Chapter 9

7 0 0
                                    

Jai's Pov

Teka! bago niyo ako awayin, gusto ko na agad magsorry.

Ilang weeks ko na rin hindi nakikita si Ali. Kahit same school kami, hindi ko na siya nakakasabay papasok sa building. Maybe, umiiwas siya.

Hello, I know some of you already knows my name, also my character. Nakakailang mention na rin 'yong name ko sa mga previous nagpi-pov. And also some of you are mad for what I did to Ali.

So, andito kami ng girlfriend kong si Zoey sa mall. Niyaya kase niya akong manood ng sine kase ipapalabas daw ang Rewind movie. Sinamahan ko na lang siya.

Upon walking towards the cashier sa Cinema, may nakita akong familiar face. Kaya, chineck ko ulit to confirm. And I am right. Si Ali nga 'yon with someone na hindi ko pa kilala.

Base sa nakikita ko, they are arguing something pero nakaholding hands. Biglang nagpop up sa mind ko 'yong memories namin together, nanood din kase kami no'n. Natatandaan ko pa nga ang mga sigaw niya kaya maraming mga nakatingin sa'min. Memorable part 'yon para sa'kin.

Habang nakikita ko sila na nagtatawanan, nakaramdam ako ng guilt and aches. Dapat hindi ko 'to maramdaman kase wala akong karapatan to feel it. Ako 'yong nagloko at nang-iwan kaya naman this pain seeing your past happy with someone else is not in place for me to feel. Ganito pala ang pakiramdam na nakikita mong may iba na ang minsan nang nagbigay saya sa'yo.

Kanina pa pala ako tinatapik ni Zoey, natutulala raw ako out of nowhere.

"Ayos ka lang?" pagtatanong nito na may halong pag-aalala.

She's so caring person. And naguguilty ako kapag naiisip ko pa ang past ko.

Nakita kong palingon-lingon si Ali sa paligid, hindi ko alam kung nakita niya ba kami. Kaya naman, nagdadalawang isip ako kung tutuloy pa kami sa panonood.

But hindi na ako nakapalag, since hinila na ako ni Zoey paloob.

Before pa kami makapasok, pumila muna kami kase maraming manonood, iwas aberya kapag maghahanap sa reserved naming seats. May dalawang vacant seats nga sa pinakahuli, nagkakadejavu nga ako since dito kami nakapwesto before ng ex kong si Ali. Pasimple kong tiningnan ang mga mukha ng nasa malapit sa'min, baka sakaling makita ko ulit siya. Pero, hindi siya nahagip ng mga mata ko. Baka nga, nasa unahan sila. Madilim pa naman sa sinehan, impossible na makita ko pa ang mga nasa baba.

Pero bakit ko nga ba hinahanap?
sinapak ko ng dalawang beses 'yong mukha ko para mahimasmasan. Staka na rin ako nanood sa screen.

Nasa kalagitnaan na ng palabas. Nakakaiyak na rin ang part na ito.

Nang biglang may narinig ako na familiar ang boses. It's her. Sinundan ko ang boses kung saan man nanggagaling. The f---!  nasa unahan lang pala namin. shits. I saw her once again.

Nakaramdam ako ng kirot habang nakikita silang naghaharutan.

Ano ba Jai? Tama na nga. Ikaw ang nagkasala.

Kung may rights ka man, human rights lang. Gets mo?

Masakit din pala. I used to stares at her eyes before kase favorite ko 'yong eye contact niya. Ngayon, iba na ang gumagawa. Siguro nga boyfriend niya 'tong kasama niya. Hindi ko naman maitatanggi na may hitsura ang katabi niya. Para nga siyang celebrity kung tingnan.

Nawawala ako sa focus, kaya bigla akong niyakap ng katabi ko-- si Zoey. 

"Bebiii? Okay ka lang ba talaga?" pag-aalala niyang tanong

"opo, siguro nadadala lang sa kwento na pinapanood natin" hindi ko na binanggit sa kaniya na nasa unahan lang sila Ali. Ayoko namang masira ang mood niya lalo na niyaya niya ako.

"Bebii? If there's something you want to rewind, what it would be?" sa pagkarinig ko sa tanong ni Zoey. Nakafeel ako ng kuryente at panindig ng mga balahibo.

"might be sa inner self ko na lang po, Bebii. I am not used telling something to rewind po ih. " malumanay kong sagot.

"naiintindihan ko po, siguro it's your family"

napangiti at napatango na lang din ako.

Pero ano nga ba talaga ang irerewind ko if ever?

Nakatitig pa rin ako sa kanila. They are having their best time together. Masaya naman ako to watch my once love of my life na happy with someone.

Matatapos na ang palabas. I saw her papuntang comfort room. Kaya nagpaalam ako sa girlfriend ko to excuse myself. Hindi niya ata namukaan ang mukha ni Ali.

Pagpasok ko sa cr, there, I saw her. The eye contact that I've missed for so long. 'Yong mga titig na kinabaliwan ko sa kaniya. Pareho kaming nagkaroon ng slow motion, as in parang kami lang ang tao sa mundo.

"uhmm-- Kumusta ka?" agaran kong pagtatanong.

"maayos naman." sagot niya habang nakangiti.

Kaya niya na akong tingnan nang hindi nabubulol, kaya naman parang hindi na ito nasasaktan. Masaya ako for her.

"It's been a long time, Al-li" paghahabol ko nang sinabi para hindi off ang atmosphere sa loob.

"uhmm---Maryana. " bigla niyang singit sa pagtawag ko sa kaniya ng Ali.

May nagbago na nga. Karma hits me so hard.

"Mauna na ako, Joraida" pagpapaalam niya sa'kin. Nais ko pa sanang makausap siya kaya lang nauna na siya. Bumalik na rin ako sa upuan ko.

"Bebii, matatapos na ang movie" saad ni Zoey
"ang lungkot nga" sabi ko, kase totoong malungkot ang kwento.

[Sa susunod na habambuhay-hay]

The music background though. Mararamdaman mo talaga na may regrets ka.

Tapos na ang palabas. Palabas na kami ng sinehan. Hindi ko na nakita sila Ali.

"aray ko"

rinig ko sa mga nakapilang kasabay namin lumabas, biglang nag-sink in sa'kin na kaboses niya ang kasama ni Ali.

"Bebiii, are you looking for someone else?" tanong ni Zoey. Nahahalata niya atang kung saan-saang banda nakakarating mga titig ko.

"Uhmm--- nothing bebii. "

Hinila na naman niya ako papuntang food court.
Wrong timing, nag-stop kami sa table kung saan nakaupo sila Ali.

"Uyy Ali, Hello" bati ni Zoey sa tapat naming table, sila Ali.

"Hello rin" she greeted us too.

I feel the awkwardness between us. Ang hirap ng ganito. Pero kalmado pa rin sila Ali, hindi na affected sa nakikita niya.

The table is turned. Ako naman ang nayayamot sa nakikita ko.

Author's comment: Tama na Jai. Human rights ang mayroon ka lang.

Así es, ya no es posibleWhere stories live. Discover now