Chapter 10

10 0 0
                                    

Maryana's Pov

Hindi ko alam, pero parang ang liit talaga ng siyudad. Tama pala ang akala ko na guni-guni lang. Siya nga pala talaga ang nakita ko at kasama ang girlfriend niya. Well, for almost 6 months, we never had an interaction nor pansinan. Siguro, kapag nakikita namin 'yong mga tropa niya na andon din ang presence niya, nagkakatinginan. Pero, hanggang doon na lang 'yon. Wala nang mas hihigit pa, pinangako ko 'yon sa sarili ko. No more personal things with her, only academics purposes.

I'm still with Andres. He's so talkative but I really love his humor. If I would rate his personality and ten is the highest, my rate would be ten. Hindi siya oa at the same time 'yong intellectual capacity niya ay masasabi mong factor why girlies out there would be fallen.

Pero hindi pa ako nafa-fall. I mean hindi without pa. Susskoo, pwede naman kasing i-edit, bakit gusto pa isali? emee.

Ayon nga, nagulat talaga ako nang makita sila sa food court. Parang kanina lang nagdadasal ako na sana mali 'yong peripheral vision ko. Hindi naman sa hindi ko sila kayang makita, pero hindi mo naman kase maalis 'yong may pinagsamahan din kayo.

Noong nakita ko nga siya sa cr kanina,  natulala ako na parang nanaginip ba ako?

Siya ba talaga 'yon? hindi ako makapaniwala kase ang small naman ng world na ipagcross 'yong path namin.

After naming magkaroon ng interaction, siguro 2-3 exchanging of conversation, umalis na ako. Ayokong humaba pa ang kumustahan dahil unang-una, nagkasala na ako sa unang naging girlfriend niya. Enentertain ko siya. At ngayon na may girlfriend na siyang bago, I won't give it a two shot. Never again.

Yes, I was also a  victim of cheating issues but if I didn't learn from my past, para lang ulit akong tanga. Nasaktan ako before, pero I would never disrespect other's relationship para lang gumanti. Hindi ako 'yon.

Every makikita ko nga sila sa school, I remained being mute woman. Never ako magtatalak, and never mangshe-shame ng kapwa ko babae.  Lagi kong sinasabi sa mga kaibigan ko, na mas pipiliin kong magpakumbaba kesa magpahiya ng ibang tao.

I was a victim of cheating, of course I prefer silent revenge>>>> HAHAHA. Oo! may ganti! pero hindi paraan ng ganti na makakaapak ka ng tao. Basta good revenge lang, chillin' like a villain like a rarararara.

"Ali, tingin ka sa'kin" saad ng nasa harapan ko habang inaabot ang mga kamay ko.

Syempre, nagulat si atii niyo! isa na namang gesture ang magpapatibok nf kiffy, I mean ng heart.

"hoy! ikaw ha, hindi pa tayo close pero ang chansing mo na." sabi ko habang nag-iinarte.

Ang arte mo Alii, ang pogi nga ng katabi mo, amoy ang bench cologne. Ang bango. Hmmmm. Sarap. Ayy! another term 'yon para sa mabango. Oo! ganon.

"Ali, that's fine." Pagcocomfort naman ni Andres sa'kin. Hindi ko alam pero bakit parang nasesense kong alam niya ang mga pinagdaanan kong roller coaster.

"Fine from what?" pagtataka ko sa sinabi niya.

"From the things that keeps on disturbing your mind" sagot niya na may halong pag-aalala.

Wait? Is he worried? We're not that pretty close for him to feel it though. Nalilito na ako sa lalaking 'to.

"Ganito na lang, whatever you want here, like drinks, foods basta anything, kuhanin mo, libre ko. "

Ang yaman naman.

"Anak ka ba ng mall na 'to? baka nagdidisguise ka lang na hindi haa, kase kung oo! sakto, ipapakidnap kita" pangingisi ko na parang nababaliw.

"Babae! bibig mo! You're so loud! " pagtatakip niya sa bibig ko. Teka, hindi ako makahinga.

Tumakbo na lang ako para pumili ng pagkain, sabi niya anything ihh. Kayaa naman,

"Kuya, 3 orders of Shawarma, isa na rin pong pork sisig and a large order of milk tea." nag-oorder ako nang nakangiting demonyo sa kasama ko.

Kahit ano pala ha. Oras na para mangbudol.

"Sa liit mong 'yan, matakaw ka" pang-aasar ni Andres dahilan para sakalin ko siya.

"Aray! Ang tapang mo 5 flat" hindi pa rin siya tumitigil sa pang-aasar.

Ang ligalig na naming dalawa dahilan nang pagtitinginan ng mga tao na nakapaligid sa amin. May iba na natutuwa at kinikilig, may mga tao ring nayayamot at naiinggit.

Speaking of, nakatingin pala sa'min sila Jorailca. Sino ba namang hindi mapapatingin sa'min, ang ingay-ingay namin.

"Hoy! Kung mag-p- PDA kayo, hinay-hinay naman!" rinig naming sigaw ng isa sa mga customer.

Anong PDA? SWAT BA 'YON? AY PDEA PALA 'YON HAHAHA.

"I apologize, Kuya. Makulit lang talaga ang darling ko" saad ni Andres.

Nakakarami na talaga tong kumag na 'to! Hindi na ako inalis sa kahihiyan ih. Charot! ang matawag na darling ng isang pogiging alien ay isang nakakakiliti ng kiffy, I mean may butterfly na nagwawala sa tiyan ko hehehhehh.

Hays, Lord. Pwede na ako humimlay. Ganitong eksena ang gustong-gusto ko pero kunwaring nayayamot, eme.

10 minutes sa paghihintay ng mga orders namin >>>>

"Ali, kain ka na para luma--"

Napatigil siya sa pagsasalita nang pangdilatan ko siya ng mga mata ko na mahiwaga.

"para luma-kas ka, oo! lumakas ka, napagod ka ih kakaikot natin kanina" deretsong sabi niya habang nakikita ko sa mga malalaki niyang adams apple ang paglunok.

"uyyy, Andres. Maraming salamat ha. Hayaan mo, kapag nagkaroon ako ng afam, lilibre kita"

"pwede namang ako na lang kesa mag-afam ka" bulong niya kaya hindi ko narinig. Imagine-nin niyo, bulong 'yon pero nalaman ko hssshs.

"ha? ano 'yon? " pagtatanong ko kase feeling ko may narinig ako

"wala. kumain ka na kako"

hays, ayaw pa kase ulitin.

Habang kumakain ako, ramdam kong may tumitingin sa direksyon ko. My guts is always right, proven and tested. 

Nagulat ako nang biglang higitin ni Andres ang upuan para itabi sa kinauupuan ko at doon na siya pwemesto. Gets niyo? nasa harapan ko siya tapos lumipat siya para tabi na lang kami.

Rapunzel, pasensya na, nasa akin na ata ang korona.

"Bakit ayaw mo kumain? dinamihan ko ang order para sa'tin"

"Watching you is already fine" bigla niyang sabi habang hinahawi ang buhok ko.

Mabubulunan ako sa mga pinanggagawa mo, Andres. Perooo to be honest, gusto ko na sumigaw sa kilig. First time lang namin magkita at magbonding ngayon pero, I think---

oh, joke lang. Sinabi ko pala kanina, hindi ako mafa-fall.

Iinom na sana ako ng water nang may magpop na message sa'kin.

"Can we talk?"

and guess what? from her--Jorailca.

I already blocked her in all my social medias to avoid connection with her. However, her phone number was never been deleted in my contacts. Siguro nakalimutan ko na nagkakacommunicate pala kami through message, call and text that was why I forgot to delete his number.

I didn't give her a response. It's just that, I don't wanted any involvement with them. I have this space, sana sila rin. Distance yourself from things that once destroyed your peace.

Pero ang persistent niya pa rin magmessage, although hindi ko na nirereplyan. Kaya sinilip ko siya sa table nila, I caught her stares.

After ko nga kumain, umalis na kami ni Andres. Wala na raw kasi siyang pupuntahan kaya sabay na lang daw kami umuwi.

Binitbit na rin niya ang bag ko. Nakita ko namang sinusundan kami ng tingin ng mga kababaihan, pati 'yong dalawa.

Marami ata naiinggit sa'min, ih hindi naman kami magshota. Papunta pa lang emee charot.

Ohh nenext na ba? hhshsshahhs
pov naman kay walang damit :))))



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 27, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Así es, ya no es posibleWhere stories live. Discover now