magkaroon ng bagong mommy. Ngunit hindi alam ni Simon kung magagawa niya bang buksang muli ang puso niya para sa ibang babae.
KINABUKASAN, dumating sa kaniyang malaking bahay si Valentina dala ang mga gamit nito. Tuwang- tuwa ang dalaga dahil makakasama niya sa trabaho ang kaniyang ina kung saan makakatulong na siya sa gastusin sa bahay dahil malaki - laki ang sahod nito bilang kasambahay. At marami pa silang benefits dahil mabait sa kaniyang mga kasambahay at tauhan si Simon.
"Sir Simon... nandito na po ang anak ko..." wika ni Cristy nang lapitan niya ito sa sala na nagbabasa ng magazine sa sala.
Kinabahan naman bigla si Valentina. At nang humarap sa kaniya si Simon, nakagat niya ang kaniyang pang- ibabang labi dahil nabigla siya sa kaguwapuhan nito. Ang sabi ni Cristy sa kaniya, nasa edad forty three na si Simon. Pero para kay Valentina, hindi tugma ang edad nito sa itsura at tindig ni Simon. Napakaguwapo kasi nito at talaga namang makalaglag panty ang dating.
Pinasadahan ni Simon nang tingin ang dalagang si Valentina kasabay ng paglunok ng kaniyang laway. Nakasuot lamang ng simpleng shirt at pants ang dalaga at nakalugay ang mahaba at tuwid nitong buhok, ngunit litaw na litaw ang kagandahan nito. At ngayon lamang nagandahan ulit si Simon sa isang babae dahil para sa kaniya, wala ng mas gaganda pa sa kaniyang asawa.
"Sir Simon?" wika ni Cristy na nagpabalik ng kaniyang ulirat.
"H- Ha? Oh yes... h- hi..." alanganing ngumiti si Simon nang mapagtanto niyang nakatitig lamang siya sa dalaga.
"Hello po, sir... Ako po si Valentina. Panganay na anak po ni mama Cristy...." magalang na sabi ni Valentina.
Napakurap ng ilang beses si Simon nang magsalita ang dalaga dahil ang malamyos na boses ni Valentina ay katulad ng boses ng yumao niyang asawa.
BINABASA MO ANG
KALAMPAG SA DILIM
RomanceMature Content/Rated SPG Sa isang malamig na gabi, hindi mapipigilan ni Simon Miller ang kaniyang sarili na maakit sa mapanuksong ganda ng kaniyang kasambahay na si Valentina Enriquez. Pilit man niyang pigilan ang sariling mahulog sa kasambahay ngun...